Chapter 2

1075 Words
                         Babaeng Ahas 2     Katana POV       Dalawang araw ang aking nilakbay sa karagatan ng Pasipiko. Ilang araw kong pinag-isipan ang aking mga gagawin at ito lamang ang natatanging paraan para maka-apak ako sa lupa.       Gusto kong mabilisan ang lahat dahil alam kong nahihirapan si mama kung nasaan man siya ngayon.          ‘Ramdam ko ang kanyang hinapis ngayon kaya mas lalo akong nagpursigi sa aking gagawin.    Sa ilang araw na paglakbay ay may nakita akong malalaking barko na naglalayag sa karagatan. Nakasalamuha ko ang iba't-ibang grupo ng mga sirena.     Alam ko ang direksyon papunta sa tagong Isla ng mga sirena. Minsan na kaming nakatungtong doon ng may kailangan si  inang Valentina sa reyna ng nga sirena.       Pagpasok ko palang sa kanilang kweba ang siyang pag alerto ng kanilang kawal. Dumantay ang tingin ng mga ito sa aking buntot at nakita ko ang takot sa kanilang mga mata.   “Papasukin ang aking kaibigan..”   Narinig ko ang boses sa loob ng kweba. Yumuko ang mga kawal. Sila ay mga sireno na may berdeng balat. May palikpik sa tainga at siko. Ang mga kamay ay magkakadikit na parang kamay ng palaka. May mga patalim para protektahan ang prinsesa sa loob ng kweba.     Parang kristal na kumikinang ang haligi ng kweba. Nagkalat ang mga makikinang na alahas na nagmula pa sa lumubog na mga barko ilang taon na ang lumipas.     Sa kabibeng malaki nakita ko si Prinsesa Isabel na nakahiga at sinusuklayan ng isang katiwaling sirena ang kanyang mahabang buhok.   "Mahal kong Katana...kaibigan.." Bati nito sa akin at lumabas ang matamis na ngiti.   Hindi ko magawang suklian iyon imbes ay lumapit ako at yumakap sa kanya.   "Prinsesa Isabel, kailangan ko ng iyong tulong..tulungan mo ako..”   Walang ibang nakakakita na aking kahinaan kundi ang aking kaibigan. Hindi ako nagpakita ng kahinaan sa aking kapatid dahil alam kong mahina na ito. Kahit sa sariling ina ko ay hindi ako nagpakita ng kahinaan.   Hinimas nito ang aking buhok. "Narinig ko ang mga nangyari Katana. Mula pa talaga noon mga demonyo at mapanlinlang ang mga tao."     "Sila ang dahilan kung bakit kami nagtatago sa pinakamalalim at pinakamalayong lugar."   Hinalikan nito ang tuktok ng aking ulo. "Sabihin mo lang kung gusto mong bagyuhin sila ng ilang araw o linggo kung mararapatin.."   Umiling ako. “Isa lang ang gusto ko Prinsesa Isabel. Kailangan kong magkapaa.”   Medyo nagulat ito sa aking sinabi. "Iyan ay lubhang mapanganib Katana.."   "Kailangan kong mahanap si Ina Prinsesa Isabel."     "Iyan ba ang iyong gusto?" tanong nito.   "Oo." "Sasamahan kita kay Octupina. Nasa kanya ang perlas  Katana. Pero paano si Motana? Ang iyong kakambal?"   "Isasama ko siya. Kung nasaan ako dapat naroroon din siya."   "Ingatan mo si Motana ,Katana.."  tila may naisip ito.   "Bakit Prinsesa Isabel?"   "Si Motana ay kayang gawing bato ang isang bagay ,hayop o tao. Kahit ikaw Katana, kayang kaya ka niyang gawing bato habang buhay.."   Naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Prinsesa Isabel. Pero ako ay nagmamadali at hindi na puwedeng magtagal pa. Iniwan ko lang siya sa kweba doon sa gubat na mag-isa.        Hindi gaano kalayo ang kweba ni Octopina sa mga kweba ng mga sirena. Kakapasok palang langhap ko na ang malansang amoy nito.   Ito ay nakaupo sa batong upuan at ang mga galamay nito ay gumagalaw. Mahahaba ang galamay nito.   Humalakhak ito ng makita ako. "Ako'y nalulugod na makita ka magandang ahas.." "Nalulugod rin ako."   Tumango ito at humalakhak. " May kailangan siya Octupina." Umpisa ni prinsesa Isabel.   Inikutan ako ni Octupina. Parang isang pain at parang gusto nang dakmain nito. Ramdam ko na delikado siyang kalaban. Sa mga galamay palang nito walang wala nang laban ang aking buntot.   "Ang lahat na hihiling ay may kinukuha akong kapalit.." "Anong kapalit?" tanong ko.   Humalakhak ulit ito na parang isang mangkukulam. "Ang iyong buhok ay mala ginto at mahaba...baka naman...-"   "Ako na bahala sa kapalit Octupina.."   "Hindi maaari prinsesa Isabel. Kung sino ang may kailangan ang siya lang kukunan ko ng kapalit."    "Kung gusto mo saiyo na." Walang alinlangan kong deklara. Mula pa noon hindi pinaputulan ni Inang Valentina ang aking buhok. Dahil ito raw ay kakaiba at malaginto. Ito lang daw ang aking kayamanan sa katawan kaya ito ay aking iningatan.   Pero mukhang ito ay aking isusuko. Isusuko ko para sa aking ina.   Isang matulis na bagay ang dumaplis sa aking buhok at isang segundo lamang ang aking mahabang buhok ay naging maikli at hanggang balikat na lamang.   Napasinghap si prinsesa Isabel at tiningnan ako ng malamyos. "Ayos kalang?"   "Ayos lang ako prinsesa Isabel.." Hinawakan ko ang aking buhok. Hindi sanay sa ikli nito.   "Ngayon puwede mong sabihin ang gusto mo. Ano ang iyong kailangan?" Hinahaplos ni Octupina ang aking makinang na buhok na kanyang pinutol. "Kailangan kong magkapaa."   "Sinasabi ko na nga ba. Lahat ng pumupunta sa akin dito ay paa ang problema. Ano bang meron sa mga tao at gustong gusto niyo sila?"   Sumiklab ang galit sa aking dibdib. Ramdam kong umiba ang kulay ng aking mata dahil naging mala-ahas ang aking bisyon.   "Kung meron man akong gustong patayin, iyon ay ang mga tao Octupina. Gusto kong iligtas si Ina hindi para sa mga tao. Kung maaari lang ubusin ko ang mga tao, gagawin ko.."   Humampas ang mga galamay nito. "Hindi mo iyon makakaya Katana. Ahas kalang. Alam mo sa mundo ng mga tao ang mga ahas ay makasalanan at pinapatay. Minsan na naming binagyo noon ang kalatagan at nilinisan nang karagatan ang mga tao. Libo libo ang namatay sa kanila pagkatapos nang delubyong iyon. Pero nanatili silang marami. Kaya hindi mo sila kaya. Ang maari molang gawin ay magtago at magpaka layo layo tulad ng aming ginawa." "Pero gusto kong kunin ang aking ina.." "Kung ‘ganon mag-iingat ka."Kinuha nito ang isang perlas at binigay sa akin. "Ilang sirena,diwata at  ahas na ang gumamit niyan pero pinaaalala ko saiyo Katana. Ni isa sa kanila walang nakaligtas." Hindi maiwasan na sumagi sa aking dibdib ang kaba. Napalunok ako at tiningnan ang kuminang na perlas sa aking palad. "Lunukin mo iyan kung iyong kailangan. Hindi iyan puwedeng mawala. Hindi yan tatagal sa iyong katawan. Tuwing alas dose ng gabi ay kusa yang lalabas sa iyong bibig at ikaw ay babalik bilang ahas. "   "Uulitin ko Katana. Ang ahas ay para sa ahas. Kung ikaw ay iibig ng tao ikaw ay mamamatay.."        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD