Chapter 4

1912 Words
"LEILA, heto na ang sahod mo. Umuwi ka na at baka maabutan ka ng dilim sa daan.” Sabay abot ni Ate Lydia ng dalawang libong piso na agad kong isinilid saking bulsa.     "Salamat po. Mauna na ho ako." Tumango ito at pumasok na sa luob ng kusina. Papalabas na ko ng ayain nila Gina na sumama sa bahay nila Anton dahil nga birthday nito ngayon. Tutal daw ay sahod naman kaya mas magandang i-celebrate ang birthday ng may inuman. Tumangi ako dahil baka hindi ako payagan ni Tatay. Pero dahil mapilit sila, nagsinungaling na lang ako na birthday ng classmate ko at inaaya ako sa handaan nila. Nagtext naman si Nanay at pumayag sila kaya sumama na rin ako.     Habang naglalakad papunta sa paradahan ng tricycle ay hindi ko maiwasang lumingon. Hindi ko maintindihan pero para kasing kanina pa may tumitingin sakin pero sa tuwing tinitignan ko ang paligid ay wala naman.     Weird?     Humagalpak kami ng tawa sa kwento ni Samuel. Walo kaming lahat, limang babae at tatlong lalaki. Iba pa ang bisita ni Anton.      "Grabe ‘pre! Lumabas sa ilong ung kanin! Di ko nga ma-imagine eh!" Sabay halakhak. Nawala ang tawa ko ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone.     Francis: Nasan ka?     Nakasimangot kong nilagay sa bulsa ang cellphone ko ng mabasa ang text niya. Ang kapal ng mukha?! Pagkatapos niya kong di pansinin bigla na lang magtetext. Ano ka! Manigas ka diyan!     Nagulat ako ng akbayan ako ni Samuel.    "Ba't nakasimangot ang muse natin?" Sabay tawa nito. Nakakabiruan ko si Samuel kaya sanay na ko sa kanya. Lalong nalukot ang mukha ko dahil sa braso niya.     "Ang bigat puta!" Tinggal ko iyon at sinuntok siya sa braso. Humalakhak lang si Samuel sa ginawa ko.     Nakarating kami sa bahay nila Anton. Sa labas palang maririnig mo na ang ingay na galing sa videoke nila.      "Lord.. Patawa-- o! andyan na pala ang birthday boy!" Sinalubong kami ng lalaking kasingtangkad lang din ni Anton at may tattoo sa kanang braso. Napatingin ito sa amin at napatigil sa gawi ko sabay ngiti. Asiwa din akong ngumiti.     "Uy! May bisita ka pala insan! Pakilala mo ko!" Nagpunas pa ito ng palad bago kami hinarap.     "Mga katrabaho ko sila, si Samuel, Gina, Wendy, Diego, Claribel, Vina tsaka si Leila" isa isa itong nakipagkamay na akala mo ay kumakandidato. Huli ako nitong kinamayan at napangiwi ako ng kindatan niya ‘ko. Mabilis kong kinuha ang aking kamay at dumikit kay Vina.     "Gago! ‘wag mo pagtripan bisita ko!" Tinapik nito sa braso ang pinsan at iginaya kami papasok sa loob ng bahay.     Panay ang kwentuhan nila sa lamesa habang nagiinuman at nagkakantahan. Ako? Busy ako sa kakakain ng palabok na gawa ng nanay ni Anton.     "Pag panay ang dalaw ay nayayamot! Wag mong suyuin ay nagdadabog!"      Umirap ako ng wala sa oras dahil sa kanta ni Samuel.     "Samuel! Puta ka! Kung may pinagdadaanan ka! Pagusapan niyo ni Gina yan!" Hiyaw ko sa kanya. Kaya nagsitawanan ang lahat maging si Samuel ay napahinto saglit pero kumantang muli. Napailing na lang ako at nilantakan ang palabok.   "Shot ka muna kaya, ikaw lang di umiinom. Minsan lang naman ‘to, ‘tsaka andito naman kami." ani ni Claribel sa tabi ko.     "Sige na nga, pero wag mo punuin. Akina yang chaser at ako naman ang tatagay," sabi ko kaya natatawang inabot sakin ni Claribel ang shot glass at mabilis kong nilagok iyon.   Napangiwi ako sa paiit at sa mainit na likidong dumaloy sa lalamunan ko.     "Shit ka! Parang nahati ata lalamunan ko ‘dun ah! Mainit sa tiyan," sabi ko sa kanya at mabilis na kumuha ng mani para mawala ang pait.     "Kelan ka pa natutong maginom?"    Napalingon ako sa nagsalita kaya laking gulat ko ng makitang si Francis iyon!    "Uh-- B-bakit--"    "Uy! Andito na rin sa wakas ang pogi kong tropa! Pinsan! inimbitahan ko siya ha? Si Francis Torillo kaibigan ko," ani ng pinsan ni Anton. Iminuwestra nito si Francis samin na walang ibang ginawa kundi tumitig sakin ng nakatiim ang bagang.     "Ayos lang ‘yon, sige maki-jamming ka muna samin. Mga katrabaho ko ‘tong mga ‘to." ani ni Anton sa lalaking nakatitig parin sakin. Ramdam nila na may iba samin pero ‘di na lang sila nagtanong dahil alam nilang bad mood ang lalaki.   "Huwag niyo siyang painumin." sabi nito kay Claribel. Sunod-sunod na tango lang ang ginawa nito at lumipat pa ng upuan para makaupo sa tabi ko ang binata.     Hindi ako makapagsalita.     Hindi ko alam na magkikita kami dito.. at lalong hindi ako handang makita siya ng ganito kalapit sa’kin! Tapos kinakausap pa ko!    I remained silent.   Para ‘kong tanga na tuwid na tuwid umupo at takot magkamali. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung kukuha ba ‘ko ng pagkain? Kung kakanta na lang din ba ‘ko o lalayo ng upuan dahil ramdam ko ang panaka-naka nitong tingin sakin.     "Kinakabahan ka."      Hindi iyon tanong. Base sa binitiwan nitong salita ay parang kilalang kilala na ‘ko nito kung makahusga.     "H-hindi ‘no! Bakit naman ako kakabahan?! Assuming!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses para ipakita na confident at di kinakabahan akong sumagot sa kanya.   He just shrugged at naki-join na rin sa inuman nila Anton at mga katrabaho niya. Dalawang oras na ang lumipas at wala paring tigil sa pag inom ang mga kasama niya. Palihim niyang sinusulyapan ang katabi. Namangha ako dahil parang wala lang para rito ang paginom. Samantalang ang mga kasama nila ay nahihilo na pero si Francis ay hindi pa.   Malakas ata ang tolerance nito sa alak? Pero kasing edad lang naman sila.. ibig sabihin ba ‘non ay bata palang ito ay nagiinom na? Ang mga katrabaho niya ay nasa edad disi otso pataas na pero mukhang hindi nila ito kayang sabayan sa inuman.     "Quit staring.." anas niya. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko.. dahilan para magsitayuan ang aking mga balahibo. Ayan na naman ito sa pagsasalita ng ingles!     Umiwas ako ng tingin at walang pasabing nilagok ang baso na may lamang alak!     "What the fuck Leila?!" asik niya pero di ko siya pinakinggan.     "Iinom ako okay! Bored na ‘ko, ikaw enjoy na enjoy ‘dyan. Kung malalasing ako marami kaming babae dito.. ‘di nila ko pababayaan." Ingunuso ko sila Vina na nagkakantahan parin.     "Tss.Whatever. Tigas ng ulo."    Hinayaan niya ako sa gusto ko. Pero ang nagyari kaming dalawa na lang ni Francis ang naginuman dahil tumba na ang mga kasama namin. Isa pa gusto ng lalaki na walang ibang gagamit ng basong iniinuman ko. Napairap na lang ako sa kawalan dahil wala rin akong magawa.     Nagiinit na ang magkabilang pisngi ko at ramdam narin ang kaunting tama saking sistema.     "Tama na.. lasing ka na..” aniya at pilit na inilalayo sakin ang baso na may alak.     "H-hindi ako lasing!" asik ko sabay sinok. Tumingin ako sa kanya na nanlilisik ang mata.     "Ibigay mo nga shak-aken yan! Taposh! Tigilan mo ko at pumunta ka sha Mira mo!" Hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ang baso. Ininom ko lahat ng iyon at napangiwi ako sa paiit. Kahit nakailang shot na ko ay ganon pa din. Mapait!   Napatingin ako sa kanya. Namumula din ang pisngi nito pati na ang mata pero mukha parin namang kaya nito ang sarili.     "B-bakit ba ‘di ka paren las-sheng?! Ha! Grabe ka naman! Mala-shing ka naman hoy!" Sabay sapak ko sa braso niya. Nakatingin lang ito sakin at panay parin ang inuman namin.     "Tama na," aniya.     "Ayaw ko!" Kinuha ko ang baso at nilagok ang laman niyon. Pero ng hindi makuntento ay mismong yung laman na ng bote ang ininom ko!     "Leila!? Ano ba! Ba't ba nagpapakalasing ka?!" asik nito at hinagis ang bote. Nagulat ako ng mabasag iyon, mabuti na lang ay sa labas nito iyon binato. Napatingin sa gawi namin sila Vina pero tinuloy parin ang kantahan at piniling ‘di kami pansinin.   "Talagang tinanong mo pa sha-aken yan?!” Napasinok ako at tumingin sa kanya. Naalala ko na naman ang ginawa nito at pagsama nito kay Mira.     "Bwisit ka! Sabi mo gusto mo ko?! Bak-khet ka-shama mo yung babaeng higad na yun! Bakit?!” Panay ang sinok ko sa bawat binitiwang salita. Pinagsasapak ko ito sa braso pero nakatingin lang ang siya sakin at walang ginagawa.     Tutal nakikinig lang naman ito sakin. Susulitin ko na!     "Bwi-shit ka kahit kelan! Akala ko kaya ko! Akala ko di kh-ita gushto! Nakakainis! Bakit mahirap maging mahirap!" sunod sunod ang paglandas ng luha sa mga mata ko.     Selos na selos ako.      Dahil sa tama ng alak lumabas lahat ng saloobin ko sa lalaking ito!     "Go ahead..” aniya at niyakap ako ng mahigpit. Panay ang atungl ko at pilit kumakawala sa bisig niya pero dahil sa kulang sa lakas at pagod ay di ko naman magawa!     "Punyeta! Ayan ka na naman sha-inglesh mo eh! Pu--" napapikit ako ng maramdaman ang mainit nitong labi.. Lasang lasa ko ang alak sa bibig nito. May paghahamon ang bawat halik nito sakin pero imbes na lumayo ay ginantihan ko rin iyon ng agresibong halik!   "Hmmm.." I moaned and pulled his neck to deepen the kiss. Pero agad na nalukot ang mukha ko ng lumayo siya sakin.     "Let's go..” bulong niya sa tainga ko at pagkatapos niyon ay dinampian niya ako ng halik sa labi.     Humalukipkip ako at humilig sa upuan.    "Ayoko nga, hindi ako kaladkarin ano!" sabi ko habang nakapikit. Ramdam ko ang init ng katawan niya sakin. Ang mga braso nitong pinulupot na sa bewang ko! Lalo lang akong nagiinit!     "Okay, iiwan kita dito,” sabi nito kaya nataranta ako ng biglang nawala ang braso niyang nakapulupot sakin!     "Ano ka ba! Noon ‘yon! Kaladkarin na ngayon! Pero kashi-- pagkatapos mo kong lokohin! Magpapakita ka pa sha-ken! I hate you Franicis! Ang shama shama mo! Di mo alam na mish na miss na kitah! Pero dun ka parin sa Mira na yun! ‘dun ka nga! Ay hindi! Shakin ka!" nahihilo kong sabi sa kanya at hinila ang braso niya palapit sakin.   "This girl is incredible!" rinig kong sabi nito habang natatawa na.     "Sakin ka lang dapat ganyan, understood? Sakin lang..” he paused “And I want to clarify something. Ginawa ko lang lahat ng ‘yon para mapaamin kita. Ang tigas mo kasi eh’. Ayan, umabot pa tayo sa ganito. I don’t have any feelings for that girl. I only have my eyes on you. From the very beginning, maniwala ka man sa hindi ikaw talaga ang gusto ko..” Bulong niya. Dahil wala ko sa huwisyo ay tumango ako at nagpapabuhat pa sa kanya. Gusto ko talaga yung pakiramdam na nasa bisig niya.   “Pero di ko akalain na mapagseselos kita, ang sarap pala..” dugtong ni Francis. Walang lakas akong umungol sa kanya bilang protesta.     “Oy, Francis! Lasing na yang si Leila oh! Nalugmok na sayo,” rinig kong sabi ni Claribel sabay nagtawanan sila. Habang si Vina ay nadidinig kong nagbitaw ng malulutong na mura dahil pinipilit nitong gisingin si Samuel na ngayo’y nakabulagta na dahil na rin nga sa sobrang kalasingan.     “Hayup ka talaga Samuel! Pano mo ko mahahatid samin kung lasing na lasing ka diyan?! Nakakagigil ka! Gumising ka hoy! Maabutan ako ng umaga nito sa kalsada!” Niyugyog na nito ang lalaki. Dumilat lang at tinitigan siya pero pagkuwa’y pumikit ulit.     “Hayaan mo na yan Vina, sabay sabay na lang tayo mag tricyle. Pahatid tayo kay Anton, mukhang dito na yan sa bahay nila si Samuel matutulog.” Naiiling na sabi ni Gina. Nangako kasi si Samuel kay Vina na ihahatid niya ito paguwi kung sasasama siya ngayon. Pero mukha na ngang malabong mangyari pa iyon.   “Huy, uwi na k-kashi tayo.. g-ghusto ko ng ma-ttulog..” Nahihilo kong tapik kay Francis. Tumango lang ito at tinignan ang mga kasama namin. Hindi na ito nagsalita at nagsi tanguan na lang sila Claribel.     “O, aalis na kayo? Sige, sige ingat kayo sa paguwi. Salamat pala sa pagpunta ha. Ikaw na bahala kay Leila,” ani ni Anton na kagagaling lang mula sa kusina.   “Yeah, We’ll go ahead. Thanks for inviting.” Sinimulan naman akong akayin patayo ni Francis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD