Chapter 2

1146 Words
Chapter 2 MAGKAHAWAK ang kamay na naglalakad sina Erol at Clarise. Patungo ang dalawa sa kanilang silid, ang silid na pinasukan ni Sam upang magpalit ng panty. Mayroon palang nagmamay-ari ng unit na iyon at sandal lang itong umalis. “Erol, I love you,” sambit ni Clarise at hinagkan ang labi ng binata. “I love you more, Clarise,” buong pagmamahal na tugon naman ni Erol. Halos hindi maputol ang mapupusok na halik ng dalawa. Sa pagpasok nila sa loob, kumunot ang noo ni Clarise nang may isang bagay ang sumabit sa heels niya. Natigilan ang halikan ng dalawa upang tingnan ito. Nagulat si Clarise nang makita ang isang pink na panty na may burda ng panda. “What the hell, Erol? What is the meaning of this!” bulyaw ng dalaga kay Erol. “Wala akong alam diyan, Clarise!” nag-aalalang tugon naman ni Erol. “Sinungaling! Anong ginagawa ng isang panty rito?” muling wika ni Clarise. Tiningnan pa niya ang panty at may kaunti pa itong basa. “Look! There is a sticky fluid on this one! Eew! Erol. This is so disgusting!” nandidiring sambit ng dalaga. Mabilis na tinulak ni Clarise si Erol palayo sa kanya. “C-Clarise, maniwala ka! Wala talaga akong alam diyan. B-Bala nalag;ag lang ng tagalinis. “I’m not stupid, Erol!” muling pagdiin ni Clarise. Kinuha ni Clarise ang sling bag na nasa lamesa. “You’re a cheater, Erol. Malalaman to ng pamilya mo,” pagbabanta ni Clarise, saka padabog na lumabas ng pinto. “Clarise!” sigaw naman ni Erol. Wala na siyang nagawa. Alam niyang kahit habulin niya si Clarise, hindi ito maniniwala sa kanya. Si Clarise ay isang babaeng matapang at hindi tumatanggap ng mali. “Bwisit!” galit na sigaw ni Erol saka sinuntok ang pader, dahilan upang dumugo ang kanyang kamay. KINABUKASAN, paulit-ulit na tinatawagan ni Glen ang nobyang si Sam sa telepono, ngunit hindi sumasagot ang dalaga. Kasalukuyang kumakain ng umagahan si Sam. Pilit niyang kinakalimutan ang nangyari dahil pagod na siyang umiyak. Isang malakas na dalaga si Sam. Sinubok na siya ng mundo nang mamatay ang kanyang ina. Marami na rin siyang napasukang trabaho at isa na roon ang kompanya kung saan niya nakilala si Glen. “Anak, hindi mob a sasagutin ang tawag ni Glen? Baka kailangan mo lang marinig ang paliwanag niya,” sambit ng nanay ni Sam. Sumubo si Sam ng hotdog, saka pinindot ang ignore button sa kanyang cellphone. “Hindi niya deserve patawarin, nay,” sagot ni Sam sa nanay. “Pero, anak. Matagal na kayong magkarelasyon ni Glen.” “Nay, tama na! Mas kinakampihan nyo pa ba ang manlolokong iyon kaysa sa akin na anak mo?” tugon ni Sam. Hindi nakasagot ang nanay niya, bagkus, pinaghanda na lang niya si Sam ng babaunin para sa trabaho, saka bumuntonghining. Makalipas ang ilang minuto, pumasok na sa trabaho si Sam. Dala niya ang isang sobre dahil plano na niyang mag-resign. Hindi kasi niya kayang makita pa ang best friend at ex-boyfriend niyang manloloko. Subalit hindi akalain ng dalaga na makakasalubong niya si Glen pagpasok ng gusali, animoy hinihintay siya nito. “M-Mabuti naman at pumasok ka ngayon, Sam. Please let me explain. Na-set up lang ako,” paliwanag ni Glen. Nagpatuloy sa paglalakad si Sam hanggang sa makarating sa elevator. Si Glen naman ay nagpatuloy sa pagsunod sa kanya na animoy asong nagmamakaawa. Sa pagsara ng pinto ng elevator, nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ang dalawa. “Sam, please stay with me,” pagmamakaawa ni Glen. Kinuha nito ang kamay ni Sam at nilapit sa kanyang dibdib. “Ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko, Samantha. Maniwala ka naman, oh.” Pakiramdam ng dalaga ay dinurog ang puso niya. Sa tuwing iniisip niya ang nakita, hindi niya maiwasan ang magalit at lumuha. “Kahit na sabihin nating na-set up ka, Glen. You cannot change the fact na nakipag s*x ka sa bestfriend ko.” Tila umalingawngaw ang salitang iyon sa loob ng elevator. Nanatiling tulala si Glen habang nanlalaki ang mga mata. Mariin namang pinunasan ni Sam ang butil ng luha sa kanyang pisngi, saka tumalikod sa binata. Sa pagbukas ng elevator, lumabas si Sam at dumiretso sa HHR Office upang ibigay ang resignation letter niya. “Are you sure about this, Ms. Olivar?” tanong ng hr head sa dalaga. “Yes, ma’am,” maiksing tugon ni Sam. Matapos lagdan ng staff ang papel, agad nang lumabas si Sam mula sa opisinang iyon. Nakasalubong naman niya sa hallway ang babaeng ahas na besfriend niya. “Sam, alam kong—“ Nanlaki ang mata ni Jade nang isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. “Tama na, Jade. Tinuring kitang kaibigan pero anong ginawa mo?” Nakakuyom ang kamay ni Sam at pinipigil ang sarili. “Pwede ba? I don’t want to see you again. Kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin.” Diretsong naglakad si Sam at nilampasan si Jade, hindi na nito nilingon ang dalaga dahil baka kung ano pa ang magawa niya rito. Hindi na tinapos ni Sam ang shift niya sa opisina. Pagsapit ng tanghali ay umuwi na siya. Sa pag-uwi ni Sam, hindi niya sinabi sa kanyang ina na nag-resign siya sa trabaho, alam kasi nitong mag-aalala ang kanyang ina. Diretsong nagtungo si Sam sa banyo upang maglinis ng katawan, matapos iyon ay dumiretso na siya sa kwarto. Binuksan niya ang drawer kung saan nandoon ang kanyang underwear. “One, two, three. Sandali, bakit kulang ang pink panda panty ko?” tanong ng dalaga sa sarili. Inulit pa niya ang pagbibilang ngunit kulang talaga ito. Umupo si Sam sa tabi ng kama at pilit na inisip kung nasaan ang isa. Paborito pa naman niya ang disenyo ng mga panty na iyon at isa pa, komportable siya rito. Sa tuwing suot niya kasi ang panty, lagging may magandang nangyayari. Sa patuloy na pag-iisip ni Sam, isang bagay ang naalala niya. “OMG! Hindi kaya?” Napatakip na lang ng bibig si Sam nang maalala ang ginawa niya noong pumasok siya sa isang bakanteng silid. “Baka nalaglag siya doon sa kwarto na ‘yon,” nahihiwang sambit ng dalaga. Napakamot na lang siya ng ulo. Nakakahiya naman kasi sa taong makakapulot ng panty. Gamit na iyon at baka maipakulam pa siya. Mabilis na binago ni Sam ang isip niya. Agad na lang siyang nag-ayos ng resume at nag-apply ng trabaho online, sakto naman na agad may tumawag sa kanya – ang TP Corporation. Walang sinayang na oras ang dalaga. Agad siyang nag-ayos at sumakay ng taxi upang magtungo sa TP Corporation. Sa pagdating niya roon, agad siyang inasikaso ng staff. Nag-exam siya at nag-initial interview. Hanggang sa makarating siya sa final interview at pinaghintay sa conference room. Hindi akalain ni Samantha na doon na magbabago ang kanyang mundo at makikilala ang lalaking tuluyang magpapabago sa kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD