CLOUD Nakita ko ang magkahawak-kamay na paglalakad nina Nathan at Miles. Narinig ko rin ang malalakas na bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanila. Then, Nathan really confirmed that he and Miles are officially together now. Good thing they were okay now, I muttered while ignoring the pain in my heart. Nakapamulsang ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa Engineering Department building. Habang dumadaan ako sa hallway, hindi ko naiwasang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Hindi pa rin sila makapaniwala na magkasintahan na sina Nathan at Miles. Napapatingin din sila sa direksyon ko at hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila tungkol sakin. "Siya 'yong first love ng babae ni Nathan natin, di ba?" "Oo, siya nga. Sana nanligaw na lang ulit siya, 'no?"