"ANO'NG ibig sabihin nito, Jasmine?" maang at hindi makapaniwalang tanong ni Bryce Luther sa kasintahan
Sa katunayan ay araw ng kanilang engagement party. Kaya't hinimok siya ng ama na kahit engagement party iyon ay paghandaan nila ng husto. Ayaw nga sana niya ang bongga dahil mas gusto niyang sa kasal na lang maging marangya ng husto.
Kaso!
"Tsk! Tsk! Look around, Abraham. Kami ni Jasmine ang nababagay hindi ang tulad mong pulubi." Tinig ng mapang-insulto ang lumapit sa kinaroroonan nila.
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya't huwag kang sumabad!" singhal niya rito.
"Ga*o! Kako kami ng honey-pie ko magkakaroon ng party hindi ang tulad mong basura!" malakas din nitong tugon.
Tuloy!
Tuluyan niya itong hinarap at kinuwelyo!
"Kapag sinabi kong manahimik ka at huwag sabad nang sabad ay sundin mo! Paanong kayo ang magkaroon ng party samantalang kami ang magkasintahan---"
Pero!
Sa unang pagkakataon ay dumapo ang palad ng babaeng pinag-alayan ng tunay na damdamin.
"HINDI mo pa rin ba nakukuha ang ibig sabihin ni Zandro? Akala ko ba ay matalino ka? HINDI kita mahal, Bryce Luther Abraham! Kaya't walang engagement party na magaganap sa ating pagitan. Tama si Jayson kaming dalawa ang nababagay dahil kapwa kami nanggaling sa high class society hindi ang tulad mong kahit ang pinanghanda mo ngayon ay inutang pa ninyong mag-ama sa bangko!" sigaw ng dalagang si Jasmine.
Bilang ama ay masakit para kay Benjamin na makitang iniinsulto ang kaniyang anak. Maaring lumaki itong sanay sa kahit anong trabaho dahil talaga namang mahirap siyang tao. Ngunit ang apak-apakan nila ang pagkatao nito ay hindi niya iyon mapapayagan.
"Sigurado ka ba sa desisyon mong iyan, Hija? Are you sure that you will break off your engagement to my son?" Hindi na rin niya napigilan ang sariling sumabad. Walang magulang na kakayaning alipustahin ang anak lalong-lalo na harap ng maraming tao.
"At kung sabihin kong oo, may magagawa ka ba tanda?! Tsk! Tsk! Mga hampas-lupa! Ang mga tulad ninyong mag-ama ay nababagay sa kalsada hindi rito! Layas! Lumayas kayong mag-ama rito!" Pagtataboy pa ng dalagang si Jasmine sa mag-amang Bryce Luther Abraham at Benjamin Abraham.
"Well, tinanong ko na kayo kung sigurado kayo sa inyong desisyon. Kayat walang sisihan sa maging outcome ng mga kilos ninyo---"
"Papa, ano'ng ibig mong sabihin? Bakit mo hawak-hawak ang kuwentas kong iyan? Huwag mong sabihing iyan ang sandata mo?" Maang na pamumutol ni BL sa ama.
"Thirty years old ka na ngayong taon at ganoon ka na rin katagal na inaalipusta ng mga tao. Ngunit dahil sa mahigpit na habilin ng mga magulang mo ay hinayaan kitang mamuhay na salat sa yamang materyal. Dahil sa kagustuhan nilang malayo ka sa panganib. Hinayaan kitang inisip mong ako ang tunay mong ama dahil na rin sa kanila---"
"Papa, what are you talking about? My God! Ilang pasabog ba ang malalaman ko sa araw na ito---"
Subalit kung pinutol ni Bryce Luther ang pananalita ng ama ay ganoon din ang mag-inang Crystal at Jasmine.
"Shame on you, Abraham! Ano'ng akala mo sa anak namin, papakasalan ka? Hah! Ikaw ang lalaki kaya't ikaw ang dapat bumuhay sa kaniya. Ngunit paano mangyayari iyon samantalang isa kang pulubi? Ah, may plano kang maging palamunin sa amin, ano?! Lumayas ka! Hindi ka kailangan ng anak ko! Ah, isama mo na ang ama mong sinaniban na yata ng masamang ispirito dahil kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig!" Pagtataboy pa ng Ginang o ang ina ni Jasmine bagay na sinundan pa nito.
"Tama, nagtapos ka bilang isang abogado, ngunit nakapagtapos ka ba kung hindi dahil sa scholarship ng university kung saan tayo nagtapos? Ah, kung hindi sa kaibigan mong mayaman, may ikinabuhay ka ba sa loob ng ilang taon natin sa law school?
Okay, let's set those things aside, hanggang saan hahantong ang tulad mong lowly lawyer kumpara sa mahal kong si Zandro na assistant manager ng Mondragon Empire. Kaya't tama nga si Mama, wala kang karapatang makipagpilitan sa amin dito. Ang mabuti pa ay lumayas kayong mag-ama!"
Mapang-insulto, mapang-uyam at puno ng pandidiri ang tinig ni Jasmine. Kaya naman ay muli itong hinarap ni Bryce Luther upang bigyan sana ng leksyon dahil sa pang-iinsulto sa kanilang mag-ama. Dibale na lang sana kung siya lamang ngunit idinamay pa ang ama niyang wala ng ginawa kundi ang turuan siya ng kagandahang asal. Kahit pa minsan ay alam niyang nahihirapan din ito. Subalit bago pa niya maibuka ang labi upang depensahan sana ito ngunit naunahan naman siya ng lalaking nasa talampakan yata ang utak.
"Abraham, maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanan. Hindi kayo maaring magpakasal ni Jasmine. Alalahanin mong kailanman ay hindi puwedeng mag-partner ang babasaging pinggan at platong gawa sa bao ng niyog na kasalukuyan ninyong ginagamit na mag-ama!"
Sinadya na ngang lakasan ang boses upang marinig ng mga inimbitahang bisita ay tumawa pa ito ng mala-halimaw na pagtawa. Kulang na lamang ay makita ang ngala-ngala dahil sa paraan ng pagtawa nito.
Pero!
Muling napabaling ang paningin ng lahat sa kinilala nilang ama ng binatang si Bryce Luther.
"Makinig kayong lahat na nandito! Nakikita ba ninyo ang seal na ito? Alam kong nakikilala n'yo lalo na sa inyong mga nasa business world! Natatandaan n'yo pa ba ang mag-asawang Elena Fernandez at Gonzalo Mondragon? How about their child who vanished in a thin air for thirty years? How about their right-hand man? The man who can fight very well both combats and any kinds of armour---"
"D@mm you! Pinatawad ko kayong lahat sa bawat pang-aalipusta ninyo sa young master ko dahil kailangan kong ipakitang masama siyang tao! Hinayaan kong ipahiya n'yo siya. Dahil gusto ng mga magulang niyang maging matatag siyang tao! Makamit ang pangarap niya sa sariling sikap! Sige, subukan mong padapuin pa ang palad mo sa kaniya o kahit sino sa amin at ipaderetso ko kayong lahat sa Madrid Court!"
Naudlot man ang pahayag ni Benjamin Abraham tungkol sa pamilya Mondragon ngunit nadepensahan naman niya ang mayabang na lalaki na isa raw umanong assistant manager ng Mondragon Empire.
Dahil dito ay umugong ang usap-usapan sa mga nandoon o ang mga nagsidalo sa engagement party sana nina Jasmine at Bryce Luther.
"Kasabay nang pagkawala ni Young Master Bryce Luther Mondragon ay gaoon din si Benjamin Abraham o ako! Dahil pinalabas nilang kinidnap at itinakas ko ang sanggol upang protektahan ito! Tama! Ako at wala ng iba ang long lost right-hand man ng mag-asawang Elena at Gonzalo at ang taong kulang na lamang ay duraan ninyo ay ang panganay na apo ng CEO at may-ari ng MONDRAGON EMPIRE sa buong European Country!"
"Young Master, please forgive this unworthy servant of yours. I let them insult you for being a poor guy since you were a little kid. Muli mo nang isuot ang pagkakilanlan ng mga magulang mo sa iyo o ang susi sa pagbabalik mo sa Mondragon Empire."
Hawak-hawak ang kuwentas na may pendant na susi ay lumapit at bumaling si Benjamin sa anak-anakan.
Kaso!
Ang hindi napaghandaan ng Ginoo ay tinadyakan siya ng walang galang na lalaki saka hinablot ang kuwentas.
"TSK! TSK! Ang sabihin ninyong mag-ama ay magnanakaw kayong dalawa! Sa ilang anak ng Boss namin sa MONDRAGON EMPIRE ay mayroon ding mga apo. At magkakamukha pa sila, unlike this trash, who is claiming to be one of them? Mga ambisyosa talaga kayo!" sigaw pa nito saka dinuraan ang Ginoong tinadyakan.
Subalit kay Bryce Luther ito tumama dahil nang nahalatang dudura na ang walang-hiyang lalaki ay isinangga ang sarili.
"Mag-ama nga kayong dalawa! Imagine that? Sinalo mo ang dura ko---"
"Ibalik mo sa akin ang kuwentas ko o mamaalam ka ngayon din dito sa mundo? Bastusin mo na ang lahat huwag lang ang ama ko kako sa iyo---"
Subalit muli silang nagputulan ng pananalita.
"At kung sabihin kong ayaw kong ibalik sa iyo ang ninakaw ninyong mag-ama, may magagawa ka bang hampas-lupa ka? Ang nababagay sa kuwentas na ito ay ibalik sa tunay na may-ari. I'll return it to my boss tomorrow!" anito saka akmang ibubulsa.
Kaso!
Nagulantang silang lahat!
Dahil sa sunod-sunod na putok ng baril!
Hindi lang iyon!
May mga kalalakihang basta naghanay ng dalawa at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata dahil sa taong hindi nila inaasahang makita sa oras na iyon!