MABILIS ang naging mga araw at halos tatlong buwan na si Ella sa trabaho, nakapagrequest na rin sya ulit ng Transcript of Records sa dating eskwelahan sa tulong ni Gail na kaibigan nya.
Nacontact nya ito through social media at sinabi nya ang nangyari sakanya at nakakapagpadala na din ng pera sa pamilya niya sa probinsya.
Sa trabaho naman ay bilib na bilib ang mga kasamahan nya sakanya sa organizing team dahil sa creative ideas na sinasuggest nya na gustong gusto ng mga kliyente nila.
"Miss Ella flowers po delivery para po sainyo." Sabi ni Dennis na naglapag ng isang bouquet na tulips sa table nya.
"Kanino daw po galing to Kuya Dennis?" Tanong nya na nagtataka.
"Sa may kapatid po nung nag-debut kahapon, pa-thank you daw Miss, pero mukang gusto kalang pormahan non." Tumaas ang kilay nya at natawa nalang.
"Kuya Dennis talaga oh patawa! Tsaka bakit naman ako popormahan nun? Ang pogi saka mayaman si Sir Ethan Calleja saka macho pa! Kaya hindi kami bagay non nag thank you nga lang po siguro." Pangungumbinsi nya rito.
She's thankful sa mga katrabaho nya na turing sakanya ay pamilya na tila bang ayaw sya nitong masaktan. May mga kuya at ate na syang matatawag dahil bukod kay Diego ay siya ang pinakabata sa kanila.
"Ano nanaman yan girl? Kaya umiinit ang ulo ni Boss ang dami mong suitors." Singit ni France na may dalang kape dahil kailangan nila ulit mag overtime ngayon para sa malaking party na inoorganize namin para sa Charity ball ng Castroverde Group of Companies na pagmamay ari ni Jinn Arvinn Castroverde.
"Heh! Maglubay nga kayo jan madami pa tayong dapat tapusin dito." Siya kasi ang nakatoka sa physical design at sila naman sa food prep and programs. The party will be next week kaya naman puspusan na sila sa finishing this week.
9PM na ng umuwi sila Ella at maski pagod ay gustong gusto naman nya ang ginagawa nya dahil malaki ang natulong ng Casa de Guia sa kanya.
"Boss and mga chefs una na po kami. Bye bye po! And good night!" Pagpapaalam ni Ella sa mga ito na nasa kitchen until 12 pm kasi open ang Casa.
"Sino kasabay mo?" Tanong ni Boss Jaden na hinabol pala siya.
"Wala po nauna na sila France at Hanna. Lalakarin ko nalang ho siguro. Bye Boss!" Nakangiting pamamaalam nya.
"No! Baka mapahamak ka nanaman. Ihahatid na kita." Sabi ni Jaden at binalingan ang mga tao sa kitchen na nagpipigil ang mga ngiti "Kayo muna bahala dito, babalik din ako agad."
"Brad hindi pa tapos yung dish na ginagawa mo, may naghihintay jan. Ako nalang maghahatid kay Ella. Tapos naman na ako dito." Singit naman ni Hanz na mukhang gustong asarin ang kaibigan.
"Shut up Hanz. Ikaw na bahala jan. " walang lingon lingon at nahila na sya ni Jaden papasok ng kotse nito.
"Gabing gabi Boss ang sungit sungit nyo. Kaya ko namang umuwi mag isa. " Nakabusangot na sabi ni Ella rito.
"Where did you get that flowers again?" Hindi nito pinansin ang naunang sinabi nito at nakatingin sa bouquet na hawak nya.
"Ahh eto boss? Thank you gift daw galing kay Mr. Ethan Calleja for helping her sister last night sa party." Nakangiting sabi nya at muling tinignan ang mga bulaklak.
Dito ang mahal ang mga ganitong mga bulaklak pero sakanila ay napipitas lang sa bakuran nila nag mga iyon o sa bakuran ng mga kapitbahay.
"Tss. Itapon mo yan." Madiing sabi nito.
"Ano ho? Sayang naman Boss.. Marunong naman ho akong mag appreciate ng mga binibigay sa akin and it is rude kung itatapon nalang." Sabi nito at nakatingin sa mga bulaklak.
She received a lot of flowers back then tinatanggap nya nalang kaysa itapon. But it doesn't mean gugustuhin mo na yung taong yun. Just a little appreciation lang sa effort nila.
"Itapon mo na."seryosong sabi nito.
"Bakit nga po Boss?!" Naiirita na sya sa sinasabi nito.
"I hate flowers kaya itapon mo na yan."
"Eh maglalakad nalang ako para hindi mo makita yung bulaklak na to." Madiin na sabi nya at inalis ang seatbelt para lumabas.
"Hey, Ella! Where are you going?"
"Maglalakad ho!" Nakalabas na ulit sya ng kotse nito at nag lakad palayo sa binata.
Naiirita na sya sa boss nya na nagiging bossy na masyado sakanya. Ayos lang naman yun sana pero hindi na din nya alam ngayon, naghalo-halo lang siguro ang pagod, stress at p*******t ng puson nya kaya mas nagiging iritable sya.
"Ella come back! Hindi mo ba naisip na delikadong maglakad ng gabing gabi na? Bumalik ka na sa kotse ihahatid na kita." Habol ni Jaden sa dalaga.
"Akala ko ba you hate flowers? Edi lumabas nalang ako." Pigil na inis nya.
"Yes, I do.. I do hate the person who gave that to you that's why I ask you to drop it!" Asik nito sakanya.
Nananakit na ang ulo nya para makipagsabayan sa bangayan nila ngayon. She sighed before she speak.
"Hayy nako Boss. Bahala ka sa buhay mo.. pagod na kong makipag sabayan ng diskusyon ngayon. Tapos isabay pa tong p*******t ng puson ko! Haist.." She rant saka ibinaba nalang nya sa sahig ang bulaklak na binigay sakanya, kahit nanghihinayang sya at bumalik nalang sa kotse nito.
Dahil hindi rin naman malayo ang Casa sa apartment nya ay madali siyang nakauwe. Pero habang nasa byahe kanina ay wala silang imik na dalawa which is so unusual to them.
Pasulyap-sulyap si Jaden kay Ella na tahimik lang na nakatingin sa bintana.
Did I offended her? Sinabi ko lang naman ang totoo. Nagalit ba sya dahil bigay yun ng Calleja na yon? Argh! Hindi ako sanay na ganito kami. Sa isip isip ng binata.
Hanggang sa makarating sila sa tapat ng apartment nito ay wala itong kibo.
"Ella.." tawag nya rito.
"Salamat po Boss sa paghatid. Ingat po kayo pabalik." Matamlay na ngiti lang ang binigay nito bago lumabas sa kotse.
Jaden sighed. Bumaba sya sa sasakyan nya at sinundan ang dalaga. He hugged her from behind dahil kasalukuyan nitong binubuksan ang gate ng apartment.
"I'm sorry.. Sorry if I offended you.." He whispered.
"B-boss.." Natigilan si Ella sa ginawa nito. Her heart beats erratically at hindi nya malaman kung bakit.
"Call me Jaden." He commanded habang nakayakap pa rin sakanya.
"B-boss.. lasing ka ba? Mabango ka naman.. Hindi ka naman amoy alak.." papahinang sabi ni Ella na sya ring sumagot ng sarili niyang tanong.
Jaden kept his smile dahil sa sinabi nito. "Call me Jaden please.. at huwag ka na magalit sakin.." pakiusap niya.
"Ahm Boss.. ay J-jaden.. ano po pagod lang ako hindi ako galit po.. opo boss.. Ayos lang yun.." Humarap sya rito at tipid na ngumiti habang nakatingin sa malungkot nitong mga mata.
"Hindi ka na galit sakin?"
Umiling sya "Hindi po ako galit."
"Bakit hindi mo ko kinikibo kanina? Dahil ba sa pinatapon ko yung bulaklak na bigay sayo ng Calleja na yon? I can buy a lot of that if you want!" He frustratedly said.
"I'm tired to argue nga diba? Huwag ka na ho makulit basta hindi po ako galit. Balik ka na dun sa Casa. Magpapahinga na ko. Goodnight Boss Uwi na.." she said.
"Tss. Hindi daw galit pero pinapalayas na ko." Parang batang sabi nito.
"Ayy nako Boss maaga pa kami bukas para sa last finishing ng event ng Tito nyo kaya pinapauwi ko na kayo hindi pinapalayas, and besides baka naghihintay sila sayo." Paliwanag nya.
"Fine. Magpahinga kana. Goodnight." He said and kissed her forehead. Natigilan si Ella sa ginawa nito at halos mabingi sa lakas ng t***k ng puso nya at hanggang sa nawala na sa paningin nya ang sasakyan nito.
Pumasok sya sa loob at uminom ng maraming tubig para kumalma ang sistema nya. Bakit ganon? Whenever she thinks of his boss ay nagloloko ang puso nya.
Hindi baka imagination ko lang yun. Oo, imagination lang yun. Imagination mo lang yun Ella! pangungumbinsi nya sa sarili.
Buong gabing iyon ay hindi rin sya nakatulog kakaisip sa sumisibol na nararamdaman nya. Hindi pwedi yon! Crush lang dapat! Yun ang paulit ulit na sabi nya sa sarili. Malabong magustuhan sya ng boss nya. Baka nag aassume lang sya sa kabaitan nito.
