Chapter 3

2227 Words
CHAPTER 3:   DALAWANG buwan ang matuling lumipas ng nagtapat siya sa `kin. Hindi ako nakasagot sa lahat ng sinabi niya. Kahit na panay pa rin ang kulit nito ay palagi ko paring hindi pinapansin. Malakas ang self-control ko kaya ko nagagawa ito. Kahit may kaunting tukso na akong nararamdaman ay pinipigilan ko parin.     "Bakit ba gabi ka na kung umuwi? Baka naman iba na yang ginagawa mo ha Leila?" ani ni Tatay ng kumakain kami ng hapunan. Kagagaling ko lang sa trabaho at nagutom ako dahil sa pagod sa paglalakad. Ni hindi na ko kumain sa karinderya kahit niyaya ako ni Ate Lydia. Sa takot ko na gabihin lalo sa daan ay nagmadali na akong umuwi.     "Nasa library Tay, pagtapos ko sa klase nagbabasa ako ng libro dun at gumagawa ng assignments, kailangan kong mag aral pa para maging valedictorian at makakuha ng libreng scholarship sa college." Kung hindi ako makakaipon ng malaki, isa pang option ay ang maging valedictorian dahil may full scholarship iyon sa magandang eskwelahan sa Maynila. Pangarap kong makapag aral sa Lopez Univesity of The Philippines. Sikat iyong unibersidad para sa mga mayayaman at magagaling ang nagaaral duon kaya target kong makapasok sa nasabing paaralan.     "Kuh! Ikaw na bata ka! Huwag masyadong magpakapagod sa pagaaral, baka naman magkaron ka nga ng medalya, magkasakit ka naman. Edi mas mahirap iyon. Balak din pala ng pinsan mo na pumunta ng Maynila eh! Dapat sabay na kayong dalawa para may magbantay sayo." lintaya ni Nanay. Napahinto ako sa pagsubo ng maalat na itlog dahil sa sinabi niya.     "Si Miguel Nay?" aniya.      "Oo, sinabi sakin ng Tiya mo. Sabi ko kapag matuloy siya ay sasama ka. Kung may pera lang sana ay lilipat tayo dun para di ka magiisa," sabi niya sakin.     "Nay, makakalipat po tayo basta pagsisikapan ko po. Bahala na si Lord kung anong plano niya sakin." Huminga ako ng malalim bago muling kumain.     "Basta magaral ka ng mabuti at umiwas sa lalaki! Iwas tukso. Kilala mo ko Leila," may halong pagbabanta ang bilin ni Tatay. Ni hindi ko tuloy magawang lunukin ang kinakain ko ng sabihin niya iyon at unang pumasok sa isip ko ay si Francis!       "Pao! Mauna ka na sa school may dadaanan pa ko," sabi ko sa kapatid ng mamataan si Francis na nagaantay sa tapat ng tindahan, ilang bloke malapit samin. Ano na naman ang ginagawa nito dito? Nakakainis talaga!     "Huh? Eh sabi ni Tatay diba sabay tayo? Sasamahan kita ate, san ka ba pupunta?" tanong niya sakin. First year high school na ito at pareho kami ng paaralan na pinapasukan. Simula ng usapan namin ni Tatay kagabi ay pinasabay na ko dito sa kapatid ko. Hindi ko alam kung may alam ba si Tatay na may nanliligaw sakin? O talagang instincts na nila yun?     "Eh, nagtext si Shaina. Dadaan ako sa kanila. Nakalimutan ko magsa-submit kami ng project nasa kanya yung akin kasi pinaiwan ko kahapon," aniya habang sumusulyap sa pwesto ni Francis na nagsisimula ng maglakad palapit samin.     "Dali na Paulo! Nagmamadali ako. Dun ka dumaan ha!" sabay turo sa iskinita na taliwas sa direksyon ni Francis. May bahid man ng pagtataka ang mukha nito ay wala na ring nagawa ng ipagtabuyan ko.      "Huh? Uh, o sige." tumalikod na siya sakin at tumakbo papunta sa iskinita kaya nakahinga ako ng maluwag ng malapitan ako ni Francis. Hindi ko siya pinansin at nagmamadali akong naglakad palayo sa bahay sa takot na makita kami ni Tatay.     Nasa likod ko lang siya at sinusundan ako. Hindi ito nagsasalita at hindi rin nangungulit, siguro ay dahil alam nitong naiinis ako. Nang makarating kami sa kaliwang kanto ay hinarap ko siya. Nakapamulsa lang ito at nakatingin din sakin.     "Ano bang problema mo?! Nakakainis ka na!" hindi ko maitago ang labis na inis sa kanya. Paano na lang kung makita siya ng kapatid ko?! Paano kung nakita siya ni Tatay?! Kagagalitan ako non! At baka lalo lang humigpit sila sa pagbabantay sakin.     "Sinusundo lang naman kita," sabi niya gamit ang maamong mga mata. Sa tuwing ginagawa niya ito ay nakokonsensya ako.     "Paano mo naman nalaman `yong bahay namin?"     "Sa mga classmate natin, nagtanong ako. Tinuro nila sakin, tsaka ilang beses ko ng pinupuntahan yung bahay niyo kaso kanina lang ako  nagpakita sayo." Huminga ito ng malalim at pumikit.     "Wag ka ng pumunta samin. Huwag mo kong sunduin kasi pagagalitan ako okay? Makita ka ni Tatay pagagalitan ka rin non." Iritado kong sabi sa kanya.     "Gusto ko lang sabay tayong pumasok. `Wag ka ng magalit. Hindi na kita susunduin sa inyo."   Lumapit siya sa `kin kaya napatingala ako sa tangkad niya. Niyakap niya ko at halos manigas ako sa ginawa niyang iyon. Ang malapad niyang dibdib. Ang init ng katawan niya ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sakin. Parang gusto ko ng bumigay at manatili na lang na yakap-yakap niya. Ang kaso sa tuwing gugustuhin ko iyon ay napipigil ko parin dahil sa magulang ko at sa prinsipyo ko sa buhay.     "G-gusto mo talaga? H-hindi na kita guguluhin, kukulitin. Lalayo na ako." Malungkot ang boses niya at ramdam ko ang panginginig niyon. Sa ilang buwan nitong panunuyo sakin ay naging malapit na ito sa akin. Nasanay na ko na palagi siyang andiyan. Pero hindi ko susuwayin kung ano ang pinapaniwalaan ko at para ito sa kinabukasan ko. Kahit labag man sa luob ay marahan akong tumango.      Naramdaman ko ang panginginig nito ng katawan. Humigpit ang yakap nito sakin. Bakit ganon? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mabilis ang pagkakahulog ng lalaking ito sakin? Na akala mo matagal niya na kong kilala.. matagal niya na kong gusto? Masyado akong nabibilisan sa pangyayari...     "Francis..."      "Last na to. Hayaan mo na lang akong yakapin ka… Last na p-promise."      Tumahimik ako saglit at hinayaan ko siya. Pagkatapos ng limang minuto ay kumalas siya sakin at tinitigan ako. Bakas sa mga mata nito ang pagluha dahil sa pamumula niyon.     "Galingan mo ha? Para kapag natupad mo yung pangarap mo ay pwede na ako." Pumikit ito at pilit na ngumiti.   Hindi ako umiyak, siguro ay dahil hindi ko siya talagang gustong gusto? O talagang matapang lang ako para labanan ang ganitong tukso? Aminado naman akong malungkot ako dahil didistantya na siya sakin. Mami-miss ko ang lalaking ito.. Pero hanggang dun na lang iyon. Hindi pwedeng lumala ang nararamdaman kong ito kaya kailangang pigilin at putulin na habang maaga pa!     "Ikaw din. Tara na, baka late na tayo," aniya at marahan itong tumango tsaka tahimik na sinabayan ako sa paglalakad.     Nang makarating kami sa may gate ng school ay nagsalita na ko.     "Una na ako kasi pupunta pa ko sa canteen... Uh, sige salamat!" hindi ko siya tinignan pa dahil baka magbago pa ang isip ko. Patakbo akong pumunta sa direksyon kung nasaan ang canteen.   Natapos ang klase na hindi kami nagpapansinan ni Francis. Ramdam iyon ng ilan naming classmate. Ang pagbabago sa ugali ng binata. Hindi na ito nangungulit at palagi na nitong kinakausap si Mira.   Halos mainis ako kapag naguusap sila pero kunwari paring dedma. Ginusto ko ´to kaya magdusa ako! Kaninang break time halos ngatngatin ako ng selos ng nakikita ko siyang kasabay si Mira. Binibilhan nito ng pagkain na parang kahapon lang ay sa kanya ito ginagawa ng binata.      "Huy! Ayos ka lang? Dapat kasi hindi mo binasted e, nagseselos ka tuloy." Sumulyap ito sa dalawa. Napangiwi at napairap saglit.     "Tumigil ka nga. Marinig ka nila isipin pang may gusto ako sa kanya," sabi ko.   Napangiwing muli si Shaina. Hindi kumbinsido.   Isa pa `to! Hindi man lang ako turuang mag move on! Teka, naging kami ba? Pero karapatan ko `yon kahit hindi naging kami kasi may nadevelop sakin. Kahit ako lang nakakaalam niyon. Hinding hindi iyon malalaman ng iba. Maliban nga lang sa bestfriend niya.     "Bahala ka nga!" sa inis nito ay hindi na ko pinansin.     Natapos ang isang linggo na hindi na kami nagpapansinan ni Francis. Palagi ko na silang nakikita ni Mira. Sabay pumasok at sabay kumain. Hindi ko naman nahuhuling nakatingin si Francis sakin kahit minsan ay katabi ang table namin habang kumakain. Napansin din ni Shaina ang pananamlay ko kaya palagi ako nitong sinisita.     Rinig na rinig ko ang pigil na hagikgik ni Mira na lalong nag pairita sakin!   For Pete's sake! Nagle-lesson pero nakukuha pa ng dalawa na maglandian?!   I raised my hand.   "Yes, Ms. Perez?" tanong ng guro sa `kin.     "Pwede po bang lumipat ng upuan sa harapan, kasi hindi ko ho maintindihan yung lesson dahil sa landian sa likod ko," sumbong ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit hindi sinusuway ng guro namin yung dalawa samantalang walang ginagawa ang mga ito kundi ang magharutan!   "Sumbungera! Palibhasa inggit!" pabulong ni Mira na may halong inis.     Tinignan ko siya pero hindi ko tinatapunan ng tingin ang katabi niya.     "Kung hindi lang sana na para kang kinikiliti diyan di naman ako lilipat. Hindi na nga kayo nakikinig, istorbo pa kayo saming nagaaral."     "You can seat here in front.. absent naman si Melody kaya dito ka muna."      Ayun lang `yon? Yun na yun?     Hindi niya ba pagagalitan yung dalawa?! E, di nga nakikinig `yon, a!      Napansin ko na hinahayan na si Francis sa mga ginagawa nito. Nagbingibingihan o nagbubulag bulagan sila sa ginagawa ng dalawa. Kaya nakakainis na!     "Shai, dun muna ko ha," sabi ko sa bestfriend ko at kinuha na ang bag. Tumango lang ito.   Nakita ko ang paghalukipkip ni Francis habang pinagmamasdan akong nagaayos ng gamit. Nangingnig tuloy ako habang pinagkukuha ang libro at notebook ko sa desk.    I'm tense! Shit!     Nagmamadali tuloy akong makaalis sa pwesto dahil alam ko na tinitignan nito ang bawat galaw ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makaupo na ko sa bagong pwesto.           - Malapit nang magpasko, ibig sabihin malapit na rin magbakasyon. At dahil malapit na ang bakasyon, ilang linggo kong di makikita si Francis. And so?! Bakit ko nga ba inaalala ang hudyo na yon?!      Samantalang ito. Ayun! Busy sa pakikipaglandian kay Mira! Ambilis magbago ng feelings! Tama lang sigurong hindi siya nagpadala dito dahil paniguradong magsasawa din ito at pagkatapos ay iiwan din. Ganyan naman ang mga lalaki eh!   Magandang nalaman niya agad na mababaw lang ang pagkagusto sa kanya ng binata kaya nagawa nitong tumingin sa iba kaagad. Mas dapat kong problemahin kung paano ako makakapagtrabaho sa bakasyon. Ano ang dapat kong idahilan kina Tatay para makapagtrabaho parin ako kahit walang pasok? Anong kasinungalingan na naman ang dapat kong buoin?     "Miss, dalawang bicol express tsaka limang kanin, tapos isang turon split. Isang water at isang coke," ani ng baritonong tinig.   Ipinilig ko ang ulo ko! Ano ba naman ito! Maging sa trabaho parang minumulto ako ng boses ni Francis! Bwisit ka talaga!     Walang gana kong tinipa sa screen ang order ng customer.   "Two fifty pesos po lahat sir." Nag angat ako ng tingin pagkatapos kong basahin kung magkano ang total sa screen.      "Ganyan ka ba magtrabaho? Wala kang gana?" Inaabot na nito ang limang daang piso.     Nagulat ako ng makita siya sa harap ko. Akala ko nagha–hallucinate lang ako pero siya pala talaga ang kausap ko. Napaayos ako ng tayo.     "Masama lang ang pakiramdam ko, paano may masamang hangin kasi akong nalanghap. Take out or dito kakain?"   Di ko mapigilan ang di ito tarayan. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang sakin habang inaabot ko na sa kanya ang sukli. Ngayon na lang niya ako ulit tinitigan. Sa ilang linggo naming di pagkibuan, ni ligaw tingin di nito nagawa. Ngayon parang halos kaininin na siya ng binata sa klase ng tingin nito sa kanya.   "Sir! Sabi ko kung take out ba o dine in?" Napakurap pa ito na tila natauhan. Tumango ito.     "Sa side na lang po, Sir. Gina!” tawag ko sa kusinera. “Dalawang bicol express at limang kanin. Isa ring turon split, coke at tsaka daw tubig."   Nagtaka pa ko kung bakit ang dami nitong inorder. Mukha namang walang kasama. Pero imbes na magtanong ay pinili kong manahimik at mag take ng order ng mga customer.      Ang karinderya ni Ate Lydia ay malaki at mas may usad kesa sa iba. Sagana rin sa parokyano. Pumatok kasi ang mga luto ng ginang kaya umasenso din ang mga gamit at naparenovate ang lugar. Marami silang nagtatrabaho dito pero siya lang ang nagiisang kahera dahil ang karamihan ay serbedora.   "Isang spaghetti tska coke, take out yun.." ani ng customer sa harap ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Francis na prenteng nakaupo habang kasama si Mira na mukhang kararating lang.   At talagang sa dinami-dami ng pwedeng pagdate-tan dito pa talaga sa pinagtatrabahuhan ko?! Anong gusto ng dalawang to? Ipamukha sakin na masaya sila at madali lang akong kalimutan at palitan? Ganon ba ´yon?      Inis akong nagtipa ng order at nagsukli. Kahit sabado ngayon at tanghalian na ay marami parin ang bumibili at kumakain sa karinderya. Lalong di ako makaconcentrate dahil sa tanawin na nakikita ko! Naiirita ako sa paglilingkis ni Mira sa braso ni Francis! At ang lalaki naman feel na feel?!   Pero ano naman kasi ang karapatan kong magselos. Diba ginusto ko to! Panindigan ko.   Pinilit ko na lang na magconcentrate sa trabaho. Ilang minuto lang naman ay uuwi na rin ang mga ito.   Tama nga ako, pagkatapos ng trenta minutos ay umalis na ang dalawa. Kaya nakahinga ako ng maluwag.     "Ate, okay ka lang? Mukha kang badtrip e." tanong ni Gina pagkatapos nitong maibigay ang inorder ng costumer.     "Oo, medyo nahilo lang ako kasi mainit," pagdadahilan ko sabay paypay sa sarili.     "Ha? E, `di naman mainit, mahangin nga e." Nagtataka nitong sambit.   "Basta! naiinitan ako. Sa sobrang init gusto kong makangudngod ng tao." sabi ko sa kanya pero hininaan ko na ang huling salita para hindi niya marinig. Naiiling na lang ito na bumalik sa pwesto dahil may customer na naman kami.   Tuwing weekends nakikita ko ang dalawa na magkasamang kumakain sa karinderya nila. Badtrip na nga siya pag napasok mas badtrip siya pagsumasapit ang sabado at linggo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD