K31 - Ang Bata ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cain matapos na makipag-usap kay Sanchez. Parang kabado ang P.I niya sa pagsasalita. Malalaman na raw nito kung sino ang bata na lumason sa ina niya. Baka raw ilang oras na lang dahil hinahanap na ang logbook. Ipakikita raw nito ang litrato ng logbook kapag nakuha na ang lahat ng impormasyon na ipinahahanap niya. He can hardly wait. Gusto na niyang malaman para malapatan ng nararapat na parusa ang batang iyon. Sa ngayon, palagay niya ay mag-edad na iyon dahil matagal ng panahon. Pwede na iyong ipakulong at papagbayarin. That way, malalaman na rin niya kung sino ang nag-utos doon na gawin iyon. Mabibigyan na niya ng hustisya ang Mama niya sa oras na umamin ang bata. Sa tagal ng panahon. Malaki ang tiwala ni Cain kay Sanch