Nakatanaw sa malayo ang binatang si Cris na tila ba may hinihintay sa labas ng kanilang bahay. “Kuya, kumain na po tayo,” untag dito ng kapatid na si Annie. Papasok na sana sa loob ng bahay ang magkapatid nang may tricycle na tumigil sa tapat. Sabay sila napalingon at nagulat silang parehas nang makilala nila ang bumaba. Tipid na ngumiti muna si JL sa magkapatid nang makababa siya sa tricycle. Awang naman ang mga bibig ng magkapatid habang nakatingin sa kanya. Nasa mukha nila ang pagtataka. Ang alam kasi talaga nila ay kakalimutan na sila ni JL dahil nakabalik na ito sa pamilya nito. Ano’t naririto ang dalaga? Kahit alanganin ay maluwang na ngumiti na si JL sa mga ito. Mayamaya ay parang nagbalik naman na sa sarili si Cris at dahang-dahang lumapit sa dalaga. “Bumalik ka, JL?” Tuman

