PART 82

1002 Words

"Saan ka ba nagpunta?” Umiiyak si JL na sinalubong niya si Cris. Akala kasi talaga niya ay iniwan na siya ng binata. Tinginan ang magkapatid ta’s nagngitian. Hindi nila sasabihin kay JL ang ginawa nila. “Bakit ka umiiyak?” Masuyong pinunasan ni Cris ang mga luha ni JL. Ngayon pa lang ay nakikini-kinita na nito ang kagandahan ni JL. “Saan ba kasi kayo nagpunta? Akala ko iniwan niyo na ako, eh.” Parang bata na napakusot-kusot si JL sa mga mata. “Ano ka ba, Ate. May binili lang kami ni Kuya. Halika. Ang dami rin naming binili para sa ‘yo,” natatawang sabi ni Annie. Noon lang napansin ni JL na madaming bibit na paper bag ang dalagang kapatid ni Cris. “Nag-shopping kayo?” “May binili kasi akong gamit sa pag-aani tapos ‘yan naisipan ka ni Annie na bilhan din ng gamit,” paliwanag ni Cris.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD