"OLD MAN of mine, don't forgive this ungrateful grabdchild of yours. But have you gone mad? Alam mo pala ang nangyayari sa iyong paligid pero nanatili kang tahimik? Ah, ngayon ay nauunawaan ko na ang laging sinasabi ni Papa Ben. Ikaw daw ang kamukha ko at kahit init ng ulo ay namana ko sa iyo! Tsk! Tsk! Alam mo bang kamuntikan kong sugurin ang mga iyon? Tsss!"
Kawalang-hiyaan man ngunit hindi iyon inalinta ni Bryce Luther. Nakaupo ang abuelo sa sofa habang hawak-hawak ang cane nito. Habang siya ay nagmistulang hindi makapanganak na pusa. Paroo't parito siya dahil siya ang nawiwindang sa pinaggagawa nito.
"Aba'y tinawag mo pang Grandpa ang abuelo mo kung ganyan din ang pananalita mo sa kaniya." Pamumuna tuloy ng hindi makapaniwalang si Benjamin sa nalaman.
Nagkaroon na siya ng hinala noon pa man tungkol sa mga tiyuhin ng anak-anakan ngunit mahirap pa ring paniwalaan.
"Let him be, Benjamin. Karapatan niya iyan. Dahil siya ang tunay na nagmamay-ari sa lahat. Kaya nga siguro ipinahintulot ng Diyos na nahintay ko ang pagbalik niya rito sa mansion. Iyan ay upang masaksihan ko ang lahat. Dahil noon ay wala pa sa mga ampon ko ang masasabi kong karapat-dapat."
"My heir, Bryce Luther Mondragon, ang sagot sa mga tanong mo ay wala silang karapatang maghabol. Bakit? May kani-kaniya silang mana mula sa akin. Ngunit ang Mondragon Empire ay pag-aari ng Papa mo. Pinagtulungan nilang pinalago ng Mama Elena mo. Ngunit nang napagkasunduan naming sa labas ka ng mansion mamumuhay at malayo sa amin ay unti-unting sumuko ang kalusugan ng iyong ina.
Kaya't kung makita mo sa sementeryo ay magkasunod ang taon ng kamatayan nila. Ako ang namamahala at head ng Empire pero may will iyan na nakapangalan sa iyo. At nararapat mailipat sa iyo pagtuntong mo sa ika-biyente singko. Ngunit inabot ng thirty years.
Marami ka pang hindi nalalaman sa ari-ariang iniwan ng mga magulang mo, my heir. At naniniwala akong magagampanan mo ng maayos ang lahat. One of these days, I will take you to Aragon. But for now, unahin mo munang linisin ang Madrid. Dahil hindi mo makuha kung ano man ang nasa Aragon at Barcelona kapag may nakaharang dito."
Boom, panis!
Ang head ng pamilya Mondragon ay napa-sona!
Tuloy ang nilalait-lait ng karamihan sa nakaraan ay talaga namang naumid ang dila habang pailing-iling.
Pero!
Habang sila ay seryosong nag-uusap ay iba naman ang magkakapatid.
"SO, ano'ng nalaman mo, William? Huwag kang magkaila dahil may nakakita sa inyong dalawa kahapon sa storage room. Huwag mong sabihing nag-tsismisan lamang kayo roon?" ani Manuel sa bunsong kapatid.
"Totoo namang nagpang-abot kami ni Bryce sa storage room nga brothers. Dahil kagaya nang sinabi ninyo ay subukan kong lapitan at korneren. Pero mukhang hindi n'yo pa nakukuha ang ugali ng kulot na iyon ah. Kung ano ang ugali ni Papa ay ganoon din iyon. So, ano'ng inaasahan ninyong dalawa na malaman ko sa taong iyon?" patanong nitong sagot.
Kaya naman ay dismayadong napasabat si Andrew.
"Ang sabihin mo ay napasunod ka na rin ng hay*p na iyon, William. Ano'ng akala mo sa amin hindi nag-iisip? Kagaya mo, ano ang dahilan ay nagtungo ka sa storage room ganoon din ang lintik na tarantado. May rason kung bakit pumunta ito sa lugar ng imbakan," nakaismid nitong saad.
"Brothers, alam kong kahit anumang sabihin ko ay wala kayong paniniwalaan. Ngunit ang masasabi ko lang ay tanggapin n'yo na ang taong iyon bilang kapamilya natin. Pare-parehas naman tayong mga Mondragon. Kahit ipa-DNA test n'yo pa ay lalabas at lalabas ang katotoohanang anak iyon ng kapatid nating matagal ng namayapa. Ayaw kong may mapahamak kahit sino sa inyo kaya't habang maaga pa ay gawin ninyo ang nararapat," paliwanag ni William.
Subalit ismid lamang ang napala sa mga kapatid.
"Bakit, William? Ilang euros ba ang ipinangako ng animal na iyon sa iyo upang manahimik? Tanggapin bilang kapamilya? Hah! In his dreams! Ano iyon basta na lamang sumulpot at aangkining panganay na apo ni Papa? Never! Hinding-hindi ko matatanggap ang tulad gag*ng iyon bilang bahagi ng Mondragon! No way!" Mariin at kulang na lamang mapisa ang palad ni Andrew dahil sa higpit nang pagkakuyom nito.
"Kako bahala na kayong mag-isip laban sa akin. Basta alam kong wala akong inaapakang tao o kahit sino sa inyong pamilya ko. Payong kapatid dahil magkakapatid naman talaga tayo. Don't underestimate that person. Dahil kayang gawin ang hindi kaya ng isang libong sundalo. Huwag kayong mag-alala dahil neutral person ako. Walang malalaman ang bawat panig sa sinasabi ninyo. Okay, maiiwan ko na muna kayo rito at may gagawin pa ako."
Hindi na niya hinintay na may makasagot sa mga kapatid. Wala naman siyang take home work. Ngunit ayaw niyang makipag-away sa mga kapatid. Totoo lahat ang sinabi niyang nasa gitna siya. Dahil may nalaman siya sa storage room ngunit nanatili siyang tahimik. Kontento na siya sa pamana ng ama sa kaniya. At isa pa ay sumasahod naman siya ng maayos sa Mondragon Empire.
BARCELONA SPAIN
"HEY, girl. Aba'y ilang buwan na tayong magkakasama rito sa apartment ngunit kahit day off natin ay hindi ka lumalabas. Sunday na naman bukas baka naman maaring gumala ka rin." Pamumuna ng isa sa kasamahan ni Haenna Mae sa kaniya o si Christine.
Masuwerete siya dahil sa isang bungalow na apartment ay apat silang magkakasama ngunit tig-isang silid naman. Actually, sa village na kinaroroonan nila ay accommodation para sa workers ng hospital kung saan sila nagtatrabaho o ang Sant Joan de Déu Barcelona Hospital.
"Kaya nga naman, Sister. Aba'y ikaw ang doktora sa atin dito pero ikaw pa yata amg walang balak magpahinga. Nurses kami at pabago-bago ang schedules kaya nga sinusulit namin ang day off. Kaya't pumayag ka na, Doctora Valleroz." Panghihikayat pa ng isa o si Anna May.
Kaya naman ay inunahan na niya ang isa pang nurse. Dahil sa hitsura nito ay halatang may sasabihin din. At isa pa ay plano naman talaga niyang lalabas.
"Huwag mong sabihing may plataporma ka rin, Amber? Aba'y talagang hindi ako sasama sa inyo bukas kung may ihinanda ka rin panghikayat?" Nakatawa niyang baling dito.
Kaso sa tinuran niyang iyon ay dinaig pa ng tatlo ang mga pasyente nilang umaatungal sa tuwing may SUCTIONING or the act or process of removing secretions or fluids from hollow or tubular organs or cavities by means of a tube and a device (as a suction pump) that operates on negative pressure. Kahit ang may dialysis sa private room ay maingay.
"Nilunok ko na, Doctora Valleroz. Basta walang bawian sa pagpayag. Magsisimba lang naman tayo sa Basílica Temple Expiatori de la Sagrada Família. At magdasal na may makasalubong tayong Espanyol na maaring gapangin," nakatawa nitong wika ngunit agad-agad ding tinakpan ang bibig marahil ay napagtanto ang binitiwang salita.
Tuloy!
Nakalimutan nilang magkakalapit din ang apartments sa subdivisions iyon. Halos mamatay-matay silang lahat dahil sa pagtawa.
Kaso!
"¡Chicos, ¿qué estáis haciendo?" ¿Te olvidaste de la hora?("You, guys, what you are doing? Did you forget about the time?") tanong ng land lady sa kanila. Kinatok nga lang ang apartment nila dahil sa kanilang ingay.
Kaya naman ay dali-dali silang humingi ng paumanhin. Subalit nagpatuloy naman sila sa kuwentuhan iyon nga lang ay parang mga magnanakaw na pabulong.
"ARAW-ARAW naman tayong nagkikita ngunit mukhang miss na miss mo ako, Mondragon? Aba'y baka naman may nakasunod na naman sa iyo rito." Salubong ni Ramil sa kaibigang halata namang tinakasan ka naman ang mga bodyguards.
"Tsk! Tsk! Hindi mo pa alo pinapaupo, Saavedra. Kahit nga tubig ay halata namang wala kang balak bigyan ako eh," ismid nito.
"Heh! Huwag kang mag-inarte. Please yourself, Your Royal Highness." Pang-aasar nito.
"Well, well... Mas mabuti na ang nagkakaunawaan, brother. Dahil---"
Pero!
Bago pa matapos ni Bryce Luther ang sinabi ay hinila na siya ng matalik na kaibigan papasok sa sariling apartment upang magtago.
"Huwag ka na munang magtanong, best friend. Mamaya na---"
Subalit kapwa sila nagputulan ng pananalita dahil kitang-kita nila ang baril na nakaumang sa kinaroroonan nila.