Mine Tila napakainit ng aking pakiramdam kahit na ako ay kakaligo pa lamang. Nasa kama pa ako habang nakayukod ang isang kamay ni Gregor at nakahawak sa aking leeg ang isa niyang kamay para ma anggulo ang kanyang paghalik sa akin. Kakaiba. Nakakakaba. Nagbibigay rin ito ng kaba sa aking dibdib. Hindi ko masabi kung ano ba itong nararamdaman ko. Kumikilos ang kanyang labi sa aking labi. Kanyang sinipsip ang ibabang labi ko kaya ako ay napasinghap at napaawang ang labi. Sinamantala niya iyon upang pasukin ang aking labi at sinipsip ang aking dila. Isang guwang ang aking naramdaman. Gusto kong humiyaw pero hindi ko magawa! Tuluyan na akong nanghina kaya ako ay napahiga na sa kama. Nakadagan na siya sa akin at huminto sa paghalik sa aking labi patungo sa aking leeg. "G-Gregor.." akin