CHAPTER 15 “Are you sure you’re okay?” Napakurap ako ng lumapit si Francis bitbit ang softdrinks at sandwich. Tumikhim ako at nagpanggap na kunwari hindi natulala kanina sa dami ng iniisip. Umiling ako at ngumiti sa kanya. Kinuha sandwich at kumagat doon. “Ano nga? Ba’t ayaw mong sabihin?” “Malapit na ang final grading tapos graduation na. Naiisip ko lang kung makakapasok ba ko sa college. Mukhang sablay ako maging valedictorian sa klase,” Pagdadahilan ko. May parte sakin na naisip iyon lalo na nitong third grading perios ay mas mataas ang marka ng isa kong classmate kesa sakin. “I can help you go to college. I’ll work for us.” Napatingin ako sa kay Francis. Parang wala lang yung sinabi nito. Uminom ito ng softdrinks pagkatapos a