CHAPTER 14 “Kumusta kayo Nay? Ayaw parin ba ko makita ni Tatay?” malungkot na tanong ko habang tinititigan ang daliri kung saan nakalagay ang singsing na binigay ni Francis. Napayakap ang isa kong braso sa sarili ng umihip ang malakas na hangin. Magiisang buwan na simula ng pinaalis ako samin. Ngayon ko lang nakausap si Nanay dahil ibinalik na daw nito ang cellphone sa kanya. “Ewan ko ba diyan sa Tatay mo. Ayun nga at nagiinom sa kapitbahay. Ayaw parin niya na kausapin ka. Kumusta ka na diyan? Nabanggit sakin ng kapatid mo na mabait yang boyfriend mo. Nagpunta nga iyan ulit dito eh. Lalong nagalit tuloy ang Tatay mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. Wala namang sinasabi sakin si Francis. “Ha? Kelan ‘yun?” Narinig ko ang pagbukas at sara n