bc

BABAENG AHAS (Erotic Fantasy)

book_age18+
3.7K
FOLLOW
17.8K
READ
mystery
bold
lies
intersex
addiction
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

" Motana And Katana"

Isang kambal na lumaki sa gubat. Lumaki sa kakaibang mundo, malayo sa tao , at malayo sa malupit na mundo. Paano kung umibig si Motana sa lalaking matagal nang sinusundan?

Magkambal na kalahating ahas.

Dahil nga kakaiba at may kakaibang kakayahan pinaglaban niya ang kanyang nararamdaman. Mapa masama man, o pumatay man.

Paano kung may mabuong inggit sa puso Katana? Paano kung hindi lang ito inggit? Paano kung minahal nito ang iniibig ng kakambal?

Isang lalaki ba ang makakasira sa kanilang matibay na relasyong magkambal? Ano ang mananaig?

Kakambal o pag-ibig?

Paano ito malalampasan ng magkambal na si Motana at Katana?

ABANGAN

(Matured Content)

Tema, lenggwahe, karahasan, at sekswal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maghihiganti                              Masayang naliligo sa batis ang dalawang babae. Nakapaskil sa mga inosenteng mukha nito ang kasayahan.   "Katana , bakit kaya pinapatay ng mga tao ang ka-uri natin?"   Sa magkambal si Motana ay isang tao pero tuwing nagagalit ay lumalabas ang kulay ginto nitong mata at ang mahabang dila. Si Motana ay palangiti , masayahin at palaging gumagala sa gubat.   Habang si Katana ang siyang may malakas na loob. Tahimik at palaging misteryosa. Sa kabila ng napakaganda at mala diyosang kagandahan ng magkambal  ay may kakaibang katangian at anyo ang mga ito. Si Katana ay may mahaba at makinang buntot ng ahas at kalahating tao. Palagi siyang naliligo sa batis dahil kapag hindi siya nahahawakan o nadadaplisan ng kahit anong tubig ay nanghihina siya. " Motana , mga walang puso ang mga tao. Huwag na huwag kang lalapit sa kanila ,maliwanag?” Napanguso si Motana. " Bakit nga?" "Dahil sila ang umubos sa lahi natin. Hindi ka kasi nakikinig sa mga kwento ni Inang Valentina." Si Inang Valentina ay ang kanilang ina. Hindi katulad ni Motana ito ay katulad ni Katana.   Half human , half snake. "Hindi ba puwedeng magkasundo nalang ang katulad natin at mga tao?" Marahang hinampas ni Katana ang buntot sa ilalim ng tubig kaya napakislot ang kambal sa takot. "Alam ko ang nasa isip mo Motana. Kambal kita, kung anong naiisip mo, naiisip ko rin." Lumapit pa ito sa kambal. "Kung ano ang nararamdaman mo.. " Hinawakan nito ang dibdib ni Motana. "Nararamdaman ko rin.Walang mangyayari kung magiging mahina ka Motana." "Pag mahina ka, aabusuhin ka.Ganyan ang mga tao. Minsan nang lumisan ang mga kalahi natin noon  sa kalatagan at pumuntang kabundukan para wala nang gulo at away." "Natuto sila Ina noon na mamuhay at kumain ng yamang lupa. Nanahimik sila pero ano?" Naramdaman ni Katana ang hapding sumagi sa emosyon ng kambal. Nasasaktan ito.. "Maraming eksperto ang dumayo at ginambala sila Ina. Pinatay nila ang mga haring ahas at ang iba ay dinala sa patag para mapakinabangan..suwerte na si Ina at nakatakas siya Motana." “Pasensya na Katan--" Isang malakas na putok ang kanilang narinig. Tila isang hangin na manipis ang naririnig ng magkambal. Boses ng kanilang inang naghihinagpis at marami pang boses na alam nila ay mga tao. Agad nanlisik ang mata ni Katana sa galit at lumabas ang pangil nito... "Si Ina!" sigaw ni Motana. Kahit ilang metro pa ang layo ng ina ay kanila iyong naririnig. Kahit tunog ng tubig ,huni ng ibon at iba pa ay kanilang naririnig. Mabilisang sumakay si Motana sa likod ni Katana. Sobrang bilis ng kilos ni Katana. Wala itong maramdamang sakit kung makasagi man ng matulis na kahoy o bato.   Sa kabilang banda duguan ang Inang Valentina. Limang tama ng baril mula sa mga bandido. Mga bandido na noon pa man sa kanila tumutugis. Kalat man ang bali-balitang tungkol sa kalahating tao at kalahating ahas meron parin ang hindi naniniwala. Ang makakuha ng isang ganitong uri ay malaking pera at pasabog ito sa bansa.   Sinubukan ni Inang Valentina na tumakas pero naputukan ulit ito ng baril. Ngayon tumama iyon sa dibdib nito sanhi para manghina. Pumalibot dito ang grupo nang mga kalalakihang armado. "Itali yan at dalhin sa truck!" Utos ng pinaka lider sa kanila. Nagsihiyawan sa galak at saya ang grupo nila dahil sa wakas sa mahabang panahon ay magkakaroon sila nang limpak limpak na salapi. Kasalukuyang hinihila si Inang Valentina papasok sa malaking truck pero nanlalaban ito. "P-Pakawalan-pakawalan niyo k-ko." Umiiling ang isang lalaki at ngumingisi na tumitingin sa duguan at mahaba nitong buntot. "Ang ganda..sarap sana nitong tikman pero paano?" Humagalpak sila lahat sa tawa. Ang tawa nilang nauwi lahat sa gulat nang may isang buntot ng ahas ang tumusok sa mismong dibdib ng isa nalang kasamahan. Lumabas ang puso nito at dumanak agad ang dugo. "Putang ina! Meron pa!" Sigaw ng isa at lahat sila ay humugot ng baril. Lumagapak sa lupa ang duguan at bangkay na katawan ng kasamahan. "Ina!" Isang nakakakilabot na sigaw ang nagmula kay Katana. Sigaw na hindi pa nila kailanman narinig. Kasabay ang hikbi ng kambal nito. "Anong ginawa niyo?!" Sigaw ni Motana at tinakbo ang Ina para iligtas. "Shit! May kalahating tao at kalahating ahas pa! Ang isa tao!" Sigaw ng miyembro nila.   