Gran Via de les Corts Catalanes, 601, Planta Principal, Ei"CONGRATULATIONS, Bryce. Alam kong darating ang araw na ito. You deserve it all." Masayang inilahad ni William ang palad sa pamangkin.
Yes, pamangkin. Dahil kahit hindi siya tunay na Mondragon ay legitimate naman silang tatlo ng tunay niyang kadugo. Mas pinili niya ang tamang daan. Masakit na makita ang pagkahuli ng dalawang kapatid ngunit mas hindi kaya ng konsensiya niya ang gawan ng masama ang taong nagpalaki ngunit nagparyooy nanah ng liwanag sa buhay nila.
"Hay*p ka! Traydor! Ilang milyon ba ang ipinangako nila sa iyo upang traydurin mo kami?!" sigaw ni Andrew.
Subait qyaw ni ŕ
"Kaya pala dikit ka nang dikit sa gag*ng iyon dahil may plano kang traydurin kami! Pero ito ang tandaan mo, William! Hinding-hindi ka magwawagi sa anumang binabalak mo!" malakas ding sabi ni Manuel.
Kaya naman ay lumapit ang matandang Mondragon sa dalawang nagwawala.
"Kahit ako ay walang karapatan sa Mondragon Empire, Andrew, Manuel. Alam n'yo kung bakit? Pag-aari ito ng mga magulang ni Bryce. Maaring ako ang namulatan ninyong namamahala. Ngunit iyan ay wala pa sa tamang edad ang tunay na tagapagmana. Kung mayroon man akong share sa Empire at ten percent lamang. Still, I divided it equally to you and your children."
Pansamantala itong tumigil marahil ay kinapos ng hangin. Subalit muling nagpatuloy makalipas ng ilang sandali.
"Kung may pag-aari man ako sa lahat ng nakikita ninyo ay itong mansion. Subalit naipamana ko na ito sa ama ni Bryce bago man nag-asawa. Kaya't nasa pangalan din ng anak nila o si Bryce---"
"No! Hindi iyan totoo, Papa! Imposibleng hindi namin nalaman ang lahat---"
Subalit hindi natapos ni Manuel ang nais sahihin. Dahil ang bunso ang sumalo.
"Natural na hindi natin nalaman ang tungkol sa bagay na iyan, Kuya. Dahil hindi nga natin nakamulatan ang mag-asawang Elena at Gonzalo. Kahit nga si Bryce ay nitong nakaraang taon lamang natin nakasama. Payong kapatid, tanggapin n'yo na ang lahat total may kani-kaniya naman tayong mana. Unless that you are aiming the whole empire---"
"Shut up! Just zipper your f*ck!ng mouth if you don't have good things to say, William! Iyan ay kung magagawa mo o ikaw ang may desire sa bagay na binitiwan mo!" Malakas na pamumutol ng panganay sa tatlo.
DAHIL alam ng Don na walang patutunguhan ang usapan ay mas minabuti niyang tumingin sa newly appointed family lawyer.
"Ito ang una mong assignment, Attorney Saavedra. On how you will handle them. Now that you are our family lawyer, what can you say about it? Ano ang hakbang mo para sa kaganapang ito?" tanong niya.
"This matter can be settled inside the family. Because it's a family problem. But there is an exemption. They are unwilling to cooperate for a peaceful talk, you as a head of the family, send them to the jail. No one will be able to release them unless you will do the action as well," paliwanag nito.
Tuloy!
'Hindi ako nagkamali sa pagpili sa taong ito bilang abogado ng pamilya. He will surely guide ny one and only grandchild. We need to keep him safe, too.' Lihim na nagsasaya si Senyor Mondragon dahil sa pahayag ng newly appointed family lawyer.
"Okay, I got it, Attorney Saavedra. Impressive, by the way."
"Paolo, call the police headquarters and tell them to come over here. If they will ask who ordered you to do so, tell them that its me."
"At sa inyong lahat, maari na kayong magsibalik sa inyong puwesto at mag-log out base sa inyong department. Thank you for supporting this meeting."
Malayang pinaglipat-lipat ng Senyor ang paningin sa lahat ng nandoon. At sa bilis ng pangyayari ay wala ng nakapalag sa mga inaresto.
LATER THAT EVENING... "Old man, papayag ka ba kung bigyan ko ng security si Attorney Saavedra? Maaring naging military kaming dalawa ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Bukod sa kapwa kami lawyers sa Madrid Court ay nadagdagan na ang nakaatang na trabaho sa kaniyang balikat. And lastly, kasalanan mo rin kung bakit ako aalis sa korte. You gave the full responsibility of that Empire."
Mula sa malumanay na pananalita ng binata ay napaismid sa bandang hulian. Talagang mapatulan niya ang abuelo! Basta na lamang nag-turned over na hindi man lang nagpasabi. Aba'y hindi pa nga niya naparusahan ang mga 'pinsan' niya kuno.
"Aba'y ano'ng nakakatawa sa sinabi ko, Grandpa? Susme, ikaw ba naman ang maglayas sa puwesto na hindi nagsabi ng mas maaga. At ngayon pinagtatawanan mo ako? Hah! Papayag ka man o hindi may shadow ang matalik kong kaibigan!" Nagsalubong tuloy ang maitim at malago niyang kilay at bumagay sa blue na blue na mata.
"My heir, my heir. Kasasabi mo lamang na nag-turned over na tayo. Ibig sabihin ay kahit ano man ang desisyon mo ay hindi ko na pakikialaman. May tiwala ako sa iyo. I will support you with everything. Ang masasabi ko lang ay huwag kang kampante sa mga pinsan at Uncle mo. Maari ko pang sabihing mas magtiwala ka kay Benjamin. Surely, he will protect you by his life hindi dahil siya ang nagpalaki sa iyo kundi nasa pamilya natin ang loyalty," paliwanag nito.
"Pasensiya ka na, old man. Talagang kaduda-duda na ang mundo. Ikaw ba naman ang biglang mag-anunsiyo--- Saglit lang, Grandpa. Hmmm... Si Uncle William, talaga bang nasa iyo ang mundo nito o doble kara? Bilisan mong sumagot at ako ay may pupuntahan." Nagmistula tuloy siyang sinundot sa puwet dahil hindi magkandatuto.
"Kung may pupuntahan ka ay unahin mo na iyan basta magtalaga ka ng shadows ninyo ng kaibigan mo. Don't worry si Paolo ang kausapin mo bukas. Kagaya ng Papa Ben mo iyon. Sa tanong mo ay ikaw ang bahalang tumuklas. Dahil wala akong powers sa ganyan. Sa init ng ulo mo ay kayang-kaya mo iyan alamin," tugon nito.
"Torture ang aabutin ng sinumang haharang sa landas ko. Isa lang ang batas ko, Grandpa. Ito ang batas militar. Okay, matulog ka na at mambabae muna kami ni brother Ramil. Baka sakaling makalimutan niya ang bubwit na iyon. See you tomorrow, old man," sagot niya saka nagbigay-galang bago tuluyang umalis.
Then...
"Ang taong ito ay bipolar. Kung hindi ko lang siguro alam na apo ko ay itatanong ko kung kanino nagmana. Well, he has a guts. Gusto ko ang ugali mayroon siya. Unlike those bunches of fools," bulong ng Don habang nakatanaw sa daang tinahak ng apong paiba-iba ang mood.
Natural!
Nagmana sa iyo!
BARCELONA SPAIN
"May lakad ka yata ng maaga, doktora? Aba'y hindi ka tatawag sa atin?" pukaw sa kaniya ng roommate at katrabaho niya sa pagamutan.
"Nakausap ko na sila kanina, Sis. At tama ka, may lakad ako bukas. Ang bilis ng panahon, kailangan ko na pala ang mag-renew ng papeles ko rito. Ibig sabihin ay dalawang taon na pala akong malayo sa pamilya ko," tugon niya saka umupo ng maayos at hinarap ito.
"Oo, Doctora Valleroz. Dahil kami nga ay naka-renew na. Huwag ko kaming alalahanin dahil may mga asawa kaming naiwan sa Pilipinas. Pero ikaw ba, wala ka pa bang napupusuan sa mga Espanyol?" biglang pagsingit ng kapwa nila nasa silid. Akala nga nila ay hindi nakikinig dahil abala sa cellphone.
"Tsk! Tsk! Maari bang kalimutan mo muna ang tungkol sa gagagapangin. Ah, huwag mong sabihing dalawa na ngayon nag puso mo kaya't nagaya ka na rin sa iba na iba ang kausap sa Pinas at iba rito sa ibang bansa." Pangangantiyaw pa ng isa habang nakatawa.
Tuloy!
Napahalakhak sila ng wala sa oras. Ngunit dahil sa pag-aalala na baka muki silang katukin ng keeper sa buong subdivision ay kanilang tinakpan ang mga bibig.
Kinabukasan!
"Thank you, Papa Jesus. Dahil aking nagtapos ang mga papeles ko," bulong ng dalaga habang naglalakad.
Dahil sa tuwang lumukob sa kaibutuwiran ng puso ni Haenna Mae dahil naging successful ang lakad sa araw na iyon ay hindi niya napansin ang makasalubong.
Huli na upang umatras at umiwas man lang sana!
Dahil nagkabanggaan na silamg dalawa at kapwa tumilapon! Ang masaklap ay tumilapon silang magkapatong!