Chapter 2

2621 Words
CHAPTER 2:     Mula nang palabasin kami sa classroom ng dahil kay Francis ay sinubukan kong umiwas na sa kanya. Ang kaso, kahit anong gawin ko ay nangungulit pa rin ito. Mahirap din kasi itong huwag pansinin lalo na't sa likod ko ito nakaupo. Kasabay pa niyon ay naging ka-group ko pa ito sa P.E. Hindi ako bulag para hindi malaman na may gusto siya sakin, kaso bakit ako? kumpara sa nag-gagandahang babae na umaaligid sa kanya ay walang wala ako sa kalingkingan nila. Isa pa ay balahura ako, para akong maton kung magsalita. Alam ko naman sa sarili ko na may paghanga ako sa kanya. Kaya lang, wala sa bokabularyo ko ang magkaron ng boyfriend. Kuntento na ko sa paghanga kahit na sinasarili ko lang dahil ayoko ng tinutukso ako ng iba.    "Sayang naman hindi tayo magkagroup, bakit kasi nauso ang counting-counting na yan, dapat pala hindi kita katabi para same tayo ng number."   Halos yumapos na si Mira sa katabi nito. Abala ako sa pagaayos ng gusot na Jogging pants ng marinig ko ang walang humpay na paglalandian nila sa likod ko.     "It's okay, we can be partner next time."   Napaismid ako sa sinabi niya. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at ipinusod ito.      "Lei, tara na! pinapalabas na tayo ni Sir.” aya sakin ni Shaina pagkatapos nitong maglagay ng pulbos at manalamin. Walang imik akong sumunod sa kanya at dumiretso kami sa gymnasium kung saan namin gagawin ang traditional dance. Every friday ay P.E namin, kada quarter ay iba-iba ang lesson namin dito. Natapos kami sa music last quarter kaya ngayon ay dancing naman.      "Okay, students! Magsasama na ang magka-kagroup! Faster! We still have 45 minutes to practice!" hiyaw ng guro naming bading habang pumapalakpak. Mabilis kaming kumilos at napairap ako ng tabihan na naman ako ni Francis!     "Why do you look so pissed when I'm around?"    Nagulat ako ng biglang harap at inilapit ang mukha niya sakin. Napaurong ako bigla at halos lumabas na sa katawan ko ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.   "Hey, easy! I won't bite you." Nakangisi pa ito sa harap ko. Lalo lang akong nairita sa kanya.   Kitang kita ang pagkakadepina ng mga muscles nito sa katawan at braso. Hindi ko alam kung bakit parang matured na ang katawan nito samantalang teenager palang naman.   Thanks to his genes, huh?     "Layas! Ba’t ba ang kulit mo? Pagagalitan na naman tayo dahil sayo eh!" inirapan ko siya at lumapit ako sa isa pa naming ka-groupmate.     "Kenny, partner tayo ha?" aya ko sa kaklase ko na nakasuot ng itim na eyeglasses. Umiling ito sa akin.   "Naku, partner na kami ni Jasmin eh." Itinuro nito ang partner na busy sa pakikipagusap sa isa naming ka-group. Anim kami sa isang grupo, tatlong babae at tatlong lalaki. Anim na grupo din ang nabuo sa section namin.     "Perez! Ano na naman ‘yan at parang wala ka sa sarili mo? Kayo na lang ni Francis ang walang partner! Ba't di kayo ang magsama? Tutal gustong gusto naman yan ni Torillo." Nakapameywang na sabi ng guro namin. Napuno tuloy ng hiyawan ang buong gymnasium dahil sa sinabi niya.   Ayun nga ang ayoko. Makasama ang lalaking ito. Kapag hindi sila tumigil sa kakatukso saming dalawa at hindi rin tumigil si Francis sa kakakulit sa kanya ay baka mabuwag ang prinsipyo ko.     Hindi pwede iyon, kailangan aral muna para matulungan ko sila Nanay kapag nakapagtapos ako.     Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil ayaw kong mapahiya at bumagsak. Abo't ang ngiti ng lalaki sa harap ko ng lumapit ako sa kanya.     "See? Sa `kin ka din babagsak. Papakipot pa kasi.” Tawa-tawa niyang sabi sa `kin.     "Huwag kang magsalita, ang baho ng hininga mo."     Halos pigilin ko ang pagtawa ng amuyin nito ang sariling hininga sa kaniyang palad.     "Rude girl, kung halikan kita diyan tignan ko lang kung masasabi mo pang mabaho `to baka mangisay ka pa sa sarap." Ngisi niya sakin. Sinapak ko siya sa braso pero napangiwi ako sa sobrang tigas nito!     Napatalon ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinaplos iyon.     "Ikaw kasi, does it hurt?" tanong niya sa `kin habang hinahaplos-haplos niya ang kanang kamay ko. Nakatulala lang ako sa kanya. Malakas na ba tama ko dito? Ang paghanga kapag hindi mo napigilan mauuwi sa pag-ibig! Ipinilig ko ang ulo ko at kinuha ang aking kamay.     "Hey! Love birds! Magsisimula na ba tayo o aantayin namin matapos ang landian nyo?!" Suway sa `min ni Sir Joey. Napayuko ako sa hiya at hindi ko na lang pinansin ang katabi ko.     Cariñosa ang sasayawin namin kaya naman hindi ko maiwasan ang mailang sa kasama ko. Nako-conscious ako or something? No, Leila. Hindi ikaw yan, kelan ka pa naging mahinhin? Nagmumukha akong tanga sa harap niya, ayokong mapahiya sa kanya yun ang talagang nararamdaman ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya kong inalalayan dahil sa panginginig ng tuhod ko.      I.CAN.DO.THIS.     "Relax sweetheart, it's just me. Relax. Don't mind me and the others. Just do the right steps, alright?" Nakatitig siya sakin habang pinapakalma ako. He knew I'm tense! Lalo akong kinabahan na hindi malaman dahil sa mga sinasabi niya.    "I can't do this! You're making me nervous!" sa sobrang tense ko sa kanya ay nakapagbitaw ako ng salita ng hindi ko man lang pinagisipan!   "Why are you nervous, sweetheart?”   “Tell me, why?" pabulong niyang sabi sa kanang tainga ko. Napakapit na ko sa braso niya. Kahit na nangingibabaw ang ingay na nagmumula sa speaker ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog ng puso ko.   Ganito ba talaga kapag may gustong gusto ka sa isang tao? Nakakababa na hindi mo maexplain yung halo halong nararamdaman mo kapag nakikita mo siya? Ano pa kapag ganitong nahahawakan at nakaka-usap mo pa?   "I need a break, paalam muna ko kay sir. CR lang." hindi ko na siya hinayaang magsalita, tinalikuran ko siya at nagmartsa papunta sa CR ng girls. Duon ko pinakalma ang sarili.   "May practice tayo bukas ha? Next week na yung presentation natin eh," sabi ni Kenny samin. Siya yung tumatayong leader ng grupo.     "Saang place?" anas ni Jasmin.     "My place."     Napalingon kami kay Francis. First time kasi nitong magvolunteer na sa kanila magpractice. Alam ko kasi, hindi ito napayag. Syempre dahil transferee ay gusto ng mga kaklase ko makapunta sa bahay nila at makilala pa ng lubos ang lalaking ito. Pero palagi itong tumatangi.      "Uy! Seryoso ba yan? Nung partner tayo ayaw mo sa inyo. Nung kayo ni Leila bigla mong gusto?" nakisali sa usapan namin si Mira. Napataas ako ng kilay sa sinabi niya pero pinili ko na lang huwag pansinin dahil baka lumaki ang ulo ng isa at isipin gusto ko siya.     "Pero Francis, seryoso nga? Hindi kami tatangi," ani ni Kenny.     "It's fine," rinig kong sabi. Nakatalikod kasi ako sa kanya.     "Osige, san ba yung bahay niyo banda? eight am sana ang call time,” tanong ni Kenny.     "Malapit kami sa munisipyo. Give me your number, I'll text you," aniya. Nagpalitan na sila ng numero. Panay ang ngawa ni Mira sa tabi nito pero hindi pinapansin ng lalaki sa likuran ko.      Lumapit si Mira kay Francis. "Can I also come? Sama na ko, sa sunday pa naman amin. I-tetext kita kung nasa munisipyo na ko.”     "I'll just text you later."     Oh? So, textmate pala ang dalawa. ano naman ngayon sakin?     "How about you? Can I have your number?" Kalabit niya sa `kin kaya napalingon ako .     "Ang arte ni Leila, kailangan tinatanong pa," ani ni Mira.     "Tigilan mo ko Mira, baka masapak kita kapag napikon pa ko sayo."     Namutla ito at nakipagusap na lang kila Kenny. Napangisi at napailing si Francis, kaya tinaasan ko iyon ng kilay. Inabot niya sakin ang cellphone niya.     "Your number please." Tumingin siya sa labas ng mahawakan ko ang cellphone niyang nanghihingi ng passcode!     "Paano ko ita-type yung number ko e may code?" Salubong ang kilay ko sa kanya.     "Your birthday," aniya ng hindi tumitingin sakin.     "Ha?"     "Are you slow?" May bahid na ng pagkairita ang tono nito. Namumula na rin ang tenga niya.     Bakit?     "Wag mo ‘kong ganyanin ha! ang yabang mo! Sayo na nga yan!" Ibinalik ko ang cellphone niya pero hindi niya tinaggap.     "Birthday mo yung password ko. Tss." Pumikit ito nang mariin at pulang-pula na lalo ang tainga niya ng matapos iyong sabihin.     "Okay," yun lang ang nasabi ko. Nagtipamako ng numero. Napasinghap ako bigla, hindi dahil sa tumugma iyon kundi dahil sa larawan ko na wallpaper niya!     "Uy si Francis! Stalker ni Leila, ang taray mukha talaga ni Lei yung wallpaper ah!" sabi ng classmate ko na alam kong rinig na rinig ng iba!     Stalker?     Namula ako sa pagkapahiya.             -   "Ate lydia! Una na ho ako! Bukas na lang po!" sigaw ko ng nasa pintuan na ko ng kusina sa karinderya ng tiya ni Shaina.     "Leila, uuwi ka na? Nakakatamad na tuloy kumain kung hindi kita makikita. Ikaw na nga lang ang maganda dito ay aalis ka pa." sabi ni Dante ng harangan niya ang daraanan ko. Isa sa mga suki sa karinderya. Nagta-trabaho ito sa construction kaya napangiwi siya ng makita ang ilang butil ng pawis na umaagos mula sa noo nito hanggang sa leeg. Halos matanda lang ito ng tatlong taon sa akin.     "Oo, may gagawin ako. Umalis ka dyan Dante at malalate na ko! Matuto ka munang magpunas ng pawis mo bago ka makipagusap sakin." Sinimangutan ko siya.     "Sungit nito!"   "Aba'y Dante! Nangungulit ka na naman diyan! Kung kakain ka ay umorder ka na at hayaan mo na yang dalaga namin na makaalis!" hiyaw ni Ate Lydia kaya nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito sa harapan ko. Nagpaalam ulit ako bago tuluyang umalis sa karinderya.   Isang linggo na rin akong nagta-trabaho dito at sobra ang pasasalamat ko kay Shaina dahil sa tulong nito. Dapat ay whole day ako ngayon sa karinderya kaso may practice kami kaya nagpasya na lang ako na hapon pupunta. Naintindihan naman iyon ni Ate Lydia. Nagmamadali akong pumara ng tricyle at nagpahatid sa La Paz kung saan nakatira si Francis. Kinuha ko ang cellphone para i-text sila. Pero ilang mensahe na ang na-recieved ko galing sa binata. Ni hindi ko nagawang tignan ito kanina dahil sa sobrang pagka-abala sa karinderya.     Francis: Goodmorning Lei!   Francis: Are you busy?   Francis: Text mo ko kapag malapit ka na para sunduin kita.     Napailing na lang ako sa pagiging persistent nito. Kailan kaya nito maiisipang tumigil? We're still young and his feelings will surely change.     Me: Nasa tricyle palang ako papunta sa La Paz. Mga five mins pa pero pasundo na ko sa tapat ng munisipyo niyo.     Francis: Thank god you replied! Okay, papunta na ko.   Hindi ko na ito nireplayan at isinilid ko na sa bulsa ang cellphone ko.     Nakita ko agad siya ng bumaba ako sa tapat ng munisipyo. Nakasuot ito ng navy blue shirt na tinernuhan ng khaki shorts. Agad na lumapit ito sakin ng mapansin ang pagbaba ko sa tricyle.     "Bakit hindi ka nagpunta kanina?" aniya. Napakunot ang noo ko sa tanong niya.     "Hindi ba nila sinabi sayo?" Ito naman ang nangunot ang noo sa sinabi niya. Oh! So, that means hindi nga niya alam.   "May trabaho ako kanina kaya sabi ko hapon ako pupunta. Teka, sa'n ba inyo?" sabi ko sa kanya at pinasadahan ang buong paligid. May ilang tao sa tapat ng munispyo. Mga naglalaro ng basketball dahil tapat niyon ay court.     "You're working? Saan?" tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagka–ususero.     "Sa Trinidad, bakit ba? Huy! Tara na! Baka nagaantay na sila!" Nakapameywang kong sabi sa kanya.     "Bakit di mo sinabi sakin? Hindi mo ko nirereplayan tapos papansinin mo lang ako kapag kailangan lang." May himig ng pagtatampo ang tono nito.      "At bakit ko sasabihin sayo? Ano ba kita? Tatay? Eh kahit nga magulang ko di nila alam eh. Tsaka busy ako sa trabaho kaya di ako nakakare–teka! Bakit ako nageexplain? Anong drama ito?" I rolled my eyes with annoyance.     "Kahit na! Manliligaw mo ko! I should know! Kahit maliit na detalye dapat ay alam ko!" nagkasalubong ang kilay niya sa sobrang inis sakin. Samantalang ako ay napanganga sa sinabi niya. I blinked twice before I regained my composure.   "Teka nga! Bakit may nagaganap na pagdedeklara dito? Kelan ka pa nanligaw? Hindi ko yan alam! Di mo sinabi, di ako nainform," sarkastiko kong sabi.     "I always texted you, niyaya kitang sumabay kumain. Niyaya kitang ihatid! Nagpapansin na nga ko, di mo parin ako alam?” Sabay hawak sa kamay ko.   Napataas tuloy ako ng kilay.     "Malay ko bang nanliligaw ka! Akala ko talagang likas lang sayo ang makulit! Isa pa, palagi ko kayong nakikita ni Mira! Malay ko ba kung ganon ka din sa kanya. Tingin mo sakin assumera?" Sabay bawi sa kamay kong hawak hawak niya.   Humalukipkip akong humarap sa kanya.     "You're the only girl I invited for lunch, hinahatid pa nga kita kapag uwian. I even volunteered to do our practice in our house just to introduce you to my parents.” He paused.   “Now, tell me, hindi pa ba ito panliligaw? Is this some kind of a joke to you?" titig na titig siya sa `kin na halos ikatunaw ko na. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at parang ayaw niya ng pakawalan iyon.     Lagi akong namamangha sa tuwing nagsasalita ito ng ingles. Parang kay dali lang para sa kanya ang bigkasin ang ilang salitang banyaga na animo'y bihasa na ito sa lengwahengiyon. Mas lalo akong nagulantang sa sunod-sunod na pagtatapat niya sa akin!   At ano ang sabi niya? Kaya ito nagvolunteer para maipakilala siya? Hindi pu-pwede dahil makakasagabal ang pagbo-boyfriend sa pagaaral niya!     "Uuwi na ko! Ayoko Francis! Hindi pwede okay? Ayoko magboyfriend!" binawi kong muli ang kamay ko at tinalikuran siya. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ay hinatak niya ang palapulsuhan ko para muling iharap sa kanya.     "Bakit? B-bakit hindi pwede? Ayaw mo ba s-sa `kin?" Gumuhit ang sakit sa mga mata nito ng itanong sakin iyon.     "Ayoko kasi makakasagabal yon sa pagaaral ko. Kailangan ko magfocus sa pagaaral ko para makatapos ako! Para makaahon kami sa hirap dahil ang pagaaral lang ang nakikita kong solusyon para guminhawa ang buhay namin!" sigaw ko sa kanya.   Hindi ko na napigilan. Hiyang hiya ako sa pinagsasabi ko lalo na nasa labas kami. Alam kong may nakarinig samin at iniisip na may LQ pa kami! Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad papalayo. Muli na naman akong nagulat ng hatakin niya ako papunta sa bahay na yari sa kahoy malapit sa munisipyo. Pumasok kami roon at nagtaka ako ng wala man lang tao at walang sumaway samin ng pumasok kami sa luob.   "Huy! Ano ba! Bakit tayo nandito? Baka pagalitan tayo ng may-ari! Uuwi na ko!" nakasimangot kong sabi sa kanya. Tinignan niya ko gamit ang seryosong mukha.     "Bahay namin `to, kaya walang magagalit. Dito tayo ngayon mag-usap," aniya at sinimulang lumapit sa `kin. Umurong ako at ramdam ko na ang upuang yari sa kahoy na nasaking likuran.     "Francis, ano b-ba.. ba't ka ba ganyan? Makita tayo nila Kenny, o ng magulang mo.. huy!" suway ko sa kanya at sinisenyasan siyang huwag lumapit sakin.     "Umuwi na sila Kenny, wala sila nanay, namili sa palengke," anas niya sabay lapit ulit sakin kaya napaupo ako sa upuang de kahoy nila. Ibig sabihin ay kami lang dito? Dapat na ba akong matakot o matuwa sa sinabi niya? Ano ba tong iniisip ko!     "Hindi ako magiging pabigat sayo, pangako. Maabot mo ang pangarap mo pero hayaan mo kong samahan ka habang ginagawa mo iyon. Gustong-gusto kita Lei, hindi ko alam kung bakit ganun. Marami namang iba diyan alam ko. Yung mas malaki yung dibdib kesa sayo, yung mas sexy at mestisa pero ikaw ang gusto ko! Wala akong pakialam sa iba basta ang mahalaga sakin ang maging akin ka. Pwede bang habang inaabot mo ang pangarap mo hayaan mo rin akong tuparin ang pangarap ko? Gusto talaga kitang maging girlfriend.” Napahilamos pa ito pagakatapos sabihin iyon.     “Mabaliw na ko kapag hindi kita mapa-oo... Pero hahayaan muna kitang pagisipan ang lahat. Pero hindi ako susuko..." Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya.   Hindi na ko nakareact kahit sinabi nito na may hihigit pa sakin. Nilait niya ba ko? Kinumpara? Hindi ko na alam! Hindi ko na maabsorb lahat ng sinabi niya. Masyado akong nagulat sa lahat.   "Uh, nasaan yung CR? Naiihi ako?" Naiihi na ko sa nerbyos... Sa kaba... pati na ata sa kilig?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD