Puso
Motana POV.
Walang mapaglagyan na sakit ang aking nararamdaman sa aking gitnang hita. Sa mundo ng mga ahas ay isang ginintuang bagay ang aming p********e at iaalay lamang ito sa mga katulad namin.
Ang ahas ay para lamang sa ahas. Kung sinuman ang umibig sa hindi kauri ay mamamatay.
Nakatatak iyon sa akin. Oo mahina ako. Hindi ako kasing lakas ng aking kambal. Ngayon, ako ay natatakot sa taong nakakita sakin nang kami nang kambal ko ay paghiwalayin ng alon sa karagatan.
Maraming bagay akong nakitang hindi pamilyar sakin. Kahit itong kinalalagyan ko ay wala rin sa gubat o sa ilog. Ang aking ginintuang mata ay nanatili ang kulay. Maging ang pangil ng aking ngipin ay nanatili. Nauuhaw ang aking balat sa tubig ngunit hindi ko ito makita sa aking kinaroroonan ngayon.
Napalunok ako dahil sa gutom at uhaw. Sinubukan kong tumayo ngunit napabalik ako sa pagka upo dahil sa naramdamang sakit ng gitnang hita. Hindi ko maalala kung bakit ganito. Wala akong malay sa tingin ko nang mangyari ang rason kung bakit masakit ang aking gitnang hita.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang pamilyar na lalaki. Ramdam kong mapanganib siya kaya isiniksik ko ang sarili sa dulo ng kinaroroonan ko ngayon.
"Sino ka?" mahinang tanong ko. Parang lalagnatin ako dahil sa sakit ng aking katawan. Ako ay hubo't hubad at naglalakbay ang mata ng lalaking ito sa aking kabuuan.
Umuklo ito at niyukod ang dalawang kamay sa kama para maabot ako. Nakangisi siya at may guhit ang dibdib at braso niya.
Napakislot ako at napatingin sa kanyang kamay na humahaplos sa aking pisngi. Bumaba ang kanyang haplos sa aking leeg at hinimas ako doon.
"Kakaiba ka." bulong niya at kinagat ang labi. Umawang ang labi ko ng humagod ang kanyang daliri sa aking labi kaya lumabas ang aking dalawang pangil ng ahas.
" I Like your eyes so much..." dagdag nito at buong adorasyong tinitigan ang aking mga mata.
Mariin ko siyang tinulak. "Sino ka? K-Kailangan kong umalis. Kailangan kong hanapin ang aking ina. K-Kinuha siya ng mga bandido!" naluluha kong sumbong.
Madilim ang kanyang titig sa akin. Kalaunan ay dahan dahang tumango.
"Get dress first and we'll talk. But no...I won't let you go. You're now mine."
Nangunot ang aking noo. "Hindi kita maintindihan. Lubhang kakaiba ang iyong mga salita."
"Magbihis ka muna at mag uusap tayo."
Mas lalo siyang napaisip sa aking sinabi at tinitigan akong mabuti. Tumango siya ulit at sa isang pitik lang nang kanyang daliri ay may pumasok na dalawang babae. Mas lalo akong napaatras at napatingin sa lalaki. Natatakot akong masaktan.
"Hindi ka nila sasaktan. Sila ang mag aalala saiyo simula ngayon." dagdag ng lalaki na ikinapanatag ko.
Dahan dahan akong tumango hinayaan ang dalawang babae na balutin ako nang kung ano at dalhin ako sa isang silid.
May kung ano silang binuhos, pinahid sa aking katawan. May kung ano rin silang pinahid sa aking buhok na napakabango na tila ba ay mga bulaklak na naamoy ko sa batis.
Pakiramdam ko ay napakadalisay nang aking katawan nang ako ay lumabas sa silid na pinaliguan nila sa akin. Lumalabas ang tubig sa metal na bagay! Nakakahanga!
Pinatuyo nila ang aking katawan nang isang tela at may binuksan silang kuwadro at nakita ko doon ang ibat ibang kasuotan!
"Paumanhin na sainyong dalawa ngunit nais kong itanong kung ano ang bagay na aking kinauupuan?"
Nagkatitigan ang dalawang babae.
"Kama po ang tawag diyan senyora."
Mas lalong nangunot ang aking noo.
"Hindi senyora ang aking pangalan,paumanhin mga kaibigan ngunit sino si senyora?"
Umawang ang kanilang labi at umubo. Pormal na pormal silang dalawa at tila ba'y takot maka gawa ng kasalanan.
"Senyora ang tawag namin sa mga amo namin. Tulad niyo ho senyora. Si senyor Gregorio naman ang aming among lalaki at utos niya samin na paglingkuran ka po kaya senyora ang aming tawag sainyo." ngumiti ito.
Napaisip ako at tumango narin. Pinagpatuloy nila ang kanilang paghahanap ng kasuotan habang ako ay nakaupo. Kahit na ako ay nakaupo ay nag iisip ako kung paano ko mahahanap si ina at Katana, ang aking kambal. Nangingilid ang aking luha pero narinig ko ang isang bulong mula sa hangin.
"Mahal kita ina...Motana.."
Ang tinig na iyon ay mula kay Katana! Pinalis ko ang luha dahil sa galak. Salamat at ligtas ang aking kambal ngunit bukod doon ay ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman ng aking ina.
Isang magandang kulay dilaw na tila bulaklak ang isinuot nila sa akin.
"Mga kaibigan, ano ang pangalan ng inyong isinuot sa akin?" tanong ko.
Huminga sila ng malalim at tila namamangha sa akin.
"Dress po ito senyora. Ang ganda po ng inyong mga mata senyora. Parang...ano..parang iyong sa ahas pero ang ganda."
Kumalabog ang puso ko at ako ay natahimik. Hindi dapat nila malaman na ako ay isang ahas dahil alam kong masasama ang iilan sa kanila. Saksi ako mismo sa kanilang karahasan! Mga wala silang puso at hangal ang kaluluwa!
Ka hanga hanga ang hugis ng aking katawan sa aking suot na dress. Ang aking hita ay tila kumikinang at ang aking buhok ay bahagyang parang isang alon.
"Salamat mga kaibigan. Nagustuhan ko ang inyong ginawa."
Ngumiti sila sakin. "Halika na po sa labas at kakain kayo ni Senyor Gregor."
Tumango ako at sumunod sa kanila. Mas lalo akong napahanga dahil itong kinaroroonan ko ay napakaganda!
Inalalayan nila ako sa paglakad dahil parang mabubuwal ako habang pababa sa isang paikot na daan. Wala akong masabi sa aking mga nakikita!
Nakita kong nakaupo sa isang bagay si Gregor at may kung anong nasa kanyang harapan. Pinaupo ako ng mga kaibigan sa magkaparehong bagay na kinauupuan ni Gregor.
"Ano ang mga ito?" tanong ko. Hindi naman mawaglit ang kanyang titig sa akin.
"Pagkain.." kanyang inisa isa ang mga nasa aming harapan at hindi ako makapaniwala dahil mga pagkain pala ang mga ito?!
"Mukhang masasarap na pagkain!"
"Kumain kana bago tayo mag usap.Tutulungan kita."
Nagalak ako sa kanyang sinabi. Sunod sunod akong tumango sa kanyang sinabi.
"Salamat Gregor..."
Inabot niya ang aking panga at hinaplos ako doon. Umawang ang aking labi sa kanyang ginawa.
"Susundin mo lahat ng aking gusto...Motana.."
Ang aking puso ay mas lalong lumikot.