Isang putok ng baril at tumama ang bala sa balikat ni Motana. Napasigaw ito sa hapdi at napadapa. Isang  iyak ang kanilang narinig sa Ina na nasa loob na ng truck at maraming dugo. Habang si Katana ay tatlo na ang napatay at pinapaulanan ng baril. Marami itong tama sa buntot pero agad iyong humihilom kasalungat ng sugat ni Motana na hindi. "Anak..tumakbo na kayo.." mahinang usal ng Ina nila. "Ialis na ang truck! Kami na bahala sa ibang ahas dito!" Sigaw ng lider at narinig ang pag andar ng truck. Unti-unti narin ang pag sara ng pinto nito sa likod. "Hindi! Ina!" Iyak ni Katana at binigwasan ng buntot ang bumaril sa kanya tsaka tinakbo ang truck na paalis na. "K-Katana.." Isang usal ang narinig niya sa kakambal at agad napabaling dito na gapos na pala ng pinaka lider ng bandido. "Ka'y gandang..ahas nito. Ito, may katawan kaya matitikman.." Dinilaan pa nito ang leeg ng kambal ang siyang pagpantig ng tainga ni Katana. "Katana..Iligtas mo si Ina!" Si Motana habang sinasakal ng lider. "Tumahimik kang ahas ka! Ngayon , magiging alipin namin kayo.." Humalakhak pa ito. Nadudurog ang puso ni Katana habang minamasdan ang papalayong truck kung nasaan ang ina.   Nasasaktan siyang pinili ang kakambal. Kung puwede lang dalawahin ang katawan gagawin niya..   Unti unting nanlilisik ang mata at tinignan ang lalaking may hawak sa kambal. Bukod doon may mga nakapalibot rin sa kanya at nakatutok ang baril.   "Bitawan mo..." Babala niya sa lider pero umiling lang ito at ngumisi.   "Katana..si Inang.."   Dumaloy ang luha ni Katana. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang iligtas ang ina pero hindi niya maiiwan ang kakambal sa kamay ng mga bandido.   "Ihanda ang gamit! May bago tayong koleksyon!" Deklara ng lider. "May bago tayong alipin!" Umigkas ang buntot ni Katana at tinamaan ang lider nito. Tumalsik ito sa puno at mabilis na sinakal ito ni Katana. Halos pumasaere ang katawan nito.   Isang putok at nasundan pa ng maraming  beses ang nagmula sa mga bandido. Pinaulanan ng putok si Katana. Unti unti nanghina si Katana dahil wala nang bakas ng tubig ang katawan nito kaya nabitawan ang katawan ng lider. "Hindi!" Sigaw ni Motana pero wala paring tigil ang pag baril nila dito. Dumadanak man ang dugo ni Motana sa balikat sinubukan niyang abutin ang kakambal na nakalumpasay na sa lupa. Nakita ni Motana na ilang ulit sinaksak ang buntot nito at hinampas ng kahoy. "Tama na!!" Sigaw niya. "Tumahimik kang ahas ka!" Bumangon ang galit sa dibdib niya. Galit ang kanyang nararamdaman para sa mga taong walang puso.   Lumabas ang matutulis niyang pangil at mahahabang kuko. Kanyang sinakal ang lider at halos mamuti ito agad. "Papatayin ko kayong lahaaaat!" Isang sigaw na makawasak tainga ang nagmula kay Motana sanhi ng pag tapon ng mga katawan ng mga bandido. Ang boses nito na tila may lakas at puwersa na kayang pumatay ng tao. "Aaaahhhhhhhh!" Umiyak siya ng umiyak nang makitang wala ng lakas ang katawan ni Katana. Habang ang lahat ng katawan ng bandido ay wala ng buhay at dumudugo ang mga mata at tainga ng mga ito.   "Katana...." Hinawakan nito ang kambal sa pisngi. "Katana..gumising ka..gising.."   Ang mga luha nito ay umagos papunta s katawan ng kakambal. Ang siyang nagbigay tubig sa katawan nito. "Katana..Katana-" Napatigil siya ng magmulat ang mata ng kakambal. Nagkatinginan silang dalawa at tila nagkaintindihan. Hinaplos ni Katana ang mukha ni Motana. "Hahanapin natin si Ina..hahanapin natin siya.." Tumango tango si Motana. "Papatayin ko ang mga tao. Mga wala silang puso.." Isang hubad na katawan ni Motana ang nasa lupa habang hubad na pang ibabaw na katawan ni Katana at ahas sa ibaba ang nasa lupa nang kagubatan. Habang kalat kalat na mga bangkay ng bandido ang nasa paligid nila. Paano nila mahahanap ang kanilang Ina? Paano sila makakapunta sa mundo nang mga mapanlinlang tao?   "Pupunta tayo sa patag Katana. Maghihiganti tayo."        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

OSCAR

read
226.4K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Sex Web

read
131.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook