K30 - Matapat na Asawa HINDI lang dibdib ang mabigat kay Cain nang umalis siya sa hotel, pati na mga paa niya, pero kailangan niyang magtrabaho, at the same time, give his wife some space. There's still tonight anyway. Babalik siya sa hotel. Malalaki ang kanyang hakbang nang siya ay makalabas ng elevator pero narinig niya ang ama niya na tumatawa kaya napatingin siya. Kung babae lang siya, baka umismid na siya nang magkatitigan sila, pero mas pinili niyang ibaling ang paningin sa iba at duniretso sa opisina. He doesn't like his father's presence here but this is Leonardo's company. "Ay nabuhay na si Sir," ani Jane sa kanya. "Bakit? Kailan ba ako namatay?" Bwisit na tanong niya rito kaya naitago nito ang mga labi. "Absent po kayo kanina kasi," napatungo na sagot nito. "Absent lang, p