"KAILANGAN mo ba talagang umalis, anak? Malinis na ang pangalan mo. Ang hospital na rin ang nagsabing maari ka ng pumasok muli sa trabaho. Ngunit bakit aalis ka?" Sa unang pagkakataon ay malungkot na kaharap ni Aling Maria ang panganay na anak.
"Oo nga naman, anak. Tama ang Mama mo. Nasa iyo na nga rin ang desisyon kung kailan lalabas ang nga nagsumbong sa iyo. Ano na ba iyong term na ginamit ni bunso--- Ah, admission of guilt pala. Kung aalis ka ay parang inamin mo na ring mali ka sa pagtulong sa manugang ni Mang Pedring." Pagsang-ayon pa ni Mang Jacob.
Ngunit buo na ang pasya ni Haenna Mae. Tinanggap na nga niya ang offer ng Barcelona Spain na doctor's posisyon. Half million ang magagasto niya ngunit kung makapunta siya ay madali rin niyang mabawi. Iyon nga lang ay walang kaalam-alam ang pamilya niya na kumapit siya sa bangko.
"Mama, Papa. Alam ko po na nag-aalala pa rin kayo dahil sa nangyari. Ngunit sa katunayan po ay bago pa iyon naganap ay may offer na sa pinagta-tranahuan ng kaibigan ko sa Spain. At isa pa ay ang trabaho ko roon ay kagaya rin dito. Ibig sabihin ay hindi ako magkakatulong. Maaring hindi po tayo naghihirap dito sa probinsiya ngunit gusto ko rin po kayong bigyan ng mas magandang buhay. Ang mapag-aral ang dalawa kong kapatid na walang inaalala," paliwanag niya.
"Kung hindi na magbabago ang iyong isipan ay sige, anak. May blessing ka mula sa amin ng Papa mo. Ngunit kung tungkol sa pera ay ipunin mo. Dahil hindi habang-buhay ay malakas ka at makapagtrabaho. Sa pag-aaral ng mga kapatid mo ay obligasyon namin iyan bilang magulang ninyo," pagsukong tugon ni Aling Maria.
"Maraming salamat po, Mama, Papa." Dahil sa narinig ay labis-labis ang tuwang lumukob sa kaibutuwiran ng puso ni Haenna Mae.
SAMANTALA umuusok ang ilong ni Precious dahil ilang araw na ang nakalipas simula nalinis ang pangalan ng kapatid na talaga namang malinis. Ngunit dahil sa mga walang magawa sa buhay ay usap-usapan na ito.
'Siya ba iyong kapatid ni MayMay na inaresto nila kamakailan dahil sa pagpaanak sa manugang ni Mang Pedring?'
'Siya nga at wala ng iba! Susme! Nagmamagaling ba naman. Aba'y matagal na nilang sinasabing para sa kaligtasan din ng manganganak an magtungong hospital eh!'
'Kayong dalawa, maari bang dahan-dahan lang sa pananalita? Aba'y balita ko ay nanakal iyan. Kung ayaw ninyong masakal ay magtsismis kayo ng sarilinan. Huwag iyong careless whispers.' Panana naman ng isa subalit humagikhik naman.
Tuloy!
Ang hagikhik nito ay nauwi sa malakas na pagtawa.
Kaso!
"KAYONG lahat na walang magawa sa buhay ay maari bang magsitahimik at magtigil na sa kaka-tsismis ninyo? Ano ba ang ipinagpuputok ng kukute ninyo? Ah, alam ko na. Inggit na inggit kayo dahil walang propesyonal sa inyong mga anak!" baling at sigaw ni Precious sa umpukan ng nga nagma-MARITES.
Kabilin-bilinan pa naman ng mga magulang niyang huwag patulan ang mga ito. Subalit tao lang siyang may damdaming mainis. Mas maiksi ang pasensiya niya kaysa mga kapatid.
"Hah! Ang sabihin mo ay totoong nagmamagaling ang kapatid mo, Precious! Aba'y hindi lang naman siya ang doktora dito sa lugar natin ah. May ilang pagamutan nga rito bukod sa Provincial Hospital. Subalit ano ang ginawa ng Ate MayMay mo? Hah! Pinirahan lang ang manugang ni Mang Pedring!"
"Tama nga naman si Lucia, Hija. Aba'y kabata-bata mong tao ngunit palasagot ka naman!"
"Huwag n'yo ng patulan ang walang modong iyan, Lucia at Tina. Hindi n'yo iyan matatalo sa dahilan. Nagsasayang lang kayo ng oras."
Mga ilan lamang sa salitang muling nanulas sa labi ng mga tsismosa. Subalit dahil nasimulan niya ay talagang sumagad ang galit na lumukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso.
"Recorded ang lahat ng usapan ninyo mga AUNTIE! Sige! Total ayaw n'yong masabihan na tumigil ay magkita-kita tayo ngayon din sa barangay hall kay Kapitan. Ngunit kung ayaw ninyo at deretso na tayo sa munisipyo baka sakaling matigil ang mga bunganga ninyo!" ganting-sigaw ng dalagita saka nag-walked out.
Dinig na dinig niya ang pag-alma ng mga ito dahil sa sinabi niyang sa barangay o munisipyo magkita-kita. Ngunit wala siyang pakialam. Dahil siya ang ginalit samantalang walang kasalanan ang Ate MayMay niya.
'Mga buwesit kayong matatanda! Mabuti sana kung nga teenagers kayo at hamunin ko kayo ng suntukan mga hayop!' Ngitngit niya habang papalayo sa kinaroroonan ng mahilig mag-tsismis.
Kaso!
Dahil sa galit niya ay hindi na niya napansin ang makasalubong. Huli na upang umiwas. Kapwa na sila tumilapon ng mapagtantong ang isa pa sa kinainisan niya ang nakabanggaan!
'Lampa naman ng lintik na ito! Diyan ka na nga!' Lihim siyang nagngitngit.
Sa katunayan ay hindi niya inalam kung ano ang kalagayan ng nakabanggaan!
MADRID SPAIN
"Humabol kayo hanggat gusto ninyong mga hayop!" ismid ni Bryce Luther.
Sigurado naman siya kung sino ang buntot nang buntot sa kaniya. Ngunit gusto niyang makakuha ng pulidong ebidensiya bago ilabas kung sino-sino sila.
'Lawyer at military graduate ka ring tulad ko, brother. Kaya't alam mo na ang iyong gagawin. Ebidensiya na magdidiin sa kanila ang kailangan mo. Kung gusto mong bigyan sila ng leksyon panghabang-buhay ay gawin mo iyan o ebidensiya,' sabi pa nga ng kaibigan niya.
"Walang-hiya ang mga ito ah. Huh! Ako ba ang tinatakot ninyo? Habol!" Ngitngit niya habang napahampas manibela.
Ngunit ng nakasilip siya ng pag-asa nang napansin ang nga drum na punong-puno pa rin ng tubig.
'Wala kayong karapatang saktan ako. Gaguhan ba? I will be your greatest threats!' Kuyom ang kamaong nagtago. Ipinain niya ang sasakyan.
"Hanapin ninyo---"
"Well, well... Mukhang wala ng ibang matakbuhan ang loko. Tingnan natin ngayon ang tapang mo," ani Joseph.
"Brother, napaka-reckless ang hakbang na ito. Alam mo namang pet iyon ni Grandpa." Pagsalungat ni Matthew.
"Pinsan, huwag ka ngang duwag. Aba'y kung natatakot ka ay disin sana ay hindi ka na sumama," giit pa ng una.
"Hindi naman sa ganoon, pinsan. Let's say, let the money works. Aba'y huwag mong mansahan ang iyong palad. Kapag iba ang gagawa ay maari mo pang talikuran. Kagaya ganitong nangyari ngayon," sambit pa ni Matthew.
Pero!
Ang hindi nila alam ay huli na para sa bagay na iyon!
Dahil napalingon silang nandoon nang nay humablot sa kanilang parehas!