Gusto Motana POV. Halos ang nakikita kong liwanag ay nagmumula lamang sa siwang ng bintana. Nasa isang piitan ako na ang dingding ay lupa. Halos hindi rin ako makahinga dahil sa walang masyadong pasukan ng hangin sa kung saan man ako ngayon. Ang aking pakiramdam ay nauuhaw, pagod, at wala ring tigil sa pag iyak. Ako ay naka kadena. Ang dalawa kong pulso ay nakakakadena pataas at nakatayo lamang ako. Halos gusto ko ng makapag pahinga o umupo man lang ngunit hindi ko magawa. Hindi ko inaasahan ang lahat. Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin sa akin ni Gregor. "T-Tulong..." iyak ko. Gusto kong sumigaw ngunit walang lumabas na puwersa sa akin. Latang lata ang katawan ko. Gusto kong masuka sa hindi malamang dahilan. Bumukas ang kahoy na pintuan sa aking harapan at pumasok si Helg