HINDI pa natatapos sa restaurant ang pangungulit ni Elena kay Sire para pumirma sa annulment paper. Isang gabi pag-uwi ni Sire sa penthouse galing sa Leisure Club ay bumungad sa kanya ang maraming kopya ng annulment paper sa sahig at ang iba ay nakadikit sa wall. Meron din sa sala, kusina, kuwarto at maging sa banyo. Imbes na mainis ay napatawa pa siya habang naiiling. Galing doon ang asawa niya at nag-effort ng paglalagay niyon sa buong penthouse. "Pasalamat ka at..." nakangiting sinarili na lang niya ang kung ano pang sasabihin pa. Katatapos lang niyang mag-shower nang mag-ingay ang kanyang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Ang kaibigang si Mark Brice ang tumatawag. "Guess what?" Bungad agad nito. "Ano 'yon?" Wala siya sa mood manghula. "Dito sa Alager naka-check in ang asawa mo