KINABUKASAN ay abala na ang lahat para sa finalization ng lahat ng plans for the Charity ball para sa Sabado at mayroon pa silang limang araw.
At mula ng nakausap ni Ella si Jaden kagabi ay napag isipan na niyang umiwas at lumayo muna dito bago pa sya tuluyang mahulog sa binata. Ayaw nyang mag assume kasi napaka imposible non, at hindi rin imposibleng mahulog sya kay Jaden.
Of course she knows that. Hindi naman porket NBSB sya ay hindi nya alam ang word na love dahil minsan na rin syang nagmahal noon sa taong hindi din naman sya gusto.
At alam nyang she's close to falling for Jaden, at ayaw nyang mangyari iyon dahil ito ay isang prinsipe na babagay lang sa magandang prinsesa at nasisiguro nyang hindi sya yung babaeng iyon.
Kumbaga langit ito at lupa naman sya, alam nya ang lugar nya at hindi sya nababagay dito. Masyado lamang itong mabait sakanya, o mas tamang sabihin na mabait ito sa lahat?
Baka nabibigyan nya lang ng malisya ang ginagawa nito para sakanya dahil nagugustuhan na nya ito.
Natapos ang buong araw at sinundan pa ng ilang mga araw at pilit iniiwasan nya ang binata. He keeps on asking why, pero sinasabi nalang nyang wala o hindi kaya ay busy sya at iiwas na.
Mahirap yung pag iwas niyang ginagawa sa binata dahil panay ang corner nito sakanya. Na mukhang nahalata ang ginagawa niya.
"Team we did it! Perfect na lahat, mga bisita nalang ang hinihintay.. Thanks for all your efforts guys!" Sabi ng team leader nila na si Maam Mercy na head nila.
"Kastress lang Maam but worth it naman dahil ang laki ng bonus na binigay ni Mr. Castroverde. Bongga talaga ng pamilya na yun!" Natutuwang sabi ni France.
Nagpatuloy ang pag kwekwentuhan at tawanan nila na si Ella na ang bumabangka ng biglang pumasok si Jaden sa office nila.
Agad na natuptop ni Ella ang bibig at nag iwas ng tingin. Dahan dahan siyang pumunta sa table nya at kukuhanin na ang bag nya. Kailangan nyang makaisip ng excuse!
"Hi, Boss! Need anything? Or need someone?" Hanna teased.
"Yeah, I need someone.." Sagot nito at napatigil si Ella ng naramdamang lahat ay nakatingin sakanya. "You. In my office now.." He grumpily command at umalis din agad.
"Hala girl, mukhang beast mode na talaga si Boss, recently bad mood lang sya. Napano yon?" Si France ulit.
"Pumunta ka na dun Ella, baka may importanteng sasabihin si Boss sayo at sya pa mismo ang pumunta dito imbis na itawag lang." Sabi ni Maam Mercy at tumango nalang siya at pumunta sa opisina ni Boss Jaden nila.
Huminga muna sya ng malalim bago kumatok. Ilang minuto lang ay bumukas ito at iniluwa ang seryosong mukha ni Jaden.
"B-boss.." Hinila sya nito papasok at isinandal sa likod ng pinto.
"Ella why?" Seryosong sabi nito at deretsong nakatingin sakanya.
"B-boss wait po.. ang lapit nyo masyado hindi ako makahinga.." because her heart is beating really fast.
"Bakit mo ko iniiwasan?" Instead na sumunod ito sa sinabi nya ay mas lumapit pa ito sakanya.
"H-hindi ko po kayo iniiwasan.." She denied. Her heartbeats faster at kung mas lalapit pa si Jaden ay baka marinig nito iyon.
"Really?" He sarcastically said at ipinilig ang ulo na tila pinipigilan ang inis sakanya. "Kaya pala everytime I ask you out puro ka dahilan?" Lumayo na ito at pilit na kinokontrol ang kung ano pa mang masasabi nito. Sandali siyang nakahinga ng maluwag.
"Busy lang naman po talaga ko boss." Nakayukong sabi nya.
"Stop denying! Kaya pala kapag kinakausap kita tipid ka lang sumagot pero kapag sa iba hindi? Ella.. I feel it iniiwasan mo ko. Galit ka pa rin ba?" He asked.
"Hindi po.."
"Then why?! Mababaliw na ko kakaisip sayo!" He hissed and she was stunned.
"Wala po.. Hindi po ako galit.. Hindi naman po ako umiiwas." I'm just avoiding the fact that I might fall for you.. Gusto nyang idagdag.
Hindi ito kumibo nakatingin lang ito sakanya na tila sinusuri sya. Halatang may gustong sabihin.
"Be my date tonight then.."
===========
©Miss Elie