"WHO dares to bully and lay a finger to my grandson?!"
Kulang ang malakas upang ilarawan ang boses ng matandang Mondragon. Nasa engagement party sila. Para sana sa panganay niyang apo. Subalit mukhang patuloy ang pang-aalipusta ng mga taong feeling mayaman dito.
"Mr Mondragon, ano ang ginagawa mo rito? But since that you are here, let me report you something. That man is claiming that Bryce Luther Abraham is your grandson," pahayag ng basta na lamang lumapit na si Zandro habang nakaturo ang palad kay Benjamin Abraham.
"Bakit, kailangan ko pa bang ipaalam sa iyo kung saan ako pupunta? Ang tanong, is he claiming or telling you the truth?"
Taas-kilay itong nilampasan ng Ginoo. Ngunit sa isipan ay kaunting-kaunti na lamang at mapatay na ang lalaking ambisyoso. Dumiretso siya sa kinaroroonan ng apong namuhay sa labas ng mansion sa loob ng tatlong dekada. Patawarin siya ng anak at manugang kung bakit ito nasa labas ng ganoon ng katagal.
"My dearest grandchild, okay ka lang ba? C'mon, let's go back home to the place where you really belong. Never let your guard down. Maaring dito ka sa labas lumaki at nagkaisip ngunit tandaan mong ikaw ang panganay kong apo. Isa kang Mondragon." Inilahad niya ang mga braso sa apong halatang naguguluhan patunay lamang na umiling-iling ito.
Kaya naman ay sinamantala ni Benjamin ang sumabad.
"It's been a while, Master Mondragon. Kumusta ka na? Now that your grandson is back, shall we---"
Kaso ang pananalitang iyon ng Ginoo o ang nakalakhang ama ni BL ay dali-daling lumapit ang mag-inang Crystal at Jasmine.
"T-totoo ba ang sinabi ng hampas-lupang iyan, Mr Mondragon? Ang hay*p na ito ay isa sa mga apo mo? Ah, Senyor Mondragon, heto na ang ninakaw ng dalawang iyan na family seal ninyo," hindi makapaniwalang wika ng una kasabay nang paglahad sa palad.
Kaya naman ay muling nabuhay ang galit sa katawan ni Bryce Luther. Subalit bago pa maipahayag ang saloobin ay naunahan siya ng basta sumulpot at nagpakilalang abuelo raw niya.
"Kung sasabihin kong oo, may problema kayong mag-ina? Kung may matatawag mang hampas-lupa sa inyong ay kayong mag-ina! Alalahanin ninyong isang---"
Ngunit ang arogoante ay pinutol ang pananalita ng Don.
"Pero, boss. Nakita ko na lahat ang mga apo mo sa Mondragon Empire. Bakit hindi ko man lang nasulyapan ang gag*ng ito---"
Pero hindi pinatapos ng matandang Mondragon ang pananalita ng namutol sa kaniyang pananalita. Dahil ikinumpas ang palad. At sa isang iglap ay tumilapon ang hudas! Hindi lang iyon! Humarap ito sa mga taong nandoon.
"Makinig kayong lahat na nandito! Bilang head ng pamilya Mondragon, Luther Dale Mondragon, ako mismo ang nagsasabi at nagpakilala sa inyong lahat na ang panganay kong apo ay walang iba kundi si Bryce Luther Mondragon. Kung bakit man siya lumaki at nagkaisip sa piling ni Benjamin Abraham ay wala na kayong pakialam doon! Dahil wala akong magagawa kung siya mismo ang magdemanda laban sa pang-aalipusta ninyo! Again, this man in front of you is the first granchild of Mondragon family! Besides, he graduated as one of those top-notch lawyers in this country. He has all the rights to sue you all!"
Pansamantalang tumigil ang matandang Mondragon bago hinarap ang apong younger version niya. Kahit saang anggulo ito tingnan, maski ang ugali ay kuhang-kuha.
Natural apo mo!
"Come to Grandpa, Hijo. Let's go home to our mansion. Marami pa ang pagkakataon para sa love life mo. They are not worthy enough for you," aniya.
"Young Master Bryce, nagsasabi ng totoo si Senyor Mondragon. Kahit mawala ang seal na iyan ay ako ang mismong makapagpatunay sa identity mo. Mawala man ako o may magpa-salvage man sa akin ay ganoon din. Bago ka ihinabilin ng mga magulang mo sa akin ay nakahanda na ang lahat. Still, nais kong humingi ng kapatawaran sa iyo. Dahil natiis ko ang pang-aalipusta at pang-aapi nila sa iyo. Ngunit maniwala ka sa akin, kahit makabalik ka na sa tunay mong pinagmulan ay ikaw ang nag-iisa kong anak na masungit sa imahe ng mga tao. Go and pursue your dream with your grandfather." Pagsegunda pa ni Benjamin.
Marami pa silang sinabi ngunit dahil sa samo't saring tumatakbo sa kaniyang isipan ay nanatiling tahimik ang binata.
Kaso!
"Hey, brat! Aba'y ipakita mo ngayon kung gaano katalim ang pananalita mo. Oh, 'diba si Mr Mondragon na ang nagsabing apo ka niya? Tsk! Tsk! Ano ba ang ipinakain mo sa kaniya at mukhang naguyo mo na rin siya?" Mapang-uyam na sabat ni Zandro.
"Babe, huwag kang ganyan. Nakalimutan mo na bang sa Mondragon ka nagtatrabaho? Hindi ka ba natatakot ma mawalan mg trabaho dahil sa pagsagot-sagot mo sa big boss ng Mondragon Empire?"
Hindi bumubulong at mas hindi sumisigaw. Kaya naman ay umabot iyon sa pandinig ng nakakarami.
"Hindi iyan mangyayari, babe. Dahil isa sko sa senior officer sa empire. Maaring ang matandang iyan ang big boss ng Mondragon Empire ngunit ang ikalawa niyang anak ang mismo kong boss. Kaya't huwag kang mag-alala." Tinapik-tapik pa nito ang palad ng kasintahan bago muling bumaling sa matandang Mondragon.
"Master Mondragon---"
Subalit hindi na iyon nadugtungan pa ni Zandro. Dahil sinipa na ito ni Bryce Luther. Hindi lang iyon, pinaluhod ito sa mismong harapan niya.
"WALA akong pakialam kung tawagin n'yo ako sa pangalang gusto ninyo. Bastusin ako dahil isa akong mahirap lamang. Maaring nanahimik ako dahil wala akong mahagilap na isagot. Subalit wala kayong karapatang insultuhin sila! Nandito siya para sa akin!" sigaw niya saka sinuntok ng paulit-ulit.
"Ano ba?! Tama na! Wala ka na talagang nagawang tama, ambisyoso ka!" tumitiling lumapit si sa dating kasintahan upang alalayan amg kasalukuyang mahal. Nagmistula itong damit na naka-hanger. Dahil sa pagbitbit nito.
Kaso!
Natahimik ang lahat dahil ito naman ang hinarap ng binata matapos bitawan ng walang pag-aalinlangan ang kasintahan umano nito.
"Sino kaya ang ambisyosa sa ating dalawa, Jasmine? Ako na naniwalang mahal mo kaya't ibinigay ko ang karampatang regalo para sa engagement party natin o ikaw na nagmistulang manggaling sa kabilang panig ng mundo at mukhang pera---"
"How dare you to say those words to my daughter, b*tch! Stay away from us! Ang hampas-lupang tulad mo ay para lang sa katulad mong mahirap. Kaya't kung ginagawa mo iyan upang balikan ka ni Jasmine ay mas mabuting kaladkarin mo ang iyong ama at umalis na---"
Subalit kung pinutol ng ina ni Jasmine ang pananalita ng binata ay hindi rin nito natapos ang sinasabi dahil tumabingi ang mukha dahil na rin sa galit ng matandang Mondragon.
"Kahit isang hibla ng buhok mong matanda ay hindi makapantay sa yaman mayroon ang apo ko. Kaya't kung gisto mong masikatan ng araw ay dahan-dahan lang sa pananalita!"
"Men, arestuhin silang lahat at dalhin sa presinto! Sa akin kayo mananagot oras na may makatakas sa kanila. Take them all and wait for me there!"
Kulang ang salitang malakas upang ilarawan ang boses ng matandang Mondragon sa oras na iyon. At sa bilis ng pangyayari ay wala ng nakapalag. Kahit ang binata ay walang namutawi sa labi hanggang sa nakabalik sila sa tahanan nilang mag-ama. Oo, ama. Dahil ito ang kinikilala niyang ama.
FEW MOMENTS LATER... "Anak, alam kong mahirap paniwalaan ngunit ito ang katotoohanang hindi mo maaring takasan habang-buhay. Tama, ako ang nakalakhan mong ama at nakakabit ang Abraham sa bawat papeles mo. Labis-labis ang pasasalamat ko dahil sa tulad mo ay naranasan kong naging ama sa kabila ng pagiging single ko hanggang ngayon. Again, go and live with your proper lineage. The Mondragon," mahaba-habang paliwanag ni Benjamin.
Mas minabuti naman kasi niyang kausapin ito. Dahil kitang-kita niya ang shock sa huo nitong pagkatao.
"Kung sasama ako sa kanila, Papa, paano ka rito? Natatakot akong baka ikaw ang balikan nila. Ikaw na ang nakasaksi kung paano nila tayo ininsulto sa araw-araw. On how they discriminated you for raising a child like me alone. Papa, hindi mo ako ipinapamigay 'diba?" anito.
"Ipinapamigay? Mali, anak. Kailanman ay hindi ko magagawa iyan sa iyo, anak. Madalas man kayong maglarambola ni Ramil dito ay hindi ko naisip na ipamigay ka. Ang tamang salita ay gusto kitang bigyan ng mas magandang buhay. Huwag kang mag-alala dahil kung saan mo ako iiwan ay dito mo rin ako babalikan pagdating ng araw. Huwag mong isiping ayaw kong sumama sa iyo sa mansion ninyo ngunit gusto ko ring bigyan kayo ng pagkakataong makapag-bonding ng husto ng abuelo at iba mong kapamilya," muli niyang paliwanag.
'Amo kita, Young Master. Ngunit sa akin ka lumaki kaya't kailangan kong gamitan ka ng emotional blackmail para sa mas maganda mong kinabukasan. Sa aking puso ay mananatili kang anak sa akin. Tatay loves you, Young Master,' pipi niyang bulong.
"Eh, kung ayaw mong sumama sa mansion ay hindi na rin ako sasama---"
"No, don't say that, young master. Kailangan mo ang sumama sa kanila. Dahil bukod sa sila ang tunay mong kadugo gusto ka rin nilang maka-bonding. Sabi ko sa iyo kanina ay kung saan mo ako iiwan ay dito mo rin ako babalikan. At isa pa, kapag nasa mansion ka na ay wala ng mangangahas na mang-api at mang-alipusta sa iyo." Pamumutol niya.
Indeed!
Dumaan siya sa butas ng karayom bago ito napapayag. Masakit ding mawalay dito ngunit kailangan niyang tiisin para sa mas mabuti nitong kinabukasan.
SAMANTALA sa kabilang panig ng mundo o sa probinsiyang ipinangako.
"Magandang umaga po mga kapamilya. Pansamantala po naming puputulin ang ating programa sa kasalukuyan upang mapagbigyang-daan ang nagbabagang balita sa oras na ito. Miss Garcia, please go ahead," paunang wika ng anchor woman sa field reporter na nasa kabilang linya.
"Maraming salamat po, Miss Delgado. Narito na po ang nagbabagang balita ngayong umaga. Ayon sa mga residenti bayan ng San Juan ay may natagpuan silang bangkay sa may talahiban. Isang dalagita ang hinihinalang ginahasa bago pinatay. Ayon din sa mga experto na nagsagawa ng medico-legal ay hindi lang iisang tao ang gumawa sa panggagahasa kundi higit pa roon. Napag-alaman din natin sa mga eksperto na may naiwang bubog sa kaselan at puwet ng kaawa-awang dalagita. At mas masakit pa ay maraming paso ang natagpuan sa katawan nito at hinihinalang ginawa itong ashtray.
Nanawagan po ang PNP sa buong probinsiya, kung sino man po ang nakakakilala sa dalagitang nakikita ninyo sa inyong mga telebisyon ay ipagbigay-alam n'yo po sa kanila upang malaman ang pagkakakilanlan nito o kung sino ang pamilya ng biktima at maihatid ito.
Sa lahat po ng mga kababaihan, bata man o may edad ay ipinapakiusap po ng pulisya na iwasang mapag-isa lalo na sa gabi. Bago pa man lumaganap ang dilim ay kailangang nasa loob na kayo ng inyong tahanan para maiwasan ang paulit-ulit na problema o ang kasong rape.
Katherine Garcia naglilingkod sa inyo. Magandang umaga kapamilya and back to you there in the studio." Pagbabalita ng reporter bago nawala sa linya.
"Thank you very much, Miss Garcia and back to our program, kapamilya," wika naman ng anchorwoman.
Kaso!
"ANO BA iyan! Umagang-umaga ngunit krimen ang nasa balita. Susme!" Ngitngit ni Haenna Mae o mas kilala sa pangalang MayMay.
"Hah! Sisihin mo ang trabaho mo, anak. Abay maari ka namang mag-duty sa araw ah. Ayan! Kababae mong tao ngunit sa gabi ang duty!" salubong na wika sa kaniya ng inang si Aling Maria.
Tuloy!
Lihim siyang napangiwi.
"Nanay, ayan ka na naman sa pamumuna ng oras sa duty. Aba'y. Itong probinsiya lang yata natin ang punong-puno ng krimen eh," sagot niya bago nagbigay-galang.
"Hoy, MayMay, maaring lagyan mo ng plaster amg iyong bibig? Oras na makarating iyang sinasabi mo sa kinauukulan ay sa kalabuso ang bagsak mo. Hah! Hala, kumain ka na sa kusina at makapahinga ka na rin. Sa ibang araw ka na lang sasama sa palayan. Isara mo ang mga pintuan at bintana. Mamayang hapon pa ang dating ng mga kapatid mo galing sentro."
Pinagdidilatan pa talaga ng ina. Ngunit hindi na niya pinansin dahil hahaba lang ang usapan. Bagkus ay nagpaalam na lamang siya at nagtungong kusina upang makapag-almusal na rin bago maligo at matulog.
'Kung puwede nga lang itakwil ang probinsiyang ito ay ginawa ko na. Kung hindi p*****n dahil sa pulitika ay karahasan against wome,' bulong bago tuluyang hinila ng karimlan.