CHAPTER THIRTEEN

1327 Words
"IKAW na naman? Hah! Kahapon sa harapan ng Consulate ng Pilipinas at ngayon ay dito sa harapan ng hospital? Hanep ka ring babae ka! Kamalasan na yata ang dulot mo sa akin ah!" Kulang na lamang ay lamuning buhay ni Bryce Luther ang dalagang hindi nakikilala. "Oo! Ako na naman po, Senyor whoever you are! Tsk! Tsk! Mabait akong tao sa mga mabait. Ngunit mas maldita ako sa tulad mong panginoon ang tingin sa sarili!" ganting-sigaw ni MayMay sa lalaking puno ng hangin sa katawan saka bumaling sa matandang tinulungan. "Senyor, ligtas ka na po. Kung okay lang ay halika at ihatid kita sa---" Kaso ang pananalita niyang iyon ay hindi na naman pinatapos ng herodes. "Hoy, babae! Kung may sasamahan man ang abuelo ko ay walang iba kundi ako! Aba'y malay ko kung saan mo siya dadalhin. Tsk! Tsk! Malay ko ba kung tuluyan mo siya kaysa tulungan!" Pamumutol ni Bryce sa dalaga. Tuloy! "Hoy, Espanyol ka! Maaring nandito ako sa teritoryo ninyong mga Espanyol ngunit hindi ako pumarito upang manakit ng kapwa ko! Kung abuelo mo siya ay pabaya kang apo. Susme! Sa init ng panahon ay nagawa n'yo pang iwanan na walang kasama. At ito ang itatak mo sa iyong kukute, kung balak kong gumawa ng kababalaghan ay hindi na ako pumarito sa bansa ninyo. Maari ko iyang gawin sa amin. Pero hindi ako ganoong uri ng tao!" Dahil nakakaagaw na rin sila ng atensiyon ay nag-walked out na lamang siya. Mabuti na lang at walang nahulog sa mga gamit niya. Nagusot nga lamang ang suot niya. "Hudyong, iyon! Sana nga ay tamaan ng kidlat kahit hindi umuulan! Sinira na nga ang araw ko kahapon at ganoon na naman! Buwesit ang Espanyol na iyon disin sana ay madulas at mahulog sa imbornal!" Nagmistula tuloy siyang bubuyog na bulong nang bulong dahil sa inis. SAMANTALA ay pinakawalan ng Don ang tawang pilit sinusupil dahil sa hindi nakaporma ang apo dahil sa isang babae. Kaso mukhang tumubo na naman ang init ng ulo. "Ano'ng ginagawa mo rito sa Barcelona, Grandpa? Aba'y kung hindi lang dahil sa iyo ay hindi ko nakadaupang palad ang babaeng malas na iyon," anitong salubong ang maitim at malagong kilay. "Surpresa nga sana, apo ko. Pero, teka lang. Aba'y sumubra naman yata ang tapang mo at kahit babae at pinatulan mo na," aniyang muli. "Kasalanan niya Grandpa! Ah, huwag na huwag na sanang magsangga ang landas namin dahil kapag nagkataon ay makakatikim ng hindi kanais-nais mula sa akin!" "Paolo, Wilmer, help Grandpa, and let's go inside. The party is about to start now. Kung hindi lang dahil sa lintik na iyon ay hindi tayo aabutin ng siyam-siyam dito sa labas!" Kuyom ang kamaong pinaglipat-lipat ang paningin sa mga nandoon. May ilan naman silang bodyguards ngunit binilinang maging casual. Dahil hanggat maari ay ayaw nilang makaagaw ng atensiyon. Then... "Taon-taon ay mayroong party para sa celebrasyon ng pagkatatag ng pagamutang ito o ang Hospital De Barcelona. At hindi rin lingid sa kaalaman nating lahat na sa tuwing sumasapit ang araw na ito ay nandito ang mga share holders upang sila mismo ang magbigay sa parangal ng mga napili ng pamunuan at ang promotion sa mga deserving staffs." Pansamantalang napatigil ang emcee at bahagyang iginala ang paningin sa kabuuan ng nandoon. "At sa taong ito ay napagkasunduan ng Board of Directors na ang magbibigay ng parangal sa mga masuwerteng doctors ay walang iba kundi ang young and handsome CEO ng Mondragon Empire sa buong Spain. Ladies and gentlemen, let's all welcome the Chief Executive Officer of Mondragon Empire, Master Bryce Luther Hernandez Mondragon." Pagpapatuloy ng emcee. Tuloy! Umugong ang masigabong palakpakan at tili mula sa mga kababaihan. Kung mayroon mang hindi makaimik sa pagkakataong iyon ay walang iba kundi si MayMay! 'Anak naman ng tokwa! Kaya naman pala ang yabang-yabang at masungit pa kaysa inahing aso na naglilihi! Tsk! Tsk! Ano naman kung bilyonaryo siya? Hah! Atleast hindi siya ang nagpapakain sa akin! Tsura niyang unggoy!' Lihim niyang pagngingitngit. Kaso! "May we call on the first person who will receive her plaque from the hospital management. Miss Haenna Mae Valleroz, a General Surgeon from the Philippines who devoted her time in serving all the patients here. Sa kabila ng may kani-kaniyang centre of concentration ang bawat doctors ay ipinakita ng doktorsng ito na laht ng tao at pantay-pantay. Pinagsilbihan ang bawat isa o ang nga nangangailangan. This reason is enough to give a reward as the best staff of the year. Again, General Surgeon Haenna Mae Valleroz, please come forward." Baritonong tinig ng youngest billionaire in town o si Bryce Luther Mondragon ang pumailanlang sa paligid. Ngunit hindi iyon ang pumukaw sa pandinig ni MayMay kundi ang katotoohanang hindi na siya makaiwas sa lihim niyang minura-mura. Even it came to the point that she silently curse him for being rude. "Doctora Valleroz, aba'y hindi ka ba natutuwa na ikaw ang tatanggap ng Best Staff Award sa taong ito? Aba'y huwag kang makupad, Doctora. Bali-balita pa namang masungit ang bagong CEO ng Empire. Mapag iyan ang mainis ay baka bawiin ang parangal," dinig niyang wika ng isang kasamahan sa trabaho. Saka pa lamang siya tumayo at inayos ang sarili. Ang mayabang at masungit na CEO lang kabangga niya ngunit kung simangutan niya ito ay mapapahiya siya sa lahat. Aba'y once in a lifetime lamang ang parangal sa ibang bansa. Samantalang lihim na naiinis at nababagot ang binatang si Bryce Luther dahil wala yata sa mga nandoon ang taong nakasulat sa papel o ang script na ibinigay ng emcee. Kaso! 'So, she is a doctor after all. At dito pa nagtatrabaho ang malas na ito. Well, saka na lang ako babawi sa iyo. Masama akong tao pero hindi ko ugaling mamahiya!' aniya sa sarili habang pasimpleng pinagmamasdan ang babaeng dalawang beses nang nakabangga. She is wearing a doctor's robe, by the way! "Doctor Valleroz, continue to serve and help other people. You are devoted in fulfilling your duty as an instrument in saving lives, which will lead you to success. Please accept this plaque as a token of your devotion and cash from the management itself. Congratulations." Pagtatapos ng binatang bilyonaryo kasabay nang pag-abot sa doctors plaque. 'Sa ibang araw kita magagantihan, babae ka. Araw mo ngayon at sa ibang pagkakataon sa akin,' aniya sa sarili. Lihim naman humanga si MayMay sa binatang bipolar. Tama, bipolar ang tawag niya sa kaharap. Ngunit bago pa ito muling kumulog ay nakangiti niyang tinanggap ang parangal. "No sé cómo empezar mis palabras. Porque nunca esperé esto ni el agradecimiento que recibí de ustedes, Hospital de Barcelona. Lo único que sé es que hice mi trabajo como salvavidas. Aun así, muchísimas gracias. No lo diré uno por uno, pero desde el fondo de mi corazón, estoy muy agradecido. "Mis compañeros médicos y enfermeras, sin importar cuál sea nuestro centro de atención, sigamos haciendo nuestro trabajo con todo nuestro corazón." Dios nos bendecirá a todos." ("I don't know how to start my words. Because I never expected this or the appreciation that I received from you, Hospital De Barcelona. Only I know is, I did my job as a life saver. Still, thank you very much. I will not say it one by one, but from the bottom of my heart, I'm so grateful." "My fellow doctors and nurses, no matter what our centre of concentration is, let's continue to do our job with all our heart. God will bless us all.") Sa isipan niya ay sobra-sobra ang biyayang natanggap sa araw na iyon. Lahat ng inis niya sa hudyong dalawang beses nang nakabanggaan ay nawala dahil sa sayang lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso. Marami pa ang naganap sa araw na iyon. Ngunit dahil may duty siya sa hapon ay maaga siyang nagpaalam sa supervisor nila. But, life will not go as we always wish! Dahil makalipas ng ilang linggo mula ng nangyari ang foundation day ng Hospital De Barcelona ay minimal siya ng balitang natanggap mula sa bayang sinilangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD