IBINABA ni Elena ang hawak na kubyertos at matamang pinagmasdan si Sire. Hindi nito halos kinakain ang pagkain sa plato nito. Pansin din niya na simula ng pumunta sila sa Leisure Club, kung saan ito miyembro, ay parang lutang ito. Kanina pa rin ito tahimik. Hindi naman siya ganoon kamanhid para hindi malaman ang pinagkakaganoon nito. Something is bothering him. At alam niyang may kinalaman doon si Charity. Hanggang ng mga sandali ngang iyon ay wala pa rin itong nababanggit sa kanya kung ano ba ang pinag-usapan ng dalawa. Gusto niyang mag-usisa dangan nga lamang at iginagalang niya ang pananahimik nito kanina. Pero ngayon ay hindi na siya nakatiis pa. "Ano'ng problema, Sire?" Saka lang ito animo bumalik sa kasalukuyan ng marinig ang boses niya. He even blinks twice. At apologetic na tum