"F*CK! Bakit ba ang dulas ng gag●ng iyon kay kamatayan?! Darn!" Kuyom ang kamaong ngitngit ni Joseph.
"Ang sabihin mo ay talagang dumarami na ang handang nagpakaatay alang-ala sa kaniya, pinsan. Sa palagay ko ay kailangan muna nating mag-lay low. Kumbaga let them lower their guard down," saad naman ng isa pang demonyo na si Matthew.
"Isa pa iyan sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko siyang mawala sa mundo, cousin. Dahil habang tumatagal ay mas dumarami ang alipores ng gag*ng iyon. Hindi mo ba napapansin si Uncle William? Madalas nitong ipagtanggol kina Papa at Uncle Andrew ang lintik na iyon. Ibig sabihin ay naguyo na rin," giit niya.
"Imposible iyan, cousin. Alam nating lahat kung gaano kalapit ang mga magulang natin at si Uncle William---"
"Pinsan Matt, don't get me wrong in cutting your words. Pero kung ayaw mong maniwala sa akin ngayon ay maari mong itanong iyan ng personal kay Uncle Andrew. Siya mismo ang magsasabi sa iyo ng totoo." Pamumutol ni Joseph sa pinsan.
Hindi rin naman niya ito masisisi dahil talagamg close ang kanilang magulang sa isat-isa. Ngunit nagbago ang lahat simula dumating ang pinsan daw nila kuno.
"Okay, no problem about that, pinsan. Mamaya pagdating nina Papa ay kakausapin---"
Subalit hindi na natapos ni Matthew wng sinasabi dahil biglang tumunog ang cellphone. Kaya naman ay iminuwestrang kakausapin ito.
"Yes, Papa. Napatawag ka."
'Kung magkasama kayo ni Joseph ay magmadlai kayong pumarito sa MONDRAGON EMPIRE.'
"Bakit, Papa? May problema ba?"
'Walang nakakaalam, anak. Ngunit siguradong emergency ito dahil kahit ang BOD at buong staff's ay nandito. Si Papa ang magpatawag sa meeting.'
"Okay, Papa. We are coming," tugon niya saka pinatay ang tawag.
"SA palagay ko ay kailangan mo ng kalmahin ang iyong sarili, pinsan. Pinapatawag daw ni Grandpa ang lahat. Buong angkan at staffs ng Mondragon Empire." Baling niya sa pinsang madilim ang mukha.
"Wala bang sinabi kung ano ang dahilan, pinsan?" tanong nito.
"Wala, pinsan. Ngunit delikado ito. Masama ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito. Kaya't mas mabuting nandoon tayong lahat," aniya.
"Okay. Let's go, cousin," saad nito.
Ilang sandali pa ay nasa daan na sila patungong Mondragon Empire.
SAMANTALA labis-labis ang pagtataka ni Bryce Luther dahil bukod sa pinapapunta siya sa Mondragon Empire ng abuelo ay sinabi pang isama ang matalik niyang kaibigan. Wala namang problema dahil best friend niya ito. Ngunit hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang kakaibang kaba.
"Hey, buddy. Nakakapanibago ka naman yata. Aba'y ikaw pa ba ang Bryce Luther Mondragon na kakilala ko? Hmmm, huwag mong sabihing natatakot kang maulit ang attempted riding in tandem kanina?" tanong nito.
Tuloy ay napaismid siya. Kinalabahan na nga siya ay ipinaalala pa nito ang kaganapan bago tumawag ang old man niya. Kaso napahalakhak naman ito sa inasta niya.
"C'mon, Brother. Aba'y pinatawa lang naman kita eh. Tingnan mo nga ang iyong sarili sa salamin. Kahit siguro ang pinakamagaling na pintor ay hindi kayang iguhit sa ngayon ang mukha. Kung tama ang hinala ko ay may minumura ka na naman sa iyong isipan. What is it?" Sa wakas ay sumeryoso ito.
Kaya naman ay napahinga siya ng malalim. Sa katunayan ay wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit nagpa-emergency meeting ang sira-ulo niyang abuelo. Kung hindi nga ito biglang tumawag ay baka nahuli na nilang magkaibigan ang pasimuno ng riding in tandem. Subalit sa kaisipang iyon ay hindi niya namalayang napangiti na pala siya.
Tuloy!
"Iba na talaga ito, brother. Aba'y kanina lang ay hindi maipinta ag mukha mo na tinalo pa ang naibabad sa suka. Ngayon naman ay mukhang may dumakma sa buddy-buddy mo riyan at bigla kang napangiti. Susme, baka gusto mong sa hospital kita dalhin kaysa sa Mondragon Empire?" Tinig nito ang umabala sa nagsasaya niyang isip.
"Well, sa ngayon ay nasa katinuan pa ako, Saavedra. Ngunit kung magpatuloy ka sa iyong pang-aasar ay talagang sa mental na tayo pupulutin. By the way, may plano ako upang mahawakan ko sa leeg ang mga hay*p na iyon. Sigurado nama akong dadalo rin sila sa emergency meeting. Ngunit kailangan ko ang tulong mo," paliwanag niya.
"Tsk! Tsk! Mukha kang others eh. Natural tutulungan kita. Bukod sa iisang lugar tayo pupunta ay magkasunod na ang bituka natin at magkaibigan tayo," taas-kilay nitong tugon.
Sa sinagot nito ay hindi na siya nagdalawang-isip. Kaagad niyang ipinaliwanag ang abrupt plan na nabuo. Ang luko-luko ay sumang-ayon nga ngunit kantiyaw naman ang inabot niya rito.
AFTER SOMETIMES... Samo't saring usap-usapan ang namayani sa lahat. Dahil bukod sa emergency meeting at hindi sa conference room natipon-tipon ang buong staffs ng MONDRAGON EMPIRE ay malawak na harapan ng Empire nagpagawa ng mini-stage ang head ng pamilya at CEO. Idagdag pa ang mga janitors and janitress, securities and company drivers. Sa kabuuan ay talagang kumpleto ang lahat.
'Sa tagal kong nagtatrabaho rito ay ngayon lang ito nangyari. Ano kaya ang problema?'
'Manahimik ka, sister. Dahil ibang-iba ang tension ngayon. Mukhang may kakaibang mangyayari.'
'Iyon na nga, sis. Ang katahimikan na lamang ng paligid sa kabila ng pagiging rush hour ay ibang-iba na ang hatid sa akin. Huh! Sana naman ay walang masamang mangyari.'
Mga ilan lamang sa umusbong na usapan mula sa mga taga-linis.
'PAOLO, may alam ka sa dahilan kung bakit ipinatawag tayong lahat? Diba't malapit ka sa panganay na apo ni Master Mondragon?'
'Kahit siguro pagtulungan n'yo akong gulpihin ngayon mga brothers wala kayong mapapala. Tama, malapit ako kay young master Bryce Luther pero hindi naman ibig sabihin na maging reporter ako sa kaniya na tanong nang tanong.'
'Ay hanep naman ang taong ito, oo. Nagbabakasakali lang naman aming alam mo. Tsk! Tsk!'
'Tama naman siya, bro. Nasa policy iyan ng Empire. Mahigpit na ipinagbabawal ang leaking of information. Lalo na sa ating mga securities.'
Ang hindi alam ng mga ito ay nasa likuran lamang nila ang Young Master. Ngunit dahil ayaw din ng magkaibigan na mapahiya sila lalo at halata namang nasa panig ng Mondragon Empire ang loyalty nila ay nagkunwari silang kadarating at habol-habol ang hininga.
'I want this man to be near with us in the future, brother.'
'Later, Mondragon. Kapag solve na nag kasalukuyan mong kinakaharap.'
'Tsk! Tsk! Oo na, Saavedra!'
Nasa alanganing sitwasyon ngunit nakuha pa ang mag-usap mata sa mata.
Then...
"MAGANDANG hapon sa ating lahat. Alam kong nagtataka kayo kung bakit nagpatawag ako ng emergency meeting sa buong empire at dito pa harapan. Sinadya kong dito ganapin ang pagtitipong ito dahil gusto kong masaksihan ninyong lahat."
Panimula ni Don Luther Dale Mondragon saka iginala ang paningin sa kabuuan ng nandoon. Marahil ay aalma ang mga adopted children niya ngunit itinaas niya ang kanang palad na wari'y nanunumpa kasabay ng pagpapatuloy.
"Bryce Luther Mondragon and Ramil Saavedra, lumapit kayong dalawa sa akin. Dahil ako ay mayroong iyaatang na mabigat na trabaho sa inyong mga balikat," aniyang muli.
Tuloy!
Mas umugong ang usap-usapan. Subalit kagaya sa nauna ay itinaas niya ang palad upang patahimikin ang lahat.
Regardless, lumapit ang magkaibigan.
"OLD MAN, kanina pa ako kinakabahan sa ginagawa mo ah. Militar itong apo mo kaya't maari bang direct to the point ka?" pabulong na saad ni Bryce.
"Tsk! Ang epal na ito ay walang galang. Sa harapan pa talaga ng mga tao tawaging ng ganoon si Grandpa!" Ngitngit ng magpipinsan.
Dahil umabot naman sa pandinig ng binatang mainitin ang ulo ay nag-dirty sign siya sa mga ito.
"Una, nais kong gawing opisyal ang lahat. I will appoint Ramil Saavedra as our family and company lawyer. Siya ang maging abogado ng pamilya Mondragon at Mondragon Empire sa buong Spain. Walang ibang makabali sa will na ito kahit sa mga anak at apo ko.
Pangalawa at main reason ng emergency meeting at pagtitipong ito ay nais kong ipaalam sa inyong lahat na nagbitiw na ako bilang Chief Executive Officer ng Mondragon Empire dahil nandito na ang tunay na may-ari. Ibig sabihin ay siya na ang bago ninyong boss. I am still the head of the family, but I'm stepping down from being the CEO. At ang taong tinutukoy ko ay walang iba kundi ang panganay kong apo. Walang iba kundi si Bryce Luther Hernandez Mondragon. Ang tunay na tagapagmana at may-ari ng Mondragon Empire---"
Pero!
Bago pa man matapos ng matandang Mondragon ang pananalita ay nagkarambola na ang mga adopted children at grandchildren!
Tuloy!
Hindi alam ng mga securities kung sino ang uunahing daluhan.
Ngunit hindi nagpadaig ang matandang Mondragon dahil tinapos ang panayam!
Officially, he passed down to his one and only legitimate grandson the whole Empire!