Isang naliligaw na maniniyot ang napadpad sa magulo at magkakadikit dikit na lugar ng mga taong isang kahig isang tuka- Tondo, Manila. Kasalukuyang siyang naghahanap ng maganda at makabuluhang larawan na gagamitin niya sa isang patimpalak ng mga phogtographer. Taliwas sa mga kasamahan niyang photographer na lumawas pa ng lungsod upang kumuha ng mga larawan, mas pinili ni Ken San Jose na manatili sa lungsod at doon kumuha ng magiging entry nito sa Manila Times Annual Photo Contest na sinasalihan ng libo-libong mga maniniyot sa bansa.
Ilang araw na siyang pabalik-balik sa lugar ngunit hindi pa rin siya makakita ng magandang subject. Aminado siyang kilala na ang Tondo bilang isa sa mga nakakaawa at nakakatakot na lugar sa bansa at ito ang nais niyang baguhin.
Tatlong araw na lang simula ngayon ay magsasara na ang pasahan ng mga litrato, kailangan na niyang magmadali. Bumaba ng sasakyan si Ken at nagsimulang malakad sa masisikip na pasilyo ng mga kabahayan. May mga nag-iinumang mama sa may kanto; may nagsusumbatang mga ale; at may nakakaawang mga batang nagkakalkal ng mga basura- tipikal na katangian ng Tondo.
Galing man si Ken sa mayamang pamilya, naiintindihan niya ang paghihirap ng mga tao. Agad niyang linapitan ang mga bata sa may basurahan at binigyan ng tig-lilimang daang piso. “Ibili niyo iyon ng pagkain ha,” ani ng mabait na binata. “Maghugas na rin kayo ng kamay bago kumain,” dagdag pa nito. Masayang tinanggap ito ng mga bata at dagli-dagling nagsitakbuhan sa kanilang mga tahanan.
Lumulundag ang puso ni Ken sa tuwa at nakatulong siya kahit papaano, ngunit hindi pa dito nagtatapos ang kanyang problema. Isang mahalagang aspeto ng kanyang buhay ang pagkuha ng litrato at nais manalo sa patimpalak. Nang makatagpo siya ng isang pang masikip na eskinita patungo sa hindi niya alam kung saan, pumasok siya, dala ng determinasiyon niyang makadiskubre ng bagong mukha ng Tondo. Naniniwala siyang hindi ganun kasama at kapangit ang Tondo. May maganda rin dito.
Napapatakip na lamang siya ng ilong sa mga umaalingasaw na amoy na nanggagaling sa baradong kanal at maduduming kabahayan habang maingat na inaalalayan ng isa pa niyang kamay ang camera nito na nakalambitin sa kanyang leeg. ‘Kunti na lang Ken' pilit niyang pangungumbinsi sa sarili ng sa wakas may nasisilayan na siyang liwanag sa dulo ng eskinitang tinatahak niya.
Huminga ito ng malalim ng makatapak na ito sa liwanag. Agad siyang napatingin sa kaliwa ng marinig niya ang ilang boses ng mga bata.
“Ate Ghana pwede pong pakiulit?” ani ng isang batang lalake nangangayayat na sa kakulangan sa susutansya. Masaya itong nakatingin sa dalaga.
“Oo nga po ate parang ang hirap naman pong mag-add ng mga numero,” ika naman ng isang batang babae habang kumakamot sa kanyang buhok.
“Normal lang iyan sa una, pero kalauna’y madadalian na lamang kayo,” pagpapaliwanag ng dalaga na may hawak na lumang maliit na blackboard. Nakadamit ito ng simpleng kamisita at mahabang palda na pinamigay ng amo niya sa pinagbabantayang ukay-ukayan. Sa harap niya ay may mahigit kumulang na benteng mga batang Tondo.
Hindi na nag-atubili si Ken at kinunan ito ng litrato. Isang itong perfect na larawan na aminado siyang magbibigay sa kanya ng karangalan sa patimpalak. Bukod sa magandang mensahe ng litrato, may kakaiba sa mga mata ng dalaga, napakalalim nito na tila ba ay may tinatagong sikreto.
“Alis na muna ako mga bata. Ayokong malate sa trabaho baka magalit nanaman iyong amo ko.” Nagpaalam ang misteryosong dalaga sa mga bata at nagsimula ng maglakad.
“Paumanhin po ngunit sinasarahan niyo po ang daanan,” sambit ng dalaga gamit ang maamo nitong ngiti ng tumapat na ito sa kinatatayuan ni Ken. Hindi na nakapagsalita ang binata at pumagilid na lamang ito. Hindi siya makapaniwalang tapos na ang kanyang problema, ngunit imbis na magalak ay naguguluhan siya. Kakaiba ang aura ng babaeng nakita niya at gusto niya itong makilala. Susundan sana niya ito ng may humawak sa laylayan ng damit niya.
“Kuya totoong camera po ba iyan?” inosenteng tanong ng batang babae kanina habang nakatingin sa hawak niyang camera.
“Oo. Bakit ngayon ka lang ba nakakita?” malambot na saad ng binata.
“May camera po ang selpon ng mama ko pero hindi pa po ako nakakakita ng ganyan kalaki at kagandang camera katulad ng sa inyo,” masayang sagot ng bata.
“Dali ngumiti ka at kukunan kita ng litrato.” Masayang utos ni Ken sa bata na agad naman nitong sinunod. He grab the opportunity na makikilala ang babae kanina sa pamamagitan ng pagtatanong sa bata.
“So tell me, sino ba iyong babae kanina?” tanong nito.
“Ah si ate Ghana po!” ngiting-ngiti ang bata. Like I heard earlier, ang pangalan niya ay Ghana.
“Alam mo ba ang full name niya?” tanong nito. Umiling-iling naman ang bata.
“Ikaw po ano po ba pangalan niyo,” balik tanong ng bata na sinagot naman ni Ken.
“Ikaw ay? What’s your name?” ani ng binata.
“Ako po si Ella. Nakatira kami doon,” sabay turo sa bandang kana. “Nagpapasalamat kami kay ate Ghana kasi kahit hindi kami nakakapasok sa paaralan, tinuturuan niya kami araw-araw.” Magsasalita pa sana ang bata ng may aleng tumatawag sa kanya. “Alis na po ako. Tinatawag na po ako ng nanay ko,” patakbong umalis si Ella.
Dumaan ang mga araw at naging busy si Ken dahil sa contest at hindi na siya nakabalik sa Tondo. Nanalo ang larawang kuha niya at sunod sunod ang mga interview sa kanya. Ang pamagat ng larawan ay ‘The Other Face of Tondo’. Hindi lamang ito isang magulo at mahirap na lugar, ito rin ay lugar ng pag-asa at pangarap. May mga mabubuting tao dito na gumagawa ng magagandang bagay upang bigyang pakpak ang mga pangarap ng mga batang di makapag-aral. Naging sikat ang kanyang litrato sa mga social media platforms. Umani ito ng libo-libong likes at share sa f*******:. Madaming humanga sa pagkawanggawa ni Ghana.
Hanggang isang araw may kumontak kay Ken, na nagnanais ipakilala sa mundo ang babae sa litrato. Mula ito sa kinauukulan ng Manila Times.
“Good day Mr. Ken San Jose! The Manila Times Company along with Manila Fashion Brand request the featured lady on your photo to meet us in the main building before the written date below to talk about the contract in modeling industry.” Ganito ang laman ng e-mail message na nareceive niya. Nakaidicate sa baba ang date. Hindi siya makapaniwala sa napakalaking offer ng Manila Times para sa dalaga.
Dali-dali siyang tumungo sa Tondo upang ipagbigay alam nito ang offer sa babae. Kahit papano naman ay maibalik niya ang favor na natamasa niya sa pamamagitan ng kanyang litrato. Isa pa, gustong-gusto na rin niya itong makilala ng personal.