Kabanata 3: Escort

1301 Words
Isang linggo na ang lumipas simula noong lumipat si Ghana sa Manila Hotel and Condominium na libreng inaalok sa kanya sa loob ng isang buwan. Literal na bumilog ang kanyang mga mata noong una siyang pumasok sa loob ng condo na titirahan niya. Napakaeleganteng kombinasiyon ng puti at ginto ang buong interior. May mga animo'y kristal na chandelier nakalambitin sa taas. Sa mismong salas ay may napakalaking painting ng logo ng Manila Company. Ito ay nakapaloob sa kulay lilac na picture frame, animo’y nagsisilbing paalala na ang kabuuan ng condong ito ay hindi pagmamay-ari ng kung sino mang tumira dito, kundi ng kumpanya. Agad na napabalikwas si Ghana mula sa pagmumuni-muni ng tumunog ang kanyang selpon na naghuhudyat ng panibagong text. Hindi na ito iyong dating keypad na gamit niya. Sa pinkaunang pagkakataon, ginastos niya ang kanyang sahod mula sa dati niyang amo upang makabili ng touchscreen na selpon. Cellphone will be a necessity for her kung sasabak siya sa ganitong uri ng pamumuhay. “Hey sisteret I have an important announcement to you coming from the Manila Times CEO,” ganito ang mensahe ni Antonio Guevera sa kanya. Siya marahil ang pinakaunang kaibigang maituturing niya sa bagong mundong pinasukan niya. Kagaya nga ng sinabi ni Mrs. Versohilla noong contract signing makakasama niya si Antonio sa unang linggo para turuan siya. Naging maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya at hindi niya maidedeny kung gaano kadami ang natutunan niya mula dito. ‘A model needs to be beautiful and presentable at all times’, paniniwala ng bakla kung kaya’t tinuruan niya si Ghana kung paano gumamit ng iba’t ibang kagamitan at produktong pampaganda. Pati na rin mga fashion styles na susuotin sa bawat okasiyon. Nagkaroon din sila ng etiquette training kung paano kumain ng maayos at gumamit ng mga sandamakmak na kubyertos na nilalatag sa mga engrandeng okasiyon. Malaki ang pagpapasalamat ng dalaga at meron si Antonio sa tabi niya. Hindi niya bukod maiisip kung papaano na lamang siya makakaadjust sa bagong mundo niya at kung papaano niya magagampanan ang responsibilidad niya bilang model ng kompanya kung wala ito. Manila Times has given her so much that she wanted to do something for it in return. Ding! Dong! Biglang may kumatok sa labas ng condo ni Ghana. Kaagad na inayos ng dalaga ang kanyang buhok tsaka siya sumilip sa maliit na monitor na nagpapakita kung sino ang nasa harap. Hindi nga siya nagkamali. Ang tao sa labas ay walang iba kundi ang una niyang naging kaibigan. “Hello Antonio!” masayang bungad ni Ghana sa nakafur jacket na si Antonio. Mahilig talaga ito sa mga animal prints at animal inspired clothings. “Ano bang lesson natin for today?” tanong ng dalaga. Kumislap ang mata ng bakla. “Well actually…”pagpuputol nito sa sasabihin at tska naglabas ng gold small envelope. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga ng mabasa ang nakasulat sa harap nito. “Night de Engrande of Manila,” pagbabasa ng dalaga sa nakasulat. “This serves as your official invitation.” Mahigit tatlong araw ng naririninig ni Ghana mula sa bibig ng kaibigan nito ang patungkol sa event. Isa itong prestigious night event na dadaluhan ng mga maiimpluwensiyang mga personalidad sa kumpanya. Ang Manila Company ay isang multi-operating company na nahahati sa tatlong sangay: Manila Times, Manila Fashion Brands, at Manila Hotel and Condominiums. “Ibig sabihin ba niyan makakadalo tayo sa event na iyan?” napapamaang tanong ni Ghana. Sa pagkakaalam niya kasi hindi siya imbitado dito sapagkat bago pa naman siya at lalong-lalong hindi isang impluwensiyal na personalidad. “Sadly, I can’t go with you. May personal schedule ako mamayang gabi,” saad nito. Nanlaki nanaman ang nga mata ni Ghana sa sinabi ng kaibigan niya. “As in ngayong gabi na ang event na ito!?” Nagsisimula na siyang mataranta. Aminado siyang isang magandang pagkakataon ang ganitong mga pagtitipon upang ibuilt up ang standing niya sa industriya. Kung talagang nais niyang baguhin ang kaniyang buhay, she needs to be bold. “Sisteret you know you don’t have to worry na kasi tinuruan naman kita ng mga gagawin at hindi gagawin sa mga prestigious gatherings. Besides aayusan naman kita bago ako umalis,” pagpapaliwanag ni Antonio. Kagaya ng sinabi ng kaibigan, inayusan niya ang dalaga. Mabilis na lumipas ang oras at sa wakas ay gumabi na. Maraming naggagarbuhang mga kotse ang nakaparada sa harap ng Manila H&C kasabay ng napakaraming reporters at photographers na nakaantabay sa magkabilang gilid ng red carpet. Alam ni Antonio na this will be the first time appearance of Ghana to the public after ang nagviral nitong picture. Aminado itong pagtutuunan siya ng pansin ng mga reporter kaya naman ay pinahiraman niya ito ng magandang gown na gagamitin. “Remember once you step out of here, just smile. Capture the attention of the photographers but not the reporters, payo nito kay Ghana. Mas makabubuti munang huwag magbitaw ng kahit anong statement,” paalala nito sa dalaga baka may masabi itong maaaring magamit laban sa kanya. Nauna ng bumaba si Antonio at umikot sa paanan ni Ghana. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at inalalayan ang dalaga sa pagbaba. “Hanggang dito na lang ako,” pabulong na sambit ng kaibigang sa kanya tsaka ito bumalik sa loob ng sasakyan. Nagsimula ng magbulong-bulongan ang mga tao. “Diba iyan iyong babae sa may picture…” “Si Tondo girl ba yan? Ang ganda naman talaga…” “Anong ginagawa niya dito…” Samu’t-saring mga reaksiyon ang natanggap niya ngunit pinilit pa rin nitong ngumiti ng maayos sa mga nakaantabay na camera. Noong malapit na siyang makaabot sa may di kataasang hagdanan na nagsisilbing daan papasok sa main hall, biglang nagkagulo nanaman ang mga reporters at photographers sa likod niya. Unti-unti niyang liningon ang bagong guest na pumasok na nakapagpagulo sa press. Laking gulat niya sa kanyang nakita. At mas lalo pa siyang nataranta sa kanyang nalaman. “As the CEO of Manila Company, maari mo po ba kaming bigyan ng explanasiyon patungkol sa biglang pagsulpot ni Tondo girl dito sa event,” tanong ng isang reporter na agad naman sinagot ng bagong dating na binata. “She’ll be working for us,” maikli nitong sagot at nagpatuloy sa paglalakad rejecting the follow up questions na gusto pang itanong ng mga reporter. Tila ba nabato si Ghana sa kinatatayuan niya. Bakit sa lahat ng pwede maging CEO ng pagtatrabahuhan niya bilang parte ng pagbabagong buhay, bakit siya pa? Bakit siyang pang naging bahagi ng nakaraang gusto niyang limutin. Hinding-hindi makakalimutan ni Ghana ang mga mukhang naging witness ng kanyang pagkakamali. Sa gitna ng kanyang pag-iisip, bigla siyang nakarining ng malaAdonis na boses. “Shall we?” ani nito sabay lahad ng kamay kay Ghana. It sounds very cool and authoritative. Unti-unting nagbalik ang dalaga sa katinuan. Ang binatang kanina’y nasa likod niya, ngayon ay nasa tabi na lamang niya. Ang taong gusto niya iwasan ay nakatayo sa kanyang harapan. Gumaan ang pakiramdam ni Ghana ng makita niya kung paano inosenteng ngumiti ang napakagwapong binata sa kanya na para bang wala siyang kaalam-alam sa nakaraan nito. Pilit namang ngumiti ang dalaga at kinuha ang nakalahad na kamay ng binata. “Dali! Kunan mo iyan ng litrato…” “Maganda itong maging cover ng articles…” Bulong-bulungan ng mga tao sa likod ng simulan na nilang maglakad papasok. Pinanatili ni Ghana ang poise at grace na tinuro ni Antonio sa kanya ngunit sa kaloob-looban talaga niya ay kinakabahan siya. ‘Sana talaga tama ang hinala ko na nakalimutan na ng binatang ito ang pangyayaring iyon' panalangin ng dalaga kasabay ng pag-announce ng MC ng kanilang entrance. “Let’s all welcome the Manila Company CEO, looking dashingly good, Mr. Cohen Sison together with Miss...” medyo natigilan ang tagapagsalita sa harap. Marahil hindi siya kilala nito. Sino ba naman kasi siya para makipantay sa pangalan ng mga maiimpluwensiyang mga tao? Binulungan ni Mrs. Versohilla ang MC na agad namang inayos ang kanyang pagpapakilala. “Ahem…together with the Manila Times new model Ms. Morghana Candice Lequin!” nagpalakpakan naman ng mga tao. Ayaw ni Ghana mag-assume na those applause are directed to her sapagkat alam niyang ang mga masisigabong palakpakang iyon ay para sa binatang kasabay niyang pumasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD