Malala Motana POV. Hindi ko alam kung anong araw, oras ,o gabi na ba o umaga. Parang gusto ko nalang mapugtu an ng hininga dahil sa sobrang hirap at pagsusuka na wala namang maisuka. Hindi na bumalik pa si Helgad. Walang araw na hindi ko iniisip na ano ang nagawa kong mali kay Gregor? Bakit ko nararanasan ngayon ang mga ito? "I-Ina.. Katana..Hindi ko na k-kaya." ramdam kong ako ay tuyong tuyo. Ni hindi ako napakain ng maayos. Lahat ng pagkain ay aking sinusuka. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Helgad. Gusto kong masabik at matuwa ngunit tanging malungkot na ngiti na lang ang aking nagawa. Dumaloy ang aking luha ng kanya akong niyakap. "S-Senyora.." gimbal siya sa kanyang nakita. Ganon ba ako karumal dumal? "H-Helgad." bumuhos ang aking luha. Nagagalak sa isang kaibiga