"HEY, WOMAN! Maari bang sa dinaraanan mo ikaw tumingin? Hindi mo pag-aari ang buong BARCELONA! Kaya't tigil-tigilan mo ang day dreaming sa gitna ng daan!" masungit na ani Bryce Luther nang siya ay nakatayo mula sa pagtilapon.
And, yes!
Walang ibang nagbanggaan kundi sina Haenna Mae at Bryce. Dahil ang huli ang namamahala sa buong empire sa Spain ay siya na rin ang umiikot. Nagkataon na sa Barcelo siya sa oras na iyon.
"Sorry na po, Mister. Hindi ko naman sinasadyang mabangga ka---"
Subalit hindi na iyon nagawang tapusin ni MayMay dahil bukod sa nagwika ang aksidenteng nakabangga ay galit na galit pa ito.
"Sa susunod na magsanggang muli ang landas nating babae ka ay hindi lang galit ko ang mararanasan mo! Tabi! Nang dahil sa iyo ay nahuli na sko sa meeting! F*ck!"
Kung hindi lang siguro siya nasalo ng kasama ng tigreng walang balak makinig ay baka muli siyang nabagsak sa sementadong sahig. Dahil kulang na nga lang na lamunin siya ay pabalya pa itong nanulak. Subalit kung gaano kabilis ang bibig nito sa pagsasalita ay ganoon din ang kilos. Sa isang iglap ay nawala ito sa paningin nila.
"Ako na ang humihingi ng pasensiya, Miss. Bad mood ang boss ko ngayon. Nanggaling pa kami sa airport. Sige na, Miss. Susundan ko na si Boss baka tuluyang maging leon," sabi ng lalaking tumawag ng boss sa nakabangga ng dalaga.
Subalit kagaya lang din ng amo ay nawala ito sa isang iglap sa kaniyang paningin.
"Mabuti pa ang kasama ng tigreng iyon nakuha pa ang humingi ng pasensiya. Tsk! Tsk! Akala mo naman pag-aari ang buong mundo! Hah! Sayang guwapo pa naman. Erase-erase! Huwag kang hangal MayMay! Dinaraya ka lang ng iyong mga mata. Walang pogi na masama ang ugali!" bulong niya.
Murder na iyan, Doctora Valleroz!
KINAHAPUNAN... "Ang pasensiyosa naming Doctora Valleroz ay hindi maipinta ang magandang mukha. Aba'y mukhang may ginapang ka ba sa daan at pinagod ka ng husto?" pabirong wika ng isang roommate ng dalaga.
"Hah! Mabuti sana kung nagapang ko, Martha, kaso hindi naman. Ang sungit-sungit ng Espanyol na iyon. Akala mo ay pag-aari ang daan. Tsk! Aksidente lang naman ang nangyari eh! Sana nadulas na lang ang hudyong iyon!" Ngitngit niya kaso kaagad na napaangat ang mukha dahil napahagikgik ang tatlo ng sabayan.
"Ate muna dahil nandito tayo sa loob ng apartment. Aba'y akala ko ba ay mapanindigan mo marya klarang tinig? Ngunit mukhang may nakadaupang palad mo na ang gagapangin mo in the future na Espanyol. Guwapo ba, Ate? Dali na, Ate, magkuwento ka na." Hindi maikailang kinikilig ang tatlo dahil na rin sa hitsura.
"May hitsura naman kaso dahil mukhang dinaig tayong mga babae sa tuwing may regla ay binabawi ko na. Mas guwapo ang kasama bodyguard niyang kapwa Espanyol. Mabuti pa iyon dahil kahit kami ng boss ang aksidenteng nagkabanggaan ay ito pa ang humingi ng paumanhin."
Pagkukuwento niya. Ngunit sa isipan niya ay napapangiwi siya. Walang-wala sa kalingkingan ng lalaking masungit ang kasama nito. Dahil sa katunayan ay hot and hunky ang Espanyol na nakabanggaan sa kalsada malapit sa Philippine Consulate ng Barcelona. Samantalang ang kasama nito ay walang appeal sa kaniya. Kahit siguro maghubad at mag-macho dancer sa kaniyang harapan ay walang mapapala.
Kaso!
"Hmmm... Kanina pa tayo daldal nang daldal dito sa harapan ni Ate MayMay. Subalit mukhang hindi tugma ang puso at isipan dahil nag-day dreaming na siya at iniisip na ginagapang ang Macho Guwapitong Espanyol," saad ng isa.
Tuloy!
Pinanulahan siya ng mukha!
Aba'y kasalanan ba niya kung napalalim ang pag-iisip? Walang ibang may kasalanan kundi ang masungit na Espanyol!
SAMANTALA sa mansion ng mga Mondragon sa Barcelona.
"Boss, babalik na ba tayo sa Madrid o dito na tayo magpalipas ng gabi?" dinig ni Bryce Luther na tanong ng assistant/driver niya.
And, yes!
Mula sa pagiging security personnel ay personal niya itong in-promote sa kasalukuyang puwesto. Personal assistant/driver.
"No, Paolo. May lakad pa tayo bukas ng umaga. Baka nakalimutan mong may party sa Hospital De Barcelona. Foundation day nila at ako ang pinadalo ng matandang iyon. Mabuti sana kung ito na lang ang dadalo," nakasimangot niyang wika.
"Sabi nga ni Senyor Ramil, ito ang buhay na hindi mo matatakasan. Master Mondragon handed you already the whole empire. Kaya't hindi nakapagtataka kung ikaw ang umiikot," anitong muli.
"Well, kapwa tayo nag-aadjust, Paolo. By the way, kumusta pala iyong ipinapagawa ko sa iyo? I mean, tungkol sa bubwit na iyon." Umupo siya ng maayos.
Patawarin na lamang siya ng matalik na kaibigan dahil pinaimbistigahan niya ang napupusuan nitong dalagita.
"Ayon Yaya nito ay dating SWAT officer ang ama at kapwa ninyo abogado sa Madrid Court ang ina. Attorney Maricar Fuentebella ang panga---"
"Wait, Paolo. Maricar Fuentebella? Ah, ang luko-lukong iyon maganda naman nag balo na ina ng bubwit na iyon ah---"
"At ngayon, ano naman ang nakakatawa sa sinasabi ko? Oo, kilala namin ang widow na iyon, Paolo. Kung iyon na lang sana ang pagtuunan ng pansin ng taong iyon kaysa ang anak. Susme!" Natampal tuloy ng binata ang noo dahil sa kaisipang patay na patay ang kaibigan sa isang bubwit at fifteen years ang gap.
"Boss, no offencement. Ngunit kung maari lang sanang turuan ang puso ay baka ginawa na iyan ni Master Ramil. At kung maari nga sana ay turuan mo na lang ang puso mo na patawarin ang beautiful lady sa harapan ng Consulate--- Oopps! Bawal ang manapak, bossing. Baka kako mabaog ako." Mula sa seryosong pananalita ay biglang napatayo si Paolo saka dali-daling umiwas!
Aba'y mahirap na!
Salubong ang kilay ng younger billionaire in town! Baka masapak siya nito ng wala sa oras!
"Tsk! Tsk! Ano naman ang kinalaman ng l!nt!k na iyon dito sa pinag-uusapan mo? Hah! Umayos-ayos ka kung ayaw mong ibitin kita sa gulong ng eroplano," taas-kilay na wika ni Bryce.
Well, biro lang naman niya iyon. Masama siyang tao sa imahe ng mga hindi nakakakilala sa kaniya ngunit sa tulad nitong kapit-tuko sa kaniya simula pa noong dumating siya sa Mondragon Empire ay alam na kung ano ang ugali niya. Kaso sa kaisipang lintik ay napasimangot siya.
'Kababaeng tao ay mukhang lampa! Tsk! Okay lang sana kung marunong tumingin sa dinaraanan ngunit hindi naman. Madulas ka sana ng tuluyang babae ka!' Lihim niya itong minumura.
Ngunit ang hindi niya alam ay umabot iyon sa pandinig ng kaharap.
'Nakahanap na ba ng katapat ang high and mighty Bryce Luther Mondragon naming boss?' anito sa isipan.
KINABUKASAN, dahil walking distance lang naman ang pagitan ng apartment nila MayMay at sa Hospital De Barcelona ay napagdesisyonan niyang lakarin na lamang kaysa umikot pa with the service car.
Kaso!
Napatakbo siya ng wala sa oras dahil may isang may edad na lalaki ang nakahandusay sa gilid ng parking area.
""Señor, ¿está usted bien?" ¿Adónde vas en estos estados? Por cierto, no te encuentras bien. ¿Le importaría si le tomo el pulso? No se preocupe, señor. Soy uno de los médicos de ese hospital.("Sir,are you okay? Where are you going on this states? You are not well, by the way. Would you mind if I will check your pulse? Don't worry, Sir. I am one of those doctors in that hospital.)" magalang niyang tanong.
Mabuti na lamang ay kahit papaano ay marunong na siyang magsalita ng Spanish. Dahil amainin man niya o hindi ay hindi lahat ng Espanyol ay marunong magsalita at umunawa ng English.
"Adelante, señorita. En realidad, estoy aquí por el aniversario de la fundación del hospital donde usted trabaja. Quiero sorprender a mi nieto, que es uno de los principales accionistas del lugar mencionado. Y no soy el único, simplemente sucedió que mi conductor aparcó el coche al otro lado. Por eso le dije que fuera y que yo lo esperaría aquí. Mi medicación también está con él. Anda, compruébame el pulso.(Go ahead, young lady. Actually, I am here for the foundation day of the hospital where you are working. I want to surprise my grandson who's one of the major shareholders of the said place. And I'm not alone, it only happened that my driver park pir car in the other side. That is why I told him to go and I'll wait for him here. My medication is with him as well. Go on and check my pulse.)"
Hindi na ito sinagot ng dalaga bagkus ay ngumiti na lamang siya rito. Marahan niya itong inalalayan upang makaupo ng maayos.
Kaso!
Kung kailan niya inilapag ang dala-dalang medical equipment ay saka naman may biglang sumulpot at nagwika sa tabi nila. Subalit mas nagulat siya ng mapagsino ang malakulog na nagsalita!