Kabanata 2: Contract Signing

1031 Words
Hindi naging madali para kay Ken na kumbinsihin si Ghana na sumama sa kanya at tanggapin ang alok ng Manila Times. Sa isip ng dalaga baka isa lamang scam ang inaalok sa kanya at pagsamantalahan siya nito lalo na at lalaki ito. Ngunit nang ipinakita ni Ken ang ID nito bilang isang professional photographer at inexplain ang litrato niyang nagviral, unti-unti ring napapayag niya ang dalaga. Hindi naman sa ignorante siya sa f*******:, sadyang wala lang kasi siyang touchscreen na selpon kaya hindi niya agad nalaman ang patungkol sa viral picture niya. Imbes na ibili niya ng magarang selpon ang kakarampot na sahod niya sa ukayan, ibinibili niya na lamang ito ng mga school supplies ng mga bata. Hindi naman na niya problema ang pang-araw-araw niyang pagkain at tuluyan sapagkat nakikitira siya sa balo niyang amo. Para rin sa mga bata kaya pumayag siya sa inaalok sa kanya. Minsan din talaga hindi maiiwasan sa mga babae ang mainggit at mangarap na mailagay din ang mukha sa mga nagtataasang billboards at prestiyosong mga magazine. Bata pa lamang si Ghana ay aliw na aliw na siya sa mga magagandang litrato ng mga naggagandahang babaeng na minsa’y nakikita niya sa mga magazine. Nakakalungkot nga lang at hindi siya hinayaan ng pagkabata niyang iexpress ang nais nito dahil sa mga mapanghusgang mata ng mga kababayan niya. Ngunit ngayong linisan na niya ang lugar na nagpahirap sa kanya at mapayapang nagbabagong buhay dito sa kaMaynilaan, hindi niya papalampasin ang ganitong mga opportunity. Ika nga nila: “Opportunity knocks only once.” Kapag nanadiyan na, you have to grab it already. Isang simpleng putting bestida na pinahiram sa kanya ng kanyang amo ang dinamit ni Ghana. “Ready ka na?” tanong sa kanya ng binatang nagsundo sa kanya. Mahinhing ngumiti ang dalaga, hudyat na handa na ito. Lumabas si Ken sa sasakyan niya habang pinipilit naman ni Ghana na buksan ang pintuan ng kotse. Nothing really beats experience in teaching us life lessons. First time ng dalagang sumakay sa ganitong uri sasakyan kaya hindi niya alam na dapat may pindutin pala siya bago niya maaaring buksan ang pintuan ng kotse. Agad naman umikot si Ken sa kinauupuan ni Ghana. Napapansin niya kung gaano nag-iistruggle ang kasama niya sa pagbukas ng kotse. ‘First time niya ata ito.’ Hindi niya maiwasang mapangisi sa isipan niya. ‘Gaano ba kainosente ang babaeng ito sa mundo?’. “Sa…Salamat kuya,”mahinang sambit nito habang namumula ang pisngi. Batid ata nitong pinagtatawanan siya sa isipan ng binata. “Don’t call me kuya. Tumatanda naman ako niya,” pabirong sambit ni Ken kay Ghana. Totoo nga naman, eh halos magkaedad lang sila kung titignan. “Call me Ken instead,” dagdag pa nito sabay turo sa ID niya na may nakaukit na pangalan niya, Ken San Jose. “Thank you Ken,” pag-uulit ng dalaga. Agad na silang tumungo sa loob ng building ng Manila Times. Binati sila ng receptionist ng magandang araw at sinabihan silang maghintay muna sa lobby at tatawagan niya ang recruitment department manager. Malipas ang makailang saglit a may dumating na babaeng nakadamit pang-opisina. Kung tatyansahin ay nasa late 40s na ito na makikita sa kunting kulubot sa balat nito, ngunit hindi pa rin mawawala sa kanyang mukha ang class at elegance. “I am Mrs. Versohilla, the recruitment manager of Manila Times. Ms.?” tinapunan ni Mrs. Versohilla si Ghana ng questioning look. Agad namang naintindihan ng dalaga ang nais nito iparating. “My name is Morgahana Candice L-lequin,” sumbat niya na may kasamang pagsisinungaling. Kung maaari ay ayaw na niyang gamitin pa ang family name ng kanyang ina kasabay ng pagbabagong buhay. “Come on to my office. We will discuss about the contract and its nature,” saad nito sa dalaga bago tapunan ng tingin si Ken. “You can leave her with me now Mr. San Jose,” seryosong sambit nito bago tumalikod at tumungo ng elevator. Bahagyang yumuko si Ghana sa binata bilang pagpapasalamat at pamamaalam bago siya sumunod kay Mrs. Versohilla. First time niyang sumakay sa ganito ngunit ayaw niyang ipahalata baka kung ano na lamang ang sabihin sa kanya. Ignorante. Sa TV niya lamang napapanood ang ganitong elevator. Medyo napakapit na lamang siya sa pader ng nagsimula ng magtaas baba ang elevator pero pinanatili pa rin niya ang pagtindig ng kanyang mga paa. Noong nakarating na sila sa opisina nito ay agad siyang binigyan ng envelope. “Nandiyan ang iyong copy of the contract. Basahin mong mabuti.” Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral sa Ghana, marunong siya ng umintindi ng English. Sa katunayan, isa siyang honor students noong nasa highschool siya. Hindi naman talaga siya hihinto sa pag-aaral kung hindi lang dumating ang pinakamabigat na pagsubok sa kanyang buhay-ang maagang pagpanaw ng kanyang ina noong siya ay third year high school pa lamang. Pagkalipas ng ilang sandali ay tumungo na sila sa signing of contracts matapos mapag-agreehan ang mga bagay-bagay. Nakapaloob sa kontrata na magiging isa sa siya sa Manila Times Model for the durarion of six months and renewable for another one year depending on the model’s performance. “Manila Times will give you one month free accommodations in the Manila Hotel and Condominium. Isa iyan sa mga benefits ng aming mga model on their first time. You can start moving in by tomorrow,” mahabang pagpapaliwanag ng manager sabay abot ng isang kulay puting card. “Tawagan mo ako kapag may problema ka,” dagdag nito. Aminado si Ghana na mahihirapan siyang mag-adjust sa magiging buhay niya ngayon kaya naman plinaplano na niyang pumunta muna sa computer shop upang magresearch ng mga basic na gagawin bilang model. “Don’t worry dear. Alam naming bago ang mga ito para sa iyo but the company trust in the potentials they can see in your eyes. Antonio Guevera will be at your side on the first week,” sambit nito at sinara ang napirmahang kontrata. “You are actually lucky na nagdecide ang kompanya na magsponsor ng aspiring model and they choose you despite all of the amateur models out there. So give it your best.” “I will ma’am,” mapagpakumbabang saad nito kay Mrs. Versohilla bago umuwi sa kanila. Sinabihan niya ang kanyang amo about dito ngunit pinagtawanan lang siya nito. Hindi ito makapaniwala. Si Ghana nga mismo hindi rin nakapaniwala. Sinasampal-sampal pa nga niya ang kanyang sarili para kumpirmahing hindi siya nanaginip. Sa wakas, dumating na rin siya sa part ng buhay niya liliwanag ang lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD