1

1398 Words
"Papa, hindi kaya masyado na kayong matanda na para magpakasal pa ulit at sa isang dalaga pa na halos kasing-edad ko na," malumanay na wika ni Cherry, ang bunsong anak ni Don Ferdio at ang naiwan na lang na anak sa mansiyon ng matandang bilyonaryo. Sinulyapan niya ako ng pairap bago sumubo ng pagkain. "Cherry, si Madrid ay mabuting babae. Kung ang ikinakatakot mo ay kung lolokohin niya ako ay wag kang mag-alala. I know a decent woman when I see one." Pinisil ng don ang kamay ko at nginitian ako. Gumanti rin ako ng ngiti sa kaniya at mahinhing hiniwa ang asparagus sa plato. Kagabi lang kami dumating ng don sa mansion nito sa Capiz para sa nalalapit na pagpapakasal namin pero mukhang may malaking balakid na na nakaabang sa amin. "Uuwi na si kuya sa susunod na linggo at alam kong hinding-hindi niya magugustuhan kung malalaman niya na mag-aasawa ka lang ulit. Pa, you're too old for Madrid. Mauunahan mo pa ngang mag-asawa si kuya!" "Mabuti ngang umuwi na iyang kuya mo at nang kompleto tayo sa kasal ko. I also need to talk to your brother about his girlfriend before I marry Madrid." Matalim na tiningnan uli ako ni Cherry bago ito tumayo. "I swear, lalayas ako sa bahay na ito kapag pinakasalan mo pa rin ang babaeng iyan!" Namumula ang mga matang nagmartsa ito palabas ng dining area. Nagbuntunghininga ako at pinunasan ang bibig saka tumayo pero pinigilan ako ni Ferd. "Sandali, kakausapin ko lang siya, Ferd. Alam kong maiintindihan niya ako, tayo, kapag ipinaliwanag ko sa kaniya." "Wag na, Madrid. Kilala ko ang anak ko na iyon. Ako na ang kakausap sa kaniya. Sit down." Ngunit nagpumilit ako. "Kakausapin ko siya. Sandali lang ako." Sinundan ko si Cherry na naabutan ko sa pinto ng silid nito. "Cherry, may problema ka ba sa akin?" agad na wika ko rito nang tumingin siya sa gawi ko. "Of course! I have all the right to have a problem with you! You are going to marry my father and you will be my stepmom! How absurd it is! Kasing-edad ko lang ang tatawagin ko na mama?" Lumapit ako rito at hinawakan ang balikat nito. "Wala akong nakikitang mali dito, Cherry. Our age gap with Ferdio is just a number. Ang importante ay mahal ko ang ama mo. I will sign a pre-nuptial agreement if that's what will make your mind peaceful. Hindi ko habol ang kayamanan ninyo." Inirapan ako nito bago nakataas ang kilay na tinitigan ako. " Hindi ako bobo para hindi ka mabasa, Madrid. I know women like you. Pumirma ka man o hindi, hinding-hindi pa rin ako papayag sa magiging kasal." Pumasok ito sa silid at isinarado ng malakas ang pinto sa harap ko. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik kay Ferdio. Pagkatapos ng hapunan ay nagkulong ako sa kwarto. Magkahiwalay kami ng silid ni Ferdio ayon na rin dito dahil konserbatibo daw ang nayon nila. Naupo ako sa harap ng salamin at tinitigan ang magandang mukha na taglay ko. Ilang taon na rin magmula ng baguhin ng mga brilyante ang buhay ko. Agad akong sumailalim sa maraming operasyon na nagbunga ng magustuhan ako ni Ferdio. Makinis, maputi, at napakaganda ko na ngayon. Napakalayo sa pangit at pilay na Madrid noon. Ang pangalan ko na lang ang natitira sa pagkatao ko noon. "Sabi ko naman sa iyo, inay. Gaganda ako at ngayon ay yayaman na rin," bulong ko habang pinapasadahan ng moisturizer ang buong mukha. Nahiga ako sa malambot na kama at tuluyan nang nakatulog dahil na rin sa pagod. Nagising ako sa mga kalabog ng pinto kasabay ang pwersahang pagbukas nito. Pumasok ang isang lalaking estranghero at mahigpit na hinawakan ako sa braso at patulak na itinayo. Gulung-gulo na hindi ko na nasuot ang roba kaya ngayon ay halos hubad na ako sa kaniyang harapan mula sa manipis na suot ko na nightie. Naglakbay ang mga mata ng guwapong lalake sa kahubdan ko at nginisihan ako. "Tama nga ang nalaman ko na isang batambatang babae na hangad ang pera namin ang gustong pakasalan ng ama ko." Bumaba ang hawak nito sa palapulsuhan ko at kinaladkad ako patungo sa pinto at isinalya dito. "I will never let you ruin my family, woman." Nilunok ko ang kaba at tinitigan ang lalake. Mestiso ito, ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi, at kamukhang-kamukha ni Don Ferdio noong kabataan nito. Tama, hindi ako magkakamali. Heto na nga ang panganay na anak ng don na si Rafael Hernandez. Nagbabaga ang mata nito habang nakatingin sa akin at hindi maitatangging ang poot na nagmumula rito. "Ano ba ang sinasabi mo? At sino ka ba?" pagmaang-maangan ko. Nalipat ang kamay nito sa leeg ko. "Sino ako? Ako lang naman ang anak ng matandang huhuthutan mo ng pera! Magkano ba ang kailangan mo para iwanan si papa? Limang milyon? Sampu?" Nilabanan ko ang kaniyang titig. "Hindi pera ang kailangan ko. Mahal ko si Ferdio." "Mahal?!" angil nito. "Ang isang katulad mo na babae na bata ay hindi magmamahal ng isang matandang malapit ng humiga sa hukay. Pera lang ang kailangan mo kaya ibibigay ko iyon sa iyo kapalit ng pag-alis mo." Naubo na ako sa papahigpit na pagsakal niya sa akin at medyo naluluha na rin ako kaya hindi ko na magawang magsalita. "Rafael! Bitawan mo ngayon din si Madrid!" Dumagundong sa buong palapag ang tinig ni Don Ferdio. Nakangising unti-unti akong pinakawalan nito. "There goes your knight in shining armor, whore." Napaupo ako sa sahig habang habol ang hininga na nakatingin kay Rafael na matalim pa rin ang tingin sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Rafael?! Nasa pamamahay kita at magiging ina mo na ang sinaktan mo! Leticia! Si Madrid! Dalian mo!" Agad na kumuha ng kumot ang nurse maid na si Leticia at ibinalot sa akin. May nagdala naman ng tubig na ipinainom sa akin. "Hindi ako papayag, papa. Hindi ko hahayaan na lapastanganin mo ang alaala ng mama. Ano ba ang pumasok sa isip mo at ang aasawahin mo ay kasing-edad na ni Cherry? Mas matanda pa nga ako diyan. Hindi ka man lang ba nahihiya?" "Wala akong dapat na ikahiya. Ikaw ang dapat na mahiya. Sumugod ka rito ng walang paalam at sinaktan mo si Madrid. Iyan ba ang nakuha mo sa pagsama-sama mo sa iyong nobya?" "Walang kinalaman dito si Beatrice, papa. Last week pa sana ako uuwi pero nag-iiyak na si Cherry dahil sa kabaliwan mo sa babaeng iyan. Bigyan mo naman kami ng kahihiyan, papa. Please." Ngunit mas matigas ang don. "Buo na ang desisyon ko, Rafael. Kailangan ko si Madrid para makabuo pa ako ng isa pang anak. Kung tinanggap mo lang sana ang pamamahala ng kompanya e 'di sana ay nagpapahinga na ako." Tinulungan akong tumayo ni Leticia. Nagtatalo pa rin ang mag-ama tungkol sa pagpapakasal namin ni Ferdio. "Isa pa iyang nobya mo. Kung hindi ka lang sana niya ipinaikot sa palad niya ay hindi mo gugustuhing pumunta sa Amerika." Naging guarded ang mukha ni Rafael. "Wag niyong idamay si Beatrice dito papa. Sariling desisyon ko ang maglagi sa US." "At sariling desisyon ko naman ang magpakasal uli. Hindi niyo ako sinangguni nang iwan niyo ako rito kaya wala rin kayong karapatang pigilan ako sa nais ko. Tapos na ang pag-uusap na ito, hijo. Wala ka nang magagawa sa desisyon ko." Lumapit sa akin ang don at inakbayan ako. Natatakot naman na sumiksik ako rito nang mahuli ko ang mga mata ni Rafael na buong muhi na nakatitig sa akin. "Wala ka man lang bang pagpapahalaga sa mga anak mo?" ang nasasaktang pahabol nito. "I know you don't really like me as your son but please think of Cherry. She'll be the most affected here. Alam mo namang mahal na mahal niya ang mama." Nag-aalalang tiningnan ko si Ferdio na naging malambot ang mukha. "Sige. Hindi ko papakasalan si Madrid sa isang kondisyon! Hihiwalayan mo rin ngayon din ang nobya mong wala ng ginawa kundi magdulot ng gulo sa iyo. Pumili ka Rafael." Namewang ito at nagbuntunghiningang tumingala sa chandelier na nasa hallway. "Alam mong hindi ko kayang gawin iyan, papa. Mahal na mahal ko si Beatrice." "Then we'll have nothing to talk about. Tuloy ang kasal namin ni Madrid." Inakay na ako pabalik ni Ferdio sa silid. Hindi ko naman maiwasang lingunin si Rafael na ang talim pa rin ng tingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD