"Bitawan mo ako, Darren!" Nagpumiglas si Marjorie sa yakap ni Darren nang nahimasmasan siya. Mali ang ginagawa ni Darren. Subalit sinunggaban agad ni Darren ang isang kamay niya nang nakawala siya at nang akmang magwo-walk-out sana siya. “Do you really think I will just let you disappear from my sight now that I’ve seen you? Asa ka.” “Darren, bitawan mo ako sabi!” pagpupumiglas ulit ni Marjorie. “No because you’re coming with me!” Imbis na pakawalan ni Darren ang dalaga ay hinila niya ito palabas sa waiting area ng airport, patungong pilahan ng mga taxi. “Wynwood, please,” sabi agad niya sa cab driver nang maisakay niya si Marjorie sa loob. Ilang beses na siyang nagbakasyon sa States kaya kabisado na niya kahit paano ang pauwi sa lugar ng kanyang Uncle Migs. Makulit lang ang Uncle Mig

