"This is what I’m telling you. Kumuha ka na nga ng kapalit ni Ashlene ay ‘yung demonyitang babaeng ‘yon pa. Oh, eh, ano ngayon nakita mo na ang totoong ugali niya?” sunod-sunod na sermon ni Aling Susan kay Jonathan. Kanina pa ito nagsimulang nagbunganga sa kotse nang ikuwento ni Jonathan ang napapansing pagbabago na ugali ni JL, lalo na sa tungkol sa kanilang anak. Kamot-ulo na lang si Jonathan, silang mag-ina ang bantay muna kay Baby Zia. Pinatulog nila saglit si Yaya Marites. “Hindi ka kasi naniwala sa ‘kin,” patuloy pa ri ni Aling Susan. “Mom, lower your voice. May natutulog.” Ininguso ni Jonathan ang yaya na natutulog lang sa tabi. “Ay, ewan ko sa ‘yo kasi. Ito na nga ba ang sinasabi ko.” Pero hindi pa rin hininaan si Aling Susan ang boses. “Atat ka kasi! Kung hinintay mo na lang n

