MILES "Bakit sa amin ka nagpapaalam? Kami ba ang boyfriend mo?" "Hindi ako nagpapaalam sa inyo." "Kung sa tingin mo ay papayag kami na sumama ka sa gagong Cloud na 'yan, nagkakamali ka, Bhest." "Hindi ako humihingi ng permiso sa inyo." "Utang na loob, Bhest. Tantanan mo kami sa kapilosopohan mo. Tsk." Damang-dama ko ang lutong ng pagkakasabing iyon ni Max. "Kung hindi ka pala nagpapaalam at humihingi ng permiso sa'min para sumama kay Cloud, bakit mo sinasabi sa'min na magkikita at sasama ka sa kanya?" "I'm just informing you, just so you know," sagot ko kay Sam. They already know na balik-magkaibigan na ulit kami ni Cloud. At first, nagtataka sila kung bakit ko pa raw siya tinanggap bilang kaibigan, bakit ang dali ko raw siyang napatawad, at kung nakalimutan ko na raw ba 'yung gina