"THANK you, Mr. Lee," ani Sire sa ka-lunch meeting. Kinamayan pa niya iyon. Hindi rin naman ito nagtagal pa sa kinaroroonan nilang restaurant. Um-order lang ito ng isang pula na ferrari na ireregalo nito sa anak nitong kaga-graduate lang sa koleheyo at nakipagkuwentuhan more on business. Dahil lunch lang ang available nitong libreng oras kaya pinaunlakan na rin niya. Hindi agad siya umalis sa lamesa na ukupado at nanatili roon ng ilang sandali. Mayamaya pa nga ay umupo sa inalisang upuan ni Mr. Lee si Elena. Kanina pa niya ito nakikita sa loob ng restaurant at mukhang hindi nga siya nagkamali, siya talaga ang pakay nito. Pagkakuha nito sa bag ng puting folder ay inilapag din nito iyon sa gilid ng lamesa. Kinunutan niya ito ng noo. "Hindi ka pa rin ba tapos diyan? Sinabi ko ng hindi ako