Damdamin Motana POV. Tinuruan ako ni Luisa kung paano magsalita ng lengguwaheng englis. Nahirapan ako.Maging siya ag nahirapan rin bagkus unang pagkakataon ko itong marinig. Hinilot nito ang sentido tila nahihirapan. "Hmm, tagalog lang ang naiintindihan mo sa ngayon? Sige, dahan dahan natin. Sa susunod ulit. Ngayon, ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga tinuturuan ko...Halika!" Maganda si Luisa at maganda ang katawan. Napanguso ako at tinitigan siya. Hinila niya ako palabas sa silid na ito at nakita namin si Gregor sa hapag nakaupo at nakahilig ang ulo sa kanyang kinauupuan. Dumilat siya ng marinig ang aming yapak. "Done?" tanong niya kay Luisa. Umiling si Luisa. Tila nakuha naman iyon ni Gregor at napatingin sakin. "Papasok lang kami sa wardrobe. I will teach her how to