Alex Katana POV. Kinabukasan ay maaga kami umalis. Sumakay kami sa isang sasakyan at tinungo namin ang airport. Ilang oras lamang ang sakay sa eroplano. Bilang isang babaeng gubat o babaeng ahas ay ito ang kinatatakutan ko dahilan na isang beses lang ako noon naka sakay sa ganito dahil ako ay nahihilo at nasusuka. Mabilis ang oras at namalayan ko na lang na nasa eroplano na kami patungong Iloilo. Wala namang masyadong pasahero. Magkatabi kami ni Gregor at sa likurang upuan ay ang kanyang mga tauhan. "Hindi ko ginamit ang chopper dahil mas nasusuka ka doon." Tumango ako at pumikit ng marinig ang pag ingay ng eroplano dahilan na lilipad na ito. Bumuga ako ng hangin. Kinakabahan sa paglipad ng eroplano. Ito yung bagay talaga na kinatatakutan ko na parte na nang pamumuhay ng tao. A