Katana POV. Napakahangal mo nga naman Katana. Hindi mo kilala si Lord Jones para isipin na ikaw ang kanyang kakampihan. Marahil ay katawan mo lang ang habol niya. Hinimas ni Lord Jones ang braso ng babae at binulungan tila inaalo ito. Bumagsak ang aking tingin sa lupa at nanlamig ako. "Kung ganon ay aalis na ako sa tahanan na ito. Hindi ko kailangan mag sinungaling dahil kung ako ang nauna, baka patay na ang babaeng iyan. Ayoko nang maghatid pa ng problema dito." sabi ko na hindi tinitigan si Lord Jones. Narinig ko ang pag alma ni Drelyn, ang katulong na tumutulong sa akin. "Senyorito! May cctv naman po diba? Tignan niyo nalang ho bago kayo magalit kay Katana!" "Hindi na Drelyn. Gustong gusto ko narin umalis dito at hanapin ang aking ina. Maraming salamat sa lahat.." tipid akong