"HINDI maari ang nais ninyo, Sir. Ang lupaing ito ay minana ko na sa aking mga magulang. At isa pa, saan na lang kami pupulutin kong ipa-demolish ninyo ito?" patanong na pahayag ni Aling Maria sa Mayor na personal na bumista sa kanilang bahay.
"Mrs Valleroz, hindi lang ang pamilya ninyo ang mawalan ng tahanan kundi buong barangay San Juan. Habilin ng taas ay kailangang ma-demolish ito para sa ipatayong project ng gobyerno," tugon ng alkalde.
Kaso!
"Proyekto? Bakit, Mayor, ano ang mas mahalaga ang buhay naming mga taong-bayan o ang proyekto ninyong wala namang pakinabang sa butante ninyo?" biglang pagsingit ng dalagitang si Precious.
Nasa unang taon na ito ng kolehiyo sa kursong AB Political Science. Ngunit dahil bakasyon nila sa UNP Vigan City ay umuwi kasama ang nasa ikatlong taon sa kursong Criminology sa naturang unibersidad.
"Hmmm... Matalim ang iyong pananalita, Hija. Kung hindi ka lang sana menor de-edad ay hihikayatin kitang sumanib sa politika. Pero puwede rin naman sa SK." Napatango-tangong hinarap ng alkalde ang dalagita habang hawak-hawak ang baba.
"Mayor, pasensiyahan mo na ang aming anak dahil sa katabilan ng dila. At tungkol sa demolition ay hindi magbabago ang desisyon naming mag-asawa. Ang lupaing ito ang tangi kong ala-ala sa aking mga magulang." Kaagad na pagitna ni Mang Jacob.
Naging maagap siya dahil hindi nalingid sa kaniya ang pag-iba ng mood ng alkalde. Labis-labis nga silang magpasalamat na mag-asawa dahil nataon na wala ang bunso nang dumating ang grupo ng Mayor. Ngunit panandalian lamang pala dahil bigla ring itong sumulpot at halatang nanggaling pa sa biyahe.
"Well, madali lang naman akong kausap, Jacob, Maria. Ngunit huwag n'yong asahan na mananahimik ang taas. Kung ako lang sana ay hindi ko kayo pipilitin. Ngunit kagaya nang sinabi ko kanina ay utos ito ng taas. Okay, since ayaw ninyong pumayag ay wala na kaming magagawa pa. Aalis na kami. Maraming salamat sa pagtanggap sa amin." Pamamaalam ng alkalde ngunit hindi naman hinintay na mayroong makasagot.
MAKALIPAS ng ilang sandali.
"Ikaw na babae ka ay bakit sabad ka nang sabad na hindi man lang nag-iisip? Mayor iyon hindi basta-basta na tao. Nakalimutan mo na bang marami ng namatay dahil sa pagsagot-sagot sa mga opisyal? Precious, naman eh! Gusto mo na ba talagang mamatay?" Kabadong pangangastigo ni Aling Maria sa bunsong anak.
"Mama, hanggang kailan tayo magpapaalipin sa takot? Kahit hindi ko ginawa iyon ay mayroon at mayroong gagawa. At isa pa, totoo naman ang sinabi ko ah. Sige, aalis tayo sa lupaing ito dahil papatayuan nila ng proyekto, may malilipatan ba tayomg taga-rito? Mayroon ba silang ibibigay na compensation sa bawat pamilyang sinakop ng lugar na ito? Wala, Mama. Dahil takot sila---"
"Anak, alam kong kayang-kaya mo sila sa reasoning. At proud kami sa iyo sa bagay na iyan, anak. Ngunit sa ginawa mong iyan ay binuhay mo ang pinakamalaki mong kaayaw. Nakalimutan mo na yata ang bilin sa iyo ng Ate mo bago nagtungong Spain. Magagawa mo ang ipaglaban ang hustisiya kung may powers ka na. Pero nag-aaral ka pa, anak," pamumutol at pahayag ni Aling Maria na kaagad sinundan ni Mang Jacob.
"Tama at mali, asawa ko. Tama ang paliwanag mo sa ating anak. Dahil sila-silang nasa puwesto ang kalaban ng taong-bayan. Imbes na tulungan tayong lahat o ang mamamayan na nagluklok sa kanila sa puwesto ay mas pinapahirapan. Mali, dahil nagpadaig tayong butante sa takot samantalang wala sila sa kinaroroonan kung hindi dahil sa atin. At ngayon ay gusto pa nila tayong paaalisin sa lugar na ito dahil sa proyektong hindi natin alam.
Ngayon ay sabihin mo, Maria, kung ano ang mali sa sinabi ng anak natin. Hindi lingid sa ating lahat ang proseso ng demolition. May relocation para sa bawat pamilyang apektado sa isasagawang relokasyon. Ngunit sa ating kaso ay derekta palayas? Hindi, Maria. Huwag mong sisihin ang anak mo dahil sa naging sagot kay Mayor kanina."
Mahaba-habang paliwanag ni Mang Jacob. Kaya naman ay mas walang nais manulas sa labi ng Ginang. Bagay na sinamantala ni Rico. Ito naman ang nagsalita.
"Ako naman po ang magsalita, Mama, Papa," pauna nitong wika bago humarap sa kapatid.
"Bunso, alam kong hindi kita kayang higitan sa reasoning. Sa katunayan ay hangang-hanga ako sa ugali mong iyan. Sinasabi mo ang nasa iyong isipan. Ngunit tama sina Mama at Papa. At sigurado akong nauunawaan mo amg nais kong tumbukin. Kamatayan ang kabayaran sa bawat nilalang na kumakalaban sa mga nasa puwesto. Kung ako ay walang problema. Dahil sa katunayan ay sawang-sawa na ako sa Sistema ng ating probinsiya. Ngunit dahil may magulang tayo at higit sa lahat si Ate na nasa malayo ay labis-labis ang pag-aalala ko sa maari nilang buwelta sa ating pamilya," paliwanag nito.
Ngunit ang bunso ay talagang walang makabali sa point of views ay nagwika habang umiiling-iling.
"Ipagpaumanhin n'yo muna sa ngayon, Mama, Papa, at Kuya Rico. Ngunit wala kayong maririnig na maayos sa akin. Kuya, kahit ano ang mangyari ay huwag kang aalis ngayon. Bantayan mo ng maayos sina Mama at Papa dahil may lalakarin ako. Kung may masamang mangyari sa akin o hindi ako makabalik hanggang mamayang midnight ay walanh ibang may kagagawan kundi ang Mayor sa bayan natin. At ilagay ninyo sa isang bag ang lahat ng dokumentong nagpapatunay sa house and lot natin. Kahit ang ownership ng palayan at lupang nabili ni Ate. Huwag n'yo akong alalahanin dahil para sa ating lahat ang ginagawa ko," bagkus ay sabi nito saka walang lingong umalis at lumabas sa kabahayan sa kabila nang pagtawag nila rito. Kaya naman ay mas wala silang nagawa kundi sundin ang tinuran nito.
MADRID SPAIN
"SERYOSO ka ba, bossing? Ah, pasensiya ka na ngunit naging bobo na yata ako at hindi ko maarok ngayon ang nais mong mangyari," hindi makapaniwalang wika ni Paolo kasabay nang pag-alog sa taenga.
"Tsk! Tsk! Wala kang ipinagkaiba kay Saavedra. Susme, ano'ng nakakabigla sa kagustuhang magkaroon ng anak ngunit walang asawa? Walang kuwenta ang mga babaeng sa buhay ngayon, Paolo. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalamang sa engagement ko sana noon two almost three years ago ay nilait-lait ako ng dati kong kasintahan dahil pulubi ako. Marry someone else to have child as my heir? No way! I can have a child, but I will never marry those ambitious bitches who are only after my wealth." Kuyom ang kamaong ngitngit ni Bryce Luther.
Subalit dahil hindi pa rin makapaniwala ang driver/personal assistant niyang si Paolo ay hindi kaagad nakasagot bagkus ay kinurot-kurot ang sarili.
"Buhay pa naman ako sa pagkakaalam ko. Ngunit bakit kung ano-ano na ang aking naririnig? Ama sa langit, maari bang itulak mo ako baka sakaling mauntog ang ulo ko at pumasok sa aking isipan ang bulong sa taenga ko?" saad pa nito na halatang nais iparinig sa among kaharap ang salitang nanulas sa labi.
Tuloy!
"Hah! Kahit magmakaawa kang sibakin kita sa puwesto ay wala kang magagawa, Paolo, kundi sundin ang ipinapagawa ko sa iyo. Tsk! Tsk! Ano'ng kinalaman ni BOSSING dito? Tandaan mong tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran!" singhal niya rito.
Still, lumipas pa ang ilang sandali bago ito nagwika.
"Okay, bossing. Ngunt hindi naman maaring basta kung sino-sino na lamang ang babaeng magbibigay sa iyo ng anak. What if those filthy women, as you say so only targeting your wealth? Tandaan mo, bossing na wala sa unahan ang pagsisisi," dagdag turan pa nito.
"Tsk! Tsk! Kasasabi ko lang na anak ang kailangan ko hindi asawa. Ibig sabihin ay babaeng magbibigay sa akin ng tagapagmana ngunit hindi ko sisipingan kundi insemination method or surrogate mother! Hmmm... Saglit lang, Paolo, nararapat na bang gumamit ka ng multi-vitamin para sa kinalawang mong utak?" patanong niyang ismid.
Kaso mas nainis siya dahil muli itong napahalakhak. Ngunit nahulaan yatang nais niya itong batukan dahil patakbo itong nagtago kaso nakabangga naman ang bagong dating na kaibigan.
"Ah, alam ko na. Nag-usap kayong dalawa upang asarin ako. Magsilayas kayo sa aking harapan!" inis niyang bulyaw sa mga ito.
"Tsk! Tsk! Ikaw, Mondragon, ano'ng nalalaman ko sa pinag-uusapan ninyo samantalang dumaan pa ako sa butas ng securities mo. Susme--- Wait, brother, those men in the main gate are new faces. Are you aware of it? Kung hindi ay gawan mo na ng paraan bago ka makipaghabulan kay Paolo," nakailing na sambit ni Ramil.
Naulinigan naman ang usapan ng dalawa ngunit wala siyang naunawaan. Kaso sa tinuran niyang iyon ay tuluyan yatang sinaniban ng masamang espirito ang kaibigan dahil hindi nito pinansin ang pagtawag nila ng assistant. Kaya naman ay wala silang nagawa kundi ang sumunod sa daang tinahak nito.
DAHIL sa ilang pasyenteng inoperahan ni MayMay para siyang lantang gulay na balik sa doctor's office. Actually, sinalo lang naman niya ang dalawa mula sa operating room dahil biglang nagkasakit ang kapwa niya doctora. Sa pahintulot ng management ay siya ang nagsagawa ng operasyon.
"Kaya mo pa ba, Doctora? Aba'y mukhang ikaw na ang isusugod namin sa emergency ah," pukaw sa kaniya ng isang nurse na napadaan.
"Okay lang ako, Miss Nurse. Total uwian na ay itutulog ko lang ito mamaya pag-uwi ko," tugon niya.
"Yes, Doc. Dahil namumutla ka na sa pagod. Suge po, Doc. Mauna na ako at mag-shifting na." Ngumiti ito saka bahagyang tumango-tango kaya naman ay gumanti na rin siya ng ngiti at tango.
Kaso!
On a bright afternoon in Barcelona, Spain!
Kung kailan patawid na siya sa kabilang kalsada ay saka naman basta may sumulpot na van sa tabi niya at biglang bumukas ang pintuan nito saka basta siya hinila papasok! Subalit kasabay nang puwersahan niyang pagpasok sa loob ng van ay nawalan na rin siya bg malay tao.