"Relax lang.” Masuyong hinawakan ni Ashlene sa kamay ni Jonathan. Halatang-halata kasi ang nerbyos kay Jonathan. Hindi mapakali ang mga paa nito sa paggalaw. “Okay lang kami.” Nginitian naman ni JL si Cris. Si Cris na pinagpapawisan naman sa sobrang kaba kahit na ang lakas ng aircon ng clinic na kinaroroonan nila. Natatawa na lang sina Ashlene at JL dahil sila ang inoperahan pero daig pa sila ng dalawang lalaking mahal nila sa nerbyos. Kulang na lang ay mga mahimatay na. Ngayon na kasi ang oras na tatanggalin ang mga benda sa mukha nila. Pagkatapos ng operasyon nila isang buwan na ang nakakaraan kaya kabadong-kabado ang dalawang lalaki sa kalalabasan ng operasyon nila. “Ready na ba kayo?” tanong na ng doktor na nagsagawa ng maselan na operasyon. Ang mga namumutala na Cris at Jonathan

