Chapter 3

1043 Words
     Nasa gilid ng dalampasigan ang magkambal na ahas at minamasdan ang kalupaan.     "Motana.." Tinawag ni Katana si Motana. Nakapaskil sa magandang mukha nito ang lungkot.   "Mag-iingat ka palagi Motana." Huminga ng malalim si Motana. "Bakit ba kailangan natin magkahiwalay?" may lungkot sa himig nito. "Hindi natin mahahanap si Ina kung hindi tayo magkakahiwalay Motana. Magkikita naman tayo di‘ba?" Hinaplos ni Katana ang pisngi ng kambal. "Hahanapin ka ng puso at isip ko Motana." Sumilay ang ngiti sa labi ni Motana. "Walang iwanan Katana. Para ito kay Ina." Nag aagaw dilim ang langit. Naging kulay kahel na ang kalangitan at handa nang lumubog ang haring araw. Nilunok ni Katana ang perlas. Ang kahel na kalangitan ay naging dilim. Sinabayan ng kidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Ang payapang dagat ay naging marahas. Tumaas ang alon at lalong naging malakas ang ulan. Niyakap ni Katana ang kakambal. Hindi nahalata ang luhang nasa mata ng dahil sa ulan. Hindi alam ng kakambal kung gaano siya kinakabahan sa maaring mangyari sa kanilang dalawa. "Mahal kita Katana.." "Mahal kita Motana.." Isang alon na kasing taas ng pader ang humampas sa kanilang dalawa. Dahilan kung bakit nagkahiwalay ang landas ng magkambal. Silaw nang araw ang nagpagising sa natutulog na si Katana. Unti unti nitong minulat ang mata. Inalala niya lahat ang nangyari habang sapo nito ang noo. Bigla nitong hinawi ang kulay abong kumot na nasa katawan. Nakalarawan sa mukha nito ang pagiging estranghera sa lahat. Mula sa gamit sa kuwartong iyon at maging sa kanyang paa. Nakasuot na ito ng puting bestida. “Nasaan ako?” Tanong nito sa sarili at nilukob ng kaba. Bigla itong tumayo at hindi pa nakatatlong hakbang ay lumagapak na ito sa sahig. Hindi ito marunong maglakad. Ito ang pinaka unang pagkakataon na makaranas ng paa.   Humawak ito sa dulo nang kama at nanginginig na tiningnan ang paligid. May nakita itong pinto. Sinubukan nito ulit tumayo at pursigido sa bawat galaw. “Kailangan kong makaalis. Kailangan kong hanapin si ina.” Hindi pa nakakarating sa pinto nang kusa na iyong bumukas at pumasok ang isang katulong bitbit ang kanin at sinabawang isda. Lumaki ang mata ni Katana nang makitang pareho silang may paa. “T-Tao..” Bumaba ang tingin niya sa hawak nito at nakita ang isang isda sa mangkok. “Ang isda!” inagaw niya iyon sa katulong at niyakap ang mangkok na parang ayaw nitong ibigay. “Masama kayong mga tao!” Natakot ang katulong kay Katana. “Ma‘am pagkain niyo po i-iyan..” “Kaibigan ang isda! at hindi ako si Ma‘am!” Bago pa makasagot ang katulong tinulak na ito ni Katana at mabilis na tumakbo palabas. Ilang beses itong lumagapak sa sahig pero bumabangon agad. Halos matapilok ito nang pababa sa hagdan pero hindi binibitawan ang mangkok na wala nang sabaw.   Nakita ito ng dalawang guard kaya iginapos si Katana. “Bitawan niyo ko!” sigaw nito. May naramdaman siyang kakaiba sa katawan. Hindi na siya malakas tulad ng dati. “Hindi po kayo puwedeng lumabas Ma‘am!” “Mga halang ang bituka niyo! Bitawan niyo ko!” Kinagat niya ang kamay ng isa sanhi nang pagkabitaw sa kanya. Tinadyakan niya rin ang isa sa pagkalalaki nito at tumakbo ng mabilis. Maraming sumigaw na mga katulong sa kanya pero wala siyang pakealam. Ang tanging nas isip niya kung paano siya makakalabas. Bago siya makalabas ng gate ang siyang pagbukas nito. Isang magarang sasakyan ang pumasok at huminto mismo sa harapan niya. Biglang dumami ang mga taohan at nagsiyukuan ang mga ito nang bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas doon ang isang lalaki. “ Welcome home lord..” Sabay sabay bati nang lahat at yumukod ang mga ito. Biglang kinabahan si Katana nang makita ang lalaki. Mas guwapo pa ito sa mga nakitang shokoy at poseidon sa karagatan. Walang kasing gandang nilalang ang nasa kanyang harapan. Pinilig niya ng ulo at unti unting umatras. Baka sakali saktan siya nito. “Lord, tumakbo siya palabas..” Sabi ng isang lalaki. Naging malikot ang mata ni Katana. Wala siyang malusutan at ang taas ng pader na nakapalibot sa kanila. Ngayon niya lang nalaman na ang paglunok niya nang perlas ang pagkawala ng kanyang buntot maging ng kanyang kapang yarihan. Dumapo ang tingin ng lalaki sa kanya at bumaba sa kanyang hawak. “Ibalik siya sa loob. Igapos niyo..” “Hindi! maaari!” Tatalikod na sana ito upang umalis at tumakbo pero hinablot ito nang lalaki sa baywang at idiniin sa sarili nito. “Bitawan mo‘ko hangal na tao!” gustong magwala ni Katana dahil ayaw niyang hinahawakan ng isang tao. Dumampi ang labi nito sa kanyang tainga. “Hinding hindi mo ako maloloko. Minsan mo na akong niloko kaya hinding hindi mo na ako maloloko sa pagiging balat-kayo mo salawahan kong asawa..” Lumaki ang mata ni Katana at umigting ang bagang. “Hindi kita asawa!” Hinila nito ang hibla nang buhok niya sa likod na ikinasakit ng ahit niya. “Hindi mo ako madadala Melody. Ngayon magdurusa ka..” bigla siyang nakaramdaman ng metal sa pulso at natuklasang pinusasan siya nito. “Hindi ako si Melody! Hindi kita asawa! Bitawan niyo ko!” Nagpumiglas ito sa pagkakatangay ng mga tauhan ni Lord Willam Jones.   Isang ngiti ang pinakawalan ni William nang makita ang asawang tangay ng kanyang taohan. Wala parin itong pagbabago. Magaling parin itong mag kunwari pero mas lalo lang itong gumanda at ka akit akit. Pero siya ay nadala na at hindi na malilinlang pa. Oras na para siya naman ang maghiganti. Sa kabilang banda si Motana ay nagising sa isang madilim na silid. Bigla siyang umahon at makaramdam ng sakit sa ulo. Siya ay nasa kama at tanging ilaw lamang ng liwanag ang nagbibigay kalayaan na makita niya ng kabuuan ng kuwarto kung nasaan man siya ngayon. Biglang may tumayo sa paanan ng kama. Isang lalaki ang nandoon at may hawak na kopita ng alak. “Sino ka?” Nanginginig na tanong niya at sumuksok sa pinakadulo. Umangat ang gilid ng labi nang lalaki. Ramdam niyang delikado ang lalaking ito. Nakaramdam si Motana ng sakit sa kanyang gitnang hita. Parang pinunyal siya doon. Sa kama nakita niyang may bakas ng dugo doon. “A-Anong ginawa m-mo sakin?” Lumakbay ang tingin ng lalaki sa hubad nitong katawan. Mas lalo itong nahumaling sa alindog at kagandahan nito. Hinawakan nito ang hita ni Motana. Ang gaspang ng kamay nito ay humaplos sa malambot nitong balat. “Minarkahan na kita kaya akin ka..” “H-Hindi....palayain mo ako..paki usap..”   Humalakhak ang lalaki. “Hindi na maari dahil akin ka..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD