Bomba KATANA POV. Malayo sa kabihasnan ang aming pinuntahan. Pinlano ni Lord Jones na sa gabi kami pupunta sa kota na nagdala kay Motana. Nauna na doon ang mga tauhan niya at nagmamatyag. Nakasuot ngayon si Lord Jones ng itim na t shirt at itim rin na pantalon. Ang pinasuot niya sa akin ay itim na jacket at itim rin na pantalon. "Ayaw kitang isama dito Katana pero para mapanatag ang loob mo ginawa ko ito." Nilingon ko siya habang nagmamaneho siya sa madilim na daan. Sa daan palang halatang napaka masukal ng pinag dalhan nila kay Motana. Napaka walang hiya ni Gregor! "May nalaman rin akong balita na mula sa tauhan ko Katana." "Ano iyon?" tanong ko. "Nagpumilit si Gregor na pumasok sa piitan ni Motana pero hindi pinayagan ni Guarda. Dahil doon nag away si Gregor at Guarda at na