Anak Katana POV. Nasa bintana pa rin siya at nakatanaw sa kung ano. Tumikhim ako para agawin ang kanyang pansin kaya nag tagumpay ako. Nilingon niya ako kaya tinahak ko papuntang mesa sa loob ng kanyang kuwarto. Doon ko nakita na nakahubad baro siya at nakapantalon na lamang. Tumungo siya sa mesa kung saan ko nilagay ang lugaw niya at imbes na kunin ang pagkain, ang kinuha niya ay ang alak. Agaran ko siyang pinigilan sa pagkuha ng alak at matalim siyang tinitigan. "Iinumin ko iyan Katana kaya ibigay mo." banta niya. "Ayoko. Hindi kapa nakakain. Nagluto ako ng lugaw para sayo kaya kumain ka hindi ang puro alak." "Ano ba ang pakealam mo? Buhay ko ito-" "Mahal na mahal ka ng kambal ko Gregor kaya natural na pangalagaan ko iyon ngayong patay na siya!" Natahimik siya ng sabihin