bc

The Mystery of a Missing Panty

book_age18+
72
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
office/work place
cheating
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang misteryo ng nawawalang panty?Isang bilyonaryo, pinahanap ang may-ari ng naligaw na panty sa kanyang condo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Excited na sumakay ng taxi si Samantha patungo sa condo ng boyfriend niyang si Glen. Ngayon kasi ang kaarawan nito at nais niyang sorpresahin ang nobyo. "Nadala ko na ba lahat? Cake, flowers, at paborito niyang lasagna?" sambit ng dalaga habang tinitingnan ang mga bitbit niya. Nang makompirmang dala niya lahat, agad na niyang sinabi sa driver ang patutunguhan. "Manong, sa Elite Residence po." Nakangiting tumanaw si Sam sa bintana habang iniisip ang mga mangyayari. Ngayon kasi, naisip niyang iregalo ang sarili sa binata. Ito ang pinakaiingatan niya at handa na siyang ibigay ito para kay Glen. Subalit pagbaba niya sa taxi, isang bagay ang naalala niya. "Shocks! Mali 'yung panty na nasuot ko!" kabadong wika ni Sam. Ayaw naman niyang masira ang araw ni Glen dahil lang sa panty niya. Mayroon kasing nakaburdang Panda sa likod ng kanyang panty, kaya ganoon na lang ang hiya niya. Agad na bumili ng see-through Panty si Sam sa malapit na palengke at pumasok na sa condo. Nang makarating siya sa fifth floor, nakakita siya ng isang bukas na unit. "Kailangan ko nang magpakit ng panty, baka kasi wala na akong time mamaya." Pumasok si Samantha sa nakabukas na kuwarto at doon hinubad ang panty niya at sinuot ang bagong bili. Ngunit dahil sa pagmamadali, aksidenteng nailaglag si Sam ang hinubad niyang panty sa sahig. Nakangiting nagtungo si Sam sa unit ni Glen. Binuksan niya ang pinto gamit ang spare key. "Happy birthda-" Naputol ang sasabihin ni Samantha. Wala sa sariling naibagsak niya ang mga hawak na gamit, kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. "Mga hayop kayo!" sigaw ng dalaga nang maaktuhan ang bestfriend niyang si Jade sa ibabaw ng nobyo. Sabay na napatingin ang dalawa kay Sam. "S-Sam! Let me explain!" pabalik na sigaw ni Glen habang tila nahihilo. "Wala ka nang dapat pang ipaliwanag, Glen! Break na tayo!" sigaw ni Sam. Tinulak ni Glen si Jade at pilit na tumayo. Subalit lalapitan palang ng binata si Samanta, agad na itong tumakbo palabas ng unit. "Samantha!" nagmamakaawang sigaw ng binata. Hindi na lumingon pa si Samantha. Tumakbo ito palabas ng silid habang umiiyak. "What have you done?!" galit na sigaw ni Glen sa babaeng si Jade. "Iniligtas lang kita sa freak na iyon, Glen! Hindi mo siya deserve," tugon naman ni Jade. "Paano mo nasasabi sa kaigan mo ang bagay na 'yan?" sigaw ni Glen. Pinilit ni Glen na tumayo at sundan si Sam, subalit agad siyang natumba dahil sa labis na pagkahilo. Tumama ang tingin ni Glen sa baso ng tubig na nasa lamesa. Naalala niyang si Jade ang nagbigay sa kanya ng tubig na iyon. "A-Anong nilagay mo sa tubig ko?" tanong ng binata. Hindi makagalaw si Glen sa kinauupuan. Pakiramdam niya ay naparalisado ang buo niyang katawan dahil sa epekto ng gamot. "Glen, I love you. Ako ang nauna kaysa kay Sam, hindi ba? Ako dapat ang minahal mo at hindi siya.” “Kahit kalian, hindi kita mamahalin, Jade.” Tuluyang nawalan ng malay si Glen at humandusay sa sahig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
16.6K
bc

His Obsession

read
97.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
153.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
6.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook