Kapatid "Kung ganon kailan natin uumpisahan ang paghahanap kay ina?" walang preno kong tanong. Bakit pa pala ako mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan niya rin naman ang aking katawan? Patas lang kaming dalawa. "Kung hahayaang mong magpaangkin ka ngayon sa akin Katana..uumpisahan natin ang paghahanap sa iyong ina.." anas nito. Nangunot ang aking noo. "I really like your eyes..." anito. Kinagat ko ang aking labi at hinawakan ang kanyang dibdib. "Katawan sa katawan lamang Lord Jones. Kailangan ko ang tulong mo kaya ko ito gagawin. Wala nang hihigit pa doon." Ngumisi siya ng madilim sa akin. "Tatandaan ko iyan Katana." Tinawid niya ang aming distansya at inangkin ang aking labi. Naramdaman ko na naman kung gaano ka init ang kanyang labi. Mabilis niyang pinilas ang aking k