"TALAGA bang ayaw ninyo akong tantanan? Kasalanan ko ba kung isa akong Mondragon? Sagot!" sigaw ni Bryce habang bitbit niyang parang hanger ang dalawang pinsan.
"Bitawan mo kaming magpinsan, hay*p ka! Wala kaming kamag-ank na bayolente. At isa pa, ikaw lang ba ang tao rito?" Pagwawala ni Joseph. Ngunit imbes na pakinggan iyon ng binatang galit na galit ay hindi.
"Hey, cousin. What are you doing?" Bakas sa boses ang pagkataranta ni Matthew.
Aba'y sino ang hindi matataranta kung binitbit ka na ngang parang hanger ay dinala ka pa sa compartment ng sasakyan!
Adiós!
"Wala akong mga kamag-anak na tulad ninyo! Kung ayaw n'yong dalawa sa akin ay mas lalo na ako. Masaya ang buhay ko sa piling ng Papa Benjamin ko ngunit basta sumulpot ang aking abuelo at sinabing ako ang panganay niyang apo. Ngayon, simula pa sa unang araw ng pagtapak ko sa mansion ay puro kamalasan na ang naranasan ko. Kaya't huwag na huwag nyo akong matawag-tawag na pinsan. Dahil wala akong kamag-anak na mamatay-tao!" sigaw niya.
Dahil na rin sa galit ay hindi na niya naramdaman ang bigat ng dalawa at mas lalo na kung paano niya itinali ang mga ito sa likuran.
"Ngayon ay dalhin ko kayo sa presinto mga hay*p!" Ngitngit niya na hindi mawari kung kausap ang sarili o ang mga bihag.
Pero sa kaniyang isipan ay sa mansion ng abuelo. Siguradong may malalaman siya kapag doon niya dalhin.
MONDRAGON MANSION
"Tigilan n'yo na kung ano man ang binabalak ninyo sa taong iyon, Ford. Tanggapin na nating may iniwang tagapagmana sina Kuya Gonzalo at Elena. Ibig sabihin ay si Bryce nga ang panganay na apo ni Papa," pahayag ni William o ang bunsong anak ng matandang Mondragon.
"Kung wala ka lamg ding alam gawin kundi ang pumagitna sa aming plano ay manahimik ka, William!" sigaw tuloy ni Andrew o ang ama ni Matthew.
"Kuya, sinasabi ko ito sa inyo ni Kuya Manuel dahil kapwa kayo mahalaga sa akin. Don't let that child push you to the corner. Nakita n'yo naman kahit si Papa ay walang magawa kapag iyon ang nagsalita. Ngunit kung ayaw n'yong masabihan ay huwag ako ang sisihin ninyo kapag iyon ang bubuwelta," giit ni William.
Wala naman siyang kinakampihan sa mga kapatid at pamangkin. Dahil lahat sila ay nanggaling sa pamosong pamilya o ang Mondragon. Ngunit mas ayaw at hindi siya pabor a pamilya mismo ang nag-aaway-away dahil sa kayamanan.
Kaso!
Iniisip pa lamang niya ay nangyari na!
"Senyor Andrew! Senyor Manuel!" Habol-habol ang hiningang lumapit ng isang unipormadong guwardiya.
"Sh*t up! Maari bang ayusin mo muna ang iyong sarili bago ka lumapit sa amin? Nasaan ba ang sunog at dinaig mo ang mga bumbero? Ah, nakalimutan mo na bang ang lugar kung nasaan ka?" sigaw ng unang tinawag.
"Oo nga naman, Osman. Bakit ka ba sumisigaw? At isa pa, bakit ba habol-habol mo ang iyong hininga?" May inis mang nadarama si William dahil sa pagkagulat ngunit mas pinili niya ang maging mahinahon.
"Saka n'yo na lang ako parusahan sa aking kapangahasan, Master William. Ngunit sa ngayon ay kailangan n'yo munang sumunod sa akin sa main gain. At kayo na rin ang bahalang humusga," tugon nito sa kabila nang paghabol sa hininga.
Ngunit ang dalawa o sina Andrew at Manuel ay hindi na hinintay na matapos ang pahayag ng kaawa-awang guwardiya. Kaya't ang bunso na lamang din ang sumagot.
"Okay, I got it. Halika na at ating alamin ang sinasabi mo," saad na lamang din ng bunso.
Then...
"WHAT'S the meaning of this, Bryce Luther? Bakit nakatali sa likuran ng iyong sasakyan ang mga pinsan mo?" malakas na tanong ni Senyor Andrew.
"Pinsan? Kailan n'yo pa ako tinanggap na kamag-anak, Mr Mondragon? Ah, mga pinsan ko sila ngayon dahil nabaliktad ang sitwasyon ganoon ba? You must be dreaming!" Mula sa mapang-uyam na salita ay naging mabalasik ang boses ng binata.
"Don't be so ungrateful, you fool---"
Pero ang pananalita iyong ni Senyor Manuel ay pinutol niya. Mula sa pagkaupo sa mismong ibabaw ng sasakyan ay patalon siyang bumaba at walang babalang hinablot ang kuwelyo ng tiyuhin umano.
"Tawagin mo na ako sa lahat ng gusto mo, Mr Mondragon! Ngunit para sa ikakaalam mo ay wala akong pakialam. Kaya siguro lumaki amg ulo ng mga iyan dahil sa pangungunsenti ninyo! Imbes na alamin ninyo kung bakit nakatali silang MAGPINSAN sa likuran ng aking sasakyan ay pagsabihan pa ako ng kung ano-ano!" malakas niyang sabi.
"Papa! Wala kaming kaalam-alam sa ibinibentang ng hay*p na iyan---"
Ngunit hindi nito natapos ang sinasabi dahil sa isang iglap ay nasipa niya ito. Wala siyang pakialam kung nadamay pa ang isang hinayupak.
"Kapag sinabi kong huwag mo akong baliktarin ay manahimik kang gago ka! Ibinebentang? Hah! Kapah magsimula kayong MAGPINSAN ng isang plano ay siguraduhin ninyong pulido. Lalong-lalo na kung ako ang kalabanin ninyo!" Isang salita sipa at suntok katapat.
"Ano ba?! Mapapatay mo sila kapag---"
"And so what if they will die in my hands, SENYOR MONDRAGON? Kaysa naman ako ang mamatay sa kanilang palad ay mas mabuting uunahan ko na sila. Ah, baka iniisip n'yo na namang sinisiraan ko sila. Drop those thoughts. Dahil may hawak akong ebidensiya laban sa mga ulupong na iyan!" muli niyang sigaw saka itinulak ang mga ito.
Who cares, by the way!
"At kayong dalawa, hindi lang iyan ang aabutin ninyo oras na ulitin n'yo ang inyong kagaguhan. Don't take my words for granted. Dahil kahit likod ko ay may mga bata!" Kasabay ng kaniyang pagbitaw sa mga salitang iyon pinadaan niya ang sunod-sunod na bala sa tabi mismo ng mga taenga at saka isinunod ang kadenang nakatali sa mga ito.
Tuloy!
Pabagsak din silang naupo. Ngunit hindi na niya pinagtuunan ng pansin bagskus ay pinasibad niya ang sasakyan na wari'y nasa high way samantalang nasa main gate sila ng mansion. Hindi na nga niya nakita at nasaksihan ang sumunod na hakbang ng mag-aama.
'This young man is really quite interesting. Walang takot kahit sa mga elders niya. Well, I love the way he handles his life,' ani William sa sarili habang pinapanood ang mga kapatid na nag-unahang umalalay sa mga pamangkin.
"ANO sa palagay mo, Master Dale? I mean, that you Master whom I raised," ani Benjamin sa matandang Mondragon.
Actually, nasaksihan nila ang kaganapan sa harapan ng main gate. Ngunit dahil sa nakikitang tuwa sa mukha ng matanda at pagpigil sa kaniya upang awatin sana ang anak na mukhang sinaniban na naman ng init sa ulo ay hinayaan na lamang niya.
"He can manage them all, Benjamin. Wala sa kalingkingan niya kahit sino sa mga tiyuhin at pinsan. Kaya't ang next step mo ngayon ay himukin siyang mag-aral tungkol sa negosyo. Dahil lawyer at militar na siya. Kaya't nararapat lamang na pag-aralan niya ang negosyo," paliwanag nitong nakatingin sa daang tinahak ng panganay na apo.
"Master Dale, maaring magtanong? Pero okay lang din kung hindi mo sagutin. Just consider it as my imprudence," muli niyang sabi. Dahil ayaw din naman niya itong ma-offend.
Kaso!
"Itatanong mo ba kung bakit gusto ko siyang pag-aralin tungkol sa negosyo? Alam kong may hinala ka, Benjamin. Ngunit hindi pa sa ngayon ang tamang panahon. Marami pa siyang pagdadaanan ngunit gusto kong aiya mismo ang magtatag sa sarili niyang pundasyon sa ating pamilya. He needs to win over those who deserve his respect and disregard the trash."
Iniisip pa lamang niya ay nasabi na nito. Kaya naman ay mas labis siyang humanga sa katapatan nito sa kabila ng tatlong dekada niyang pagkalayo sa mga ito bilang right hand man.
"Okay, Master Dale. Igagalang ko ang desisyon mo at aking babantayan ang dragon na iyon," aniya ngunit lihim na napatawa sa bandang hulian. Dahil aminin man niya o hindi ay malayo na ang narating nito kahit lumaki sa piling niya at salat sa lahat ng yamang materyal.
SA KABILANG panig ng mundo.
"Ilang araw na lang ay flight mo na papuntang Madrid, Ate. Wala ka bang gagawin sa mga tsismosang kapitbahay natin?" tanong ni Precious sa panganay na kapatid.
"Bunso, kayang-kaya mo na silang lahat. Kita mo namang napapunta mo si Kapitan Rivas sa baryo natin. At isa pa, ano ba ang mapapala ko sa mga iyan? Isipin mo na lang, bunso. Kapag pinatulan ko sila ay parang sinabi ko na ring ka-level ko ang tulad nilang wala ng magawa kundi ang manira ng kapwa," paliwanag nito.
Subalit dahil talagang umuusok sng bumbunan niya hanggang sa araw na iyon ay napa-cross arm siya.
"Saan ka ba ipinaglihi ni Mama, Ate? Bakit ba ang haba-haba ng pasensiya mo? Hah! Kung ako ang makaharap muli ng mga iyan ay hindi lang si Kapitan ang haharap sa kanila. Lintik ang mga iyan. Imbes na maghanap-buhay para sa kani-kanilang buhay ay--- Mga hay*p!" Nanggigil siyang tumayo mula sa pagkaupo.
Samantalang sa tinuran ng bunso niyang kapatid ay napahagikgik si Haenna Mae. Kaso dahil hindi nakaligtas sa kaniya ang pagtaas ng kilay ng kaharap ay pinagpagpag niya ang katabing upuan.
"Bunso, malalaman mo ang sagot sa tanong mo oras na ikaw na mismo makaranas ng injustice. Oo, injustice ang ginamit kong salita. Dahil kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko lubos maisip na mangyari ito o masama na pala ang tumulong. Ngunit ang tangi kong hiling sa iyo ay mag-aral kang mabuti, ipaglaban mo ang alam mong tama na wala kang inaapakang tao. Tumulong na walang hinihintay na kapalit. Magpakatotoo sa sarili. Oras na magawa mo iyan ay masasabi mong isa kang successful person."
Mahaba-haba niyang paliwanag. Second choice lang naman niya ang pangingibang-bansa. Lahay ng ipinaalam sa magulang ay pawang katotohanan. Subalit ang mag mas higit na nagbigay sa kaniya ng puwersa upang lisanin ang nakalakhang probinsiya at bayang sinilangan ay ang sarili niyang karanasan o injustices.
Kaso!
"Si Ate talaga. Aba'y hindi ka pa naman namaamaalam sa pagkakaalam ko ah. May balak ka bang lumaban sa pulitika?" Hindi mawari kung nang-aasar ba o ano ang kapatid na lalaki dahil bukod sa basta na lamang itong sumulpot ay nakasandal pa ito sa pintuan habang naka-crossed arms!
Tuloy!
Bago pa ito nakaiwas ay binato na ni Precious ng naabot na kuwaderno sa lamesang katabi.
Pero!
"Aling Maria! Mang Jacob! Nandiyan ba si Doktora? May nangangailangan sa kaniya sa barangay clinic!" sigaw ng nasa labas ng kanilang tarangkahan.
"Rico, puntahan mo nga muna at alamin kung ano ang problema." Baling niya rito.
"Ako na lang, Ate. Ang motorcycle ang ipahanda mo at magamit ninyo papunta sa barangay clinic," maagap na sabad ni Precious.
Kaya naman ay wala na silang sinayang na pagkakataon. Kumilos sila ng naaayon
Ngunit!
Nang nakarating sila sa barangay clinic ay nais naman nilang umatras dahil sa nadatnan o ang tinutukoy ng tumawag sa doctorang si Maymay.