Motana POV. Oo. Nakita ko lahat. Wala naman akong nakitang mali pero bakit ganon? Ang saya nila habang kumukuha ng prutas sa na mangga at atis. Nasabihan ako kanina ng tauhan ni Gregor na lumabas si Katana at pumuntang lupain ni Gregor kaya sinundan ko siya. Nahirapan pa akong hanapin siya kanina dahil nagsimula nang umulan. Hindi puwedeng hayaan ko na lang siya na mag isa doon kaya kahit basang basa na ako ng ulan ay hinanap ko ang kambal ko. Nakita ko siyang sumisilong sa puno ng mangga kaya nilapitan ko siya pero bago ako makalapit ay nadulas ako dahilan na nasugatan ako sa tuhod at kamay. Nanlaki ang aking mga mata dahil ang aking dugo ay katulad na ng mga tao. Akala ko yun lang ang ikakagulat ko hanggang sa nakita kong sobrang dikit na ni Katana at Gregor. Ngumisi si Gregor