Chapter 27

835 Words

PINAGMASDAN ni Elena ang suot na wedding ring sa kamay niya. Ni minsan ay hindi niya iyon hinubad sa palasingsingan. Pagkuwan ay huminga ng malalim at tuluyang binuksan ang pinto ng penthouse ni Sire. Alam niya ang code sa pinto kaya malaya siyang makakapasok doon. Ayon sa secretary nito ay wala roon si Sire. Pero nagdesisyon siya na hintayin ito. Gusto na niyang mag-usap sila dahil hindi na niya kaya ang panlalamig nito sa kanya. At kapag tumagal pa ay hindi na niya alam ang mangyayari sa kanya. She missed him a lot. Huli niyang nakita si Sire ay noong engagement party nila na natuloy pa rin isang linggo na ang nakakalipas. Ngunit nanatiling malamig ang binata sa kanya. Maging ang wedding ring nito ay hindi rin nito suot. Mukhang kinalimutan na nga talaga ng binata ang naging kasal nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD