6

1761 Words
"THEN be my date tonight." ulit nito. "H-ho?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ella sa Boss niyang seryosong nakatingin sakanya. "Be my date tonight." He seriously said without breaking their eye contact.. Napaiwas si Ella ng tingin upang mag-isip kung paanong magandang idahilan nya rito. Ngunit mukhang alam na ni Jaden ang nasa isip nya kaya kinontra na sya nito. "Don't look for some excuses Ella.. I'm tired of it.. pinagbigyan ko na yung ilang araw mong pagdadahilan." Napalunok naman siya sa kaseryosohan nito. "A-ahhm Boss wala akong damit, iba nalang ayain nyo. Hehe " sinubukan nyang lumusot. "Then let's buy you clothes. Let's go." Sabi nito at hindi pa sya nakakareact ay hinila na agad sya nito palabas ng opisina para bumili raw ng susuutin nya. Ella keeps on ranting things kay Jaden para lang wag na sya yung maging date nito, ala-singko na at 8 pm ang start ng ball. At dahil sila yung nag organize ng Charity ball na yon ay alam nyang bongga yung party na yon. Huminto ang sasakyan nito sa kilalang boutique at hinala ulit sya nito papasok. Hindi sya makaalma o makakibo man lang dahil mukhang wala na sa mood ang boss nya sa pagkaseryoso nito ngayon. "Good afternoon Sir, how may I help you." Nakangiting salubong sa kanila ng babae. "A black gown for her." Yes, it's an Elegant black and white party kaya need na nasa tema ang mga dadalo. "This way maam and sir." Inaya kami nito sa isang area na puro black gown ang nakadisplay. Napahanga sya sa gaganda ng mga iyon. "This." Intinuro ni Jaden ang long sleeve body-hugging gown. Maganda ito at napaka conservative kung titignan pero napaka elegante. Kinuha ito ng saleslady at inaya sya nitong isukat. Sinukat na nga nya ang gown and it perfectly fits her. Para syang naging instant prinsesa sa damit nito, but not enough to be a princess to Prince Jaden. Paalala niya sa sarili. She sighed bago lumabas ng fitting room. At nakita nyang may kausap na magandang babae si Jaden kaya tumikhim sya para makuha ang attensyon nito. "Boss." Tawag nya at tumingin sakanya ito mula ulo hanggang paa. "Good. Miss we will take that." Yun lang at bumalik ito sa kausap. Hindi naman mapigilan ni Ella ang hindi maiinis. Just good?  Samantalang gandang  ganda sya sa sarili nya? Naiinis na nagpalit sya ng damit ulit at hindi na kinibo si Jaden. Next stop nila ay sa salon at sunod sunuran nalang sya sa mga utos nito at hindi kumikibo. Pinaligo muna sya bago inayusan. Buti at may provided undergarments ang mga ito. Panay ang kausap sakanya ng nag aayos sa kanya at medyo naaliw sya sa mga compliments nito sakanya. Hindi naman gaanong natagalan ang pag mamake up sakanya dahil kahit simple lang daw ay bagay na sakanya. Lumabas sya sa isang kwarto at ayos na ayos na. It's already 8 pm kaya medyo late na sila. "Beautiful." Sambit ni Jaden ng makita sya. Tipid na ngiti lang ang sagot nya rito dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin sya ng hindi nya malaman kung bakit. "Let's go?" Tumango sya at inalalayan naman sya nito palabas sa salon papunta sa sasakyan nito. Habang nasa byahe ay tahimik pa rin syang nakatingin lang sa dinadaanan nila. Ramdam nya ang pasulyap sulyap ni Jaden sakanya at hindi nalang nya pinansin iyon. "Ella, Are you okay?" Si Jaden na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanila. "Yes po boss. I'm fine." She said at tipid na nginitian ito bago binalik ang tingin sa daan. "Are we okay?" Sabi parin nito at bahid ang pag-aalangan nito kahit hindi ito nakatingin sakanya at focus ang tingin sa daan. "Opo." "Then bakit ka tahimik? I'm not used to it. Mas sanay akong hindi ka nauubusan ng kwento." "Pagod lang siguro boss. But I'm fine." Sagot ni Ella at napatingin nman saglit si Jaden sakanya "Do you want me to take you home? I can take you home ng makapagpahinga ka na." Baliw ba ang boss nya? Saisip isip ni Ella. Pinabihis sya nito tapos pauuwiin lang? "I'm fine boss." Tipid na sagot nito. Jaden bothered about Ella, halos ilang araw siyang iniwasan nito. Kapag tatawag sya sa opisina nila ay panay ang dahilan nito sakanya. Iniiwasan sya nito sigurado iyon, pero bakit? Ang huling tanda niya ay maayos sila ng huli silang magkausap. Bakit kaya? Tanong niya na si Ella lang ang makakasagot. Nakarating sila sa event ay tahimik pa rin ito, nakahawak ang kamay nito sa braso nya habang papasok sila pero ng mapako ang tingin ng mga lalaki rito sa babaing kasama nya, he possesively wrap her arms around her waist. Tumingin ito sakanya asking kung anong ginagawa nya pero nginitian lang nya ito at iginaya sa table nila kung saan naroon ang pamilya nya. "Slits party ba to? Pataasan ng slits ah." Bulong na komento ni Ella na ikinangiti nya. Mukhang hindi ito nakatiis sa katahimikan nya kanina pa. "Because they like to show so much skin. Naka high slits na nga backless pa. Tss." He said. "Sus, yun nga mga gusto nyo. Kaya ko rin kaya yan. Maganda rin naman kutis ko. Bakit ba ganito pala yung damit na napili mo? Balot na balot. Nakaka OP tuloy hindi ako naka slits." Nagsimula ng magreklamo ito at napailing sya. "Exactly my point. You have sexy skin so you need to wear that para hindi nila makita yun. If I could just cover even your face ginawa ko na ng hindi panay ang tingin nila sayo." "Grabe naman boss sayang yung beauty ko pag ganon. Tara na nga gutom na ko." Sagot nito na ikinatawa nya. Takaw talaga. Iginaya niya ito sa mesa ng pamilya nila, tila na-intimidate naman ang dalaga sa mga ito "Jaden! My ghad. Ang gwapo mo na!" Histerikal na sabi ng babaeng sobrang ganda sa paningin ni Ella. Blonde ang buhok nito na nakabun din at dark make up pero napakaganda. "Ate parang sinabi mong ang pangit ko non?" Napatingin si Ella kay Jaden. Ate? May kapatid pala to? "Bakit totoo naman ahh? Diba nga bungi ka pa non tapos puro tartar.." Pang aasar ng babae. "Ate!" Sigaw ni Jaden pero pinagtawanan lang ito ng mga nanunuod sa bangayan ng dalawa. "Kayo talaga, hindi na kayo nahiya sa magandang binibini sa gilid." Saway ng isang lalaki. "Si Ate po kasi Tito. By the way fam this is Ella, my date." Pagpapakilala ni Jaden sa buong pamilya nito. "Good evening po.." Nahihiyang bati ni Ella sa mga ito. Lumapit naman sakanya ang isang gwapong lalaki sakanya na sa tingin nya ay kasing edad ng boss nya. "Hi beautiful, Derick Castroverde. Mas gwapo ko sa kadate mo." Bati nito sakanya at hinalikan ang likod ng palad nya. "Tabi, ako naman. Renz Castroverde miss Ganda, mas gwapo ako sakanila, at hindi ako kasing sungit ng kadate mo." Magiliw na sabi nito kay Ella at kinindatan pa sya. "Hep. Hello gorgeous, Glenn Castroverde. Pinakagwapo sakanila end of the story." Sabi naman ng isang mestisong binata. Natawa sya sa mga akto ng mga ito na parang nagtatagisan sa kagwapuhan. "Nice to meet you all, I'm Daniella Fernandez po. Pero Ella nalang po itawag nyo sakin." Magalang niyang sabi. "Hi Ella! I'm Denise de Vera-Lopez nice to meet you."  Pagpapakilala ng babaing kasagutan ni Jaden kanina. Nginitian nya ito at binati ulit. "Girlfriend ka ba ng pangit kong kapatid?" Deretsang tanong nito sakanya. Pinamulahan naman agad si Ella sa narinig. "Ate!" Napasigaw si Jaden sa kapatid. "A-ahm hindi po. Boss ko po sya."nag aalangang sagot ni Ella. "Ohhh.. Hindi pa pala girlfriend." -Glenn "Hina ni pinsan.. Tsk."- iiling iling na sabi ni Derick "Ella really? So single ka?" Tanong ni Renz kay Ella at tumango ito bilang sagot. "So can I ask you out sometimes? Actually naghahanap ako ng asawa, pwede ka ba?" Renz said sabay wink sa dalaga. "Renz stop that. Kung nakakamatay lang ang tingin, napatay ka na ng pinsan mo." Saway ni Jake sa anak "And I said mag asawa kana, hindi mang agaw ng girlfriend ng pinsan mo." Dugtong nito. "Dad ayan na nga sya. She's perfect to be my wife." Kunyaring seryosong sabi nito pero pilit sinusupil ang ngisi dahil sa madilim na mukha ni Jaden. "Nay, Tay alis na po kami." Paalam ni Jaden sa mga magulang at hinigit palabas si Ella. "Aray Jaden! Nasasaktan na ko." Asik ni Ella kay Jaden ng huminto sila sa tapat ng kotse nito. Napatigil naman ito at tinitigan ang namumulang pulsuhan nito. "I-I'm sorry.." "Ano ba kasing problema mo??" "Wala, ihahatid na kita.." Walang emosyong sagot nito sakanya. Hindi na rin kumibo si Ella kahit inis na inis na sya dahil na rin sa pagod samahan pa ng gutom. Ang labo talaga ng lalaking to! Argh. She murmured at binaling na lang ang atensyon sa daan. At dahil malayo layo ang venue ng party ay nakatulog na si Ella sa pagod. Jaden look at Ella full of different emotions in his eyes. Di nya malaman kung bakit pagdating sa dalaga ay hindi nya masupil ang emosyon nya. Napatingin sya sa namumulang pulsuhan nito at kumuha ng ointment sa kanyang emergency kit para pahiran ito. Nagising naman si Ella sa ginawa nito. "Andito na tayo. Sorry pala kanina, hindi ko sinasadya. Maya maya lang maalis na rin yung pamumula nyan, I'm sorry again." Hindi makatinging sabi ni Jaden. "Ano ba kasing problema mo kanina? Ni hindi pa tayo nakakaupo sa party umalis na kaagad tayo!" Di na nya napigilang komprontahin ang binata. "I'm sorry. " Ella frustratedly sighed. "Alam mo Boss ang labo mo na.Saka na po tayo mag usap.. Salamat sa pag hatid." She said and left the car. Jaden wants to kick himself. Bago pa makapasok si Ella sa apartment nito ay pinigilan nya ito. It's now or never Jaden. Admit it. "I like you. And naiinis ako! At nagseselos ako na hindi ko alam! Gusto kita Ella. Gustong gusto na kita.. yung ang alam ko. " he confessed at halatang gulat na gulat ang dalaga. Gaya ng laging nararamdaman nya when Ella is around, hindi nya makontrol ang emosyon nya so he grab her waist and kissed her. Kahit gulat na gulat ang dalaga ay nagawa nitong tumugon sa naging halik nya kahit parang nangangapa lang ito. Jaden smiled in her innocent act and let go her lips. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita. And I'll make you fall for me as you did to me." He said and kissed her again. ========= ